Chapter 24

13 1 0
                                    


KAKABALIK LANG ni Abby sa lamesa niya mula sa caf nang mapansin niya ang pagbukas ng elevator na abot-tanaw lang mula sa table niya. Hindi mapigilan ni Abby ang mapataas ng kilay nang makitang iniluwa roon ang boss niyang nakabusangot na naman. Well, ano pa bang bago?

Abby was just about to ignore her boss but the latter called her. "In my office, Abby."

Napahugot na lamang ng malalim na hininga sa Abby sa narinig saka walang nagawa kundi ang sumunod kay Sir Nikolaj na deritsong pumasok sa opisina nito pagkasabi niyon without waiting for her response.

Nang makapasok ay walang kibo na isinarado ni Abby ang pintuan at hinintay na magsalita ang boss niyang halatang hindi mapakali sa iisang lugar dahil panay ito paroo't parito kaya napagpasyahan niya na lang na kunin ang atensyon nito pero kaagad din siyang napahinto dahil nagsalita rin ito.

"Sir--"

"Why?"

Napakunot ang noo ni Abby sa tanong nito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Bakit hindi ka a-attend ng party?"

Hindi kaagad nakasagot si Abby dito kaya muli itong nagsalita. "Mikaella told mo, you're not going to the party that is why it's impossible for you to be my date but I didn't believe her, so I went to Tita Laura to clarify it and she said it was true. So, why?" Mahaba nitong pahayag.

Matamang napatitig si Abby sa boss niya dahil sa narinig. "Why do you care, Sir? It's not even a big deal if I will attend or not." She said as a matter of fact pero bigla ring siyang napaigtad sa gulat nang biglang tumaas ang boses nito.

"Of course, it is!"

Kunot ang noong napatingin si Abby kay Sir Nikolaj at nagtatakang nagtanong, "A-ano pong ibig niyong sabihin, Sir?"

"I mean... It's a party for the whole team and it's a mandatory, so it means all employees must be there, that's why it is a big deal if you're not coming." He reasoned out.

Napatangu-tango si Abby. "Yes, it's really a mandatory."

"See, you knew it. So why--"

"But a mandatory with an exceptions." Putol niya sa sasabihin ng boss niya na ikinakunot ng noo nito kaya ipinagpatuloy niya ang pagsasalita para maliwanagan ito. "It means that if you can't or don't want to come to the party, you have to give the admin a valid reason para payagan kang hindi pumunta sa event and yes, Sir... I have a valid reason kung ba't hindi ako pupunta at alam na din iyon ng mga admin especially Ma'am Laura." paliwanag niya rito.

Abby waited a moment or two for her boss to say something after what she just said but five minutes more later, her boss stay still.

"Sir..." Kuha ni Abby sa atensyon ni Sir Nikolaj na biglang na-space out. "Sir..."

"Why..?" Tanong nito sa kanya sa mababang boses.

"What why, Sir?"

"I mean, what's your reason? Anong rason mo ba't hindi ka pupunta?"

"It's not my forte." Kaagad niyang sagot dito.

"Then it's not a valid reason." Turan nito na ikinasingkit ng mga mata niya.

"Ba't ba parang ang big deal para sa inyo ang pagpunta ko sa party? Wala namang mawawala kung hindi ako--"

"Meron." Sabat nito sa kanya. "Mawawalan ako ng date."

"You're not serious about that, Sir... Right?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa boss. "Ginawa niyo lang naman iyong dahilan sa babae kanina para tigilan ka niya, di po ba?"

"I'm serious, Abby. Hindi ko lang iyon gawa-gawa lang, I was just trying to ask you with in this day pero naunahan ako ni Mika, kaya hindi ko matanggap na hindi ka pupunta dahil isa lang ang ibig sabihin nun, mawawalan ako ng date."

"Pwede naman po kayong humanap ng ibang ka-date, Sir. There's a lot of gorgeous woman out there na I'm sure, willing makipag-date sa inyo just like the woman earlier." Abby reasoned out.

"No, I don't want any of them." Umiling-iling pa ito. "I only want you, Abby."

Biglang naghara-kiri ang dibdib ni Abby sa narinig pero kaagad din niyang kinastigo ang sarili kapagkuwan ay buong lakas ng loob na sinalubong ang tingin ng boss niya. "Lasing po ba kayo, Sir? Alam niyo po ba iyang pinagsasabi niyo?"

"Of course, I'm not drunk and of course, I know what I am saying," sagot nito habang humahakbang papalapit sa kanya, "...and yes I like you, Ms. Secretary. I like you a lot, Abby. That's why I want you to be my date and called me by my name."

Payak na napangiti si Abby sa narinig kapagkuwan ay napailing-iling habang umaatras palayo rito. "I'm sorry, Sir... But I can't be your date." Pagtanggi niya rito sabay talikod at labas ng opisina nito.

HINDI MAKAPANIWALANG napatitig si Nikolaj sa pintong nilabasan ni Abby. Hindi niya akalain na tatanggihan nito alok niya, after everything that happened to them. Akala niya ay madali na lang para sa kanyang mapapayag ito pero mukhang nagkamali siya.

Napakunot ang noo niya sa pagtataka. Nagkamali ba siya? Talaga bang totoo ang sinabi ng Tita Laura niya na iba ito? Napabuntong-hininga na lamang siya.

If yes, then the more reason that he must pursue her. He can't let her slip away. He just can't.

'You will be my date, Ms. Secretary... Even if you like it or you want it.' He thoughts with a little smirk on his lips.

PAGLABAS NI Abby sa opisina ni Sir Nikolaj ay doon lamang siya nakahinga ng maluwag. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kabog na bumubundol sa loob ng dibdib niya.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay paulit-ulit pa rin niyang naririnig ang mga salitang iyon na para bang sirang plaka na pinapatugtog sa loob ng utak niya. Hindi niya alam kung seryoso ba ang boss niya sa sinabi nito o pinaglalaruan lang siya nito, gayunpaman ay hindi na iyon mahalaga dahil alam naman niyang wala rin iyong patutunguhan.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Abby bago niya tinungo ang cubicle niya. Pagkapasok ay kaagad niyang sinipat ang oras sa cellphone niya at nang makitang oras na ng uwian, kaagad na niligpit ni Abby ang mga papeles na nagkalat sa ibabaw ng lamesa niya. Sinalansan niya ang mga iyon sa isang drawer pagkatapos ay sarili naman niya ang inayos niya.

Nang matapos at handa na siya para uwuwi, isang huling sulyap ang iginawad niya sa loob ng cubicle niya dahil isang linggo rin siyang hindi makakapunta roon. At bago niya tuluyang tinungo ang elevator, ginawaran din niya ng sulyap ang nakasaradong pinto ng opisina ng boss niya.

'I don't know if you mean it, but still, I am glad that I was able to heard it from you.' With that thoughts, Abby step forward.

Loving A Disgrasyada Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon