Chapter 25

11 1 0
                                    


WHEN NIKOLAJ said, he will change Abby's mind about not going to the party, he meant it. Kaya kinabukasan ay inalam niya ang address ng dalaga para puntahan ito.

Habang lulan sa sasakyan ay panaka-naka ang sulyap niya sa cellphone niya kung saan naka-flash sa screen ang waze map na sinusundan niya. Nikolaj carefully drive himself to Abby's place at habang papalapit siya nang papalapit sa destinasyon niya ay patindi nang tindi rin ang kabang nararamdaman niya sa hindi malamang kadahilanan.

Nang marating ang lokasyong tinutukoy ng address, isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago niya pinatay ang makina ng sasakyan at lumabas.

Pagkalabas ay pinasadahan muna niya ng tingin ang may kalumaan nang gusali sa harapan niya. May apat na palapag ito at mula sa labas ay nakikita niya ang mga teresa at bintanang magkakasunod-sunod at may ilang mga metrong layo sa bawat isa. Sa tanawing iyon palang ay masasabi na ni Nikolaj na taliwas sa inaakala niyang bahay ang madadatnan niya.

Akala niya ay isang normal at simpleng bahay na may malawak na bakuran ang makikita niya sa lugar na pinuntahan ngunit mukhang nagkamali siya dahil ang nakikita niya ay isang condominium type na gusali or he should say, apartment.

Ngayon ay hindi niya maisawang matanong kung pag-aari ba ng dalaga ang tinutuluyan o isa rin ito sa mga tenants doon? Gayunpaman ay wala siyang pakialam. Hindi ang bahay nito ang sinadya niya kundi ang dalaga mismo. Kaya bago tuluyang sinarado ni Nikolaj ang pintuan ng sasakyan ay inabot niya muna ang isang kumpol ng bulaklak na nasa passenger seat at isang box ng cupcakes na may anim na piraso sa loob. Napag-alaman niya kasing mahilig sa cakes ang dalaga kaya iyon ang napili niyang dalhin para suyuin ito, nagbabakasakaling makakatulong ito para magbago ang isip nito.

Bitbit ang mga pasalubong niya sa dalaga, pinipilit ni Nikolaj ang sarili na maging kaswal habang tinutungo ang entrance ng gusali. Isang guard ang unang bumungad sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit na kaagad naman bumati sa kanya nang mapansin siya.

"Ano pong maitutulong namin, Sir?" Tanong ng guard sa kanya habang kapansin-pansin ang pasimple nitong pagsuyod ng tingin sa kabuuan niya. Mukhang maingat at maayos ang seguridad ng lugar kahit na hindi halata sa itsura nito.

Tumikhim si Nikolaj bago sinagot ang tanong ng guard, "I'm here for Abby, Abigail Perez. Pwede bang makausap siya?" He asked politely.

"Ahh... Si Ma'am Abby. Kaanu-ano niya po kayo Sir? Pasensya na po sa tanong, pero di niya po kasi nabanggit na may inaasahan siyang bisita ngayon gayung kakaakyat lang din po niya kani-kanina lang." Magalang na tanong nito na ikinatangu-tango niya.

"Hindi niya kasi alam na pupunta ako ngayon." Sagot niya rito. "By the way, I'm her boss. CEO ako ng kompanyang pinapasukan niya. Gusto ko lang sana siyang makausap aabout some business stuff kung pwede."

"Ganoon po ba, wait lang po, Sir ah. Tawagan ko muna si Ma'am Abby para ipaalam sa kanya ang presensya niyo."

Tanging tango lamang ang itinugon ni Nikolaj sa security guard na mabilis na iniabot ang telepono na nasa desk nito at nag-dial. Ilang minuto lang ang hinintay niya nang muling kunin ng guard ang atensyon niya na noon ay matiyagang pinapasadahan ng tingin ang mga taong paroo't parito.

"Ano po palang pangalan niyo, Sir?" Tanong nito sa kanya na kaagad naman niyang sinagot.

"Nikolaj Saadvedra."

Kaagad naman itong tumango at muling ibinalik ang atensyon sa pakikipag-usap sa telepono sabay banggit ng pangalan niya. Mayamaya pa ay ibinaba na nito ang tawag at muling humarap sa kanya kasabay nang pag-abot nito ng isang kulay asul na notebook na hinuha niya'y logbook ng mga bumibisita.

"Pakisulat na lang po ng pangalan niyo, Sir saka pirma na rin po pati ang petsa ngayon at oras." Turan nito sa kanya habang tinuturo ang mga space sa notebook kung saan siya dapat magsusulat.

Lihim na napahanga si Nikolaj sa proseso ng pagtanggap ng mga ito ng bisita. Makikita talaga na mahigpit ang seguridad ng lugar dahil dito.

Pagkatapos isulat ang impormasyong hiningihi nito ay ibinalik na rin ang notebook sa guard. Akala niya ay makakapasok na siya pagkatapos niyon pero mukhang nagkamali ulit siya dahil muling nagbigay ng panuto ang guard ng susunod niyang gagawin nang maabot na nito ang notebook.

"Tsaka paiwan na rin po ng ID niyo, Sir. Huwag po kayong mag-alala, makukuha niyo rin naman po iyan paglabas niyo ng building."

Tanging tango lang ang itinugon ni Nikolaj dito bago dinukot ang wallet niya sa bulsa niya at kumuha ng isa sa mga business ID niya. Pagkaabot ng guard ng ID ay iginiya siya nito sa isang scanning area para suriin ang kabuuan niya.

"Pasensya na sa abala, Sir. Security protocol lang po." Anas ng guard pagkatapos siyang ma-check nito.

Bahagyang umiling si Nikolaj sa narinig. "Nah, it's okay. I understand."

Isang ngiti ang ginawad sa kanya ng guard. "Okay na po, Sir. Pwede na po kayong umakyat ng ligaw."  Pasimpleng kantyaw nito sa kanya habang inaabot ang mga dala niyang pinatong niya saglit sa desk nito na ikinailing-iling na lamang niya.

Manligaw? He never thought of it that way, pero mukhang iyon nga ang gagawin niya sa mga sandaling iyon dahil sa ayos niya at mga dala niya. Napangiti si Nikolaj sa naisip. It's not a bad idea though.

Abby is some kind of a woman he never imagine. Akala niya ay katulad lang din ito ng mga babaeng nakilala niya, na pagkatapos niyang pakitaan ng interes ay magiging clingy na ito sa kanya at magdi-demand ng kung anu-ano dahil nga may nangyari na sa kanila at ilang beses din iyon. Pero taliwas doon ang nangyari. Walang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya as a boss. She still the same secretary like the first day they met.

Hindi niya mabasa ang tinatakbo ng isipan nito na minsan ay nagpapairita sa kanya. At mas lalo lang siyang naiinis sa sarili niya dahil taliwas sa ginagawa nito ang gusto niyang gawin ng dalaga. Gusto niyang maging clingy ito sa kanya sa hindi malamang kadahilanan but now, mukhang alam na niya kung bakit.

Dini-deny lang talaga niya dati dahil hindi niya matanggap sa sarili niyang tama ang Tita Laura niya, na iba ito sa inaakala niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Nikolaj dahil sa tumatakbo sa isipan niya kapagkuwan ay napaisip, hindi pa naman siguro huli para sa kanya na gawin ang dapat niyang gawin di ba? Bilang isang lalaki?

Napasulyap siya sa bitbit na mga bulaklak kapagkuwan ay napangiti. 'Why not?' Sa isip-isip niya.

Mula sa mga bulaklak ay napaangat ang mukha ni Nikolaj nang mapansin niya ang pagbukas ng pinto ng elevator na kinalulunanan niya. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon sa dingding ng elevator bago siya lumabas doon at tinungo ang unit ni Abby.

Nang makita ay kaagad niyang pinindot ang doorbell nito. Wala pang isang minuto ay pansin na ni Nikolaj na bubukas na ang punto kaya kaagad niyang inihanda ang sarili at ang magiging ekspresyon ng mukha niya pero kaagad din iyong napalitan nang makitang hindi ang dalaga ang nagbukas ng pinto sa kanya.

"Hello po... Who are you po? Ano pong kailangan ninyo po?" Sunod-sunod na tanong ng batang nasa harapan niya.

Napakurap-kurap si Nikolaj at hindi nakahuma kaagad at wala sa sariling nabanggit ang pangalan ng dalagang sadya niya. "A-abby..."

"Si Mama po? Nasa kusina po, nagluluto. Wait po, kuya ah... Tatawagin ko lang po si Mama." Paalam ng bata bago muling sinirado ang pinto while him, still in daze.

'Did he just called Abby Mama?' Tanong ni Nikolaj sa sarili kasabay ng pagbagsak ng mga dala niya sa sahig.

Loving A Disgrasyada जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें