One

194 9 0
                                    


Frankie

"Good Morning class, this is Frankie Alcantara, bago niyong kaklase" Pakilala sakin ng adviser namin sa buong klase.

Isa akong transferee student, buti na lang ay tinanggap pa ako ng school kahit tapos nag start na ang 2nd semester.

"Humanap ka na lang ng mauupuan mo" Saad sakin ni Ma'am, tipid akong tumango at pinili ang upuan malapit sa bintana.

Hindi naman sa mismong bintana, kumbaga may dalawa pang upuan malapit sa bintana bago ako.

"Hello Frankie" Sabat ng isang babae.

Napangisi ako ng maiisip na baka akala niya ay lalaki ako.

"Hello" Bati ko pabalik.

Napakunot ang noo niya at napatakip ng bibig tyaka humarap sa katabi niya.

"Behhh! Yung boses" mahinang tili niya.

Napangisi na lang ako at hindi na sila pinansin.

Nakinig ako sa discussion, medyo nahuhuli na kasi ako dahil nga late transferee ako.

Graduating na ako, Hindi naman ganon katataas ang grades ko hindi din ako matalino. Sakto lang para makapasa.

Mabilis na lumipas ang oras at break time na namin ngayon.

30 minutes lang matagal na din yun para kumain.

Ang daming students na nakakalat.

"Grabe siya pala yung transferee"

"Beh ang yummy"

"Ang gwapo be!"

Natatawa ako sa mga sinasabi nila.

Ngumingiti ako sa mga nakatingin sakin.

Nakapamulsa akong pumila para bumili sa canteen.

"Ahahaha! Hayop"

"Oo pre, pinahawak niya sakin"

"Puro kayo kabastusan"

"HAHAHA, siya yung transferee diba?"

Nakatingin ako sa grupo ng apat na lalaki ,mga nakatingin din sila sakin.

"Classmate!" Tawag nung isa sakin at kinawayan ako.

Hindi nagbago ang seryoso kong mukha, Hindi ko sila pinansin at umusad na sa pila.

Ang mga ganong tao ang ayaw kong makasalamuha. Hindi ko alam ang pinag uusapan nila pero tingin ko ay kababuyan lang yun.

Palagpas na ako sa table dala ang burger na binili ko ng tumayo yung isa at humarang sa daan ko.

"Sabay ka na samin pre" Aya niya sakin.

Tumingin ako sa table nila at sa iba pa siyang kasama.

"Salamat na lang" Ngiti ko at nilagpasan na siya.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveWhere stories live. Discover now