Fourteen

48 6 3
                                    


Wayne

"Ano ba kasi talaga ang pinagtagalunan niyong dalawa? Simula ng magtransfer si Frankie dito, Hindi na kayo naging maayos" Usal sakin ni Elize.

Hindi ako umimik at kumamot lang sa ulo ko.

Isang araw nang hindi pumapasok si Frankie, galing ako sa bahay nila at sabi ni Kuya Fin ay nasa hospital daw si Frankie.

Gusto ko siyang puntahan sa hospital pero hindi ko alam kung may lakas pa ba ako ng loob na humarap sa kanya at sa pamilya niya.

Alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit siya na-sprain.

Kung hindi ko siya itinulak edi sana hindi mangyayare sa kanya yun... Ang lakas ba naman niya kasing mang-inis.

Hindi ko na nacontrol ang sarili ko at natignan ko na siya ng mga oras na yun bilang isang lalaki.

"Wayne, nakikinig ka ba sakin?" Pagtatanong ni Elize.

Nabalik tuloy ako sa ulirat at napatingin sa kanya.

"Ha?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Inis siyang tumingin sakin at umirap.

"Psh, hindi ka naman nakikinig eh... Pupuntahan ko si Frankie sa hospital mamaya, sumama ka sakin at humingi ka ng sorry" Seryosong bilin sakin ni Elize.

"Eh? Bakit ako magsosorry? Anong ginawa ko?" Taka kong tanong.

Para sakin kasi, kahit naitulak ko siya wala pa din akong kasalanan dahil foul din naman yung mga binitawan niyang salita tungkol sakin.

Sabihan ba naman akong "ako daw ang pinaka nakakadiring tao" oh sinong hindi maiinis dun.

"Anong walang ginawa? Eh simula una pa lang hindi mo na binigyan ng kapayapaan si Frankie" Sagot sakin ni Elize.

Saglit naman akong natigilan at napa-isip. Tama nga siya walang minuto o oras na natahinik si Frankie ng dahil sakin.

"Psh, kahit na... May saltik din ang isang yun. gusto ko lang namang makipag close sa kanya pero sa tuwing lalapit ako sa kanya lagi siyang galit" Seryoso kong usal kay Elize.

Tumitig sakin si Elize at hindi nagsalita.

"Tsk, wag mo na kasing ipilit" Usal ko at tumayo na ako.

"Pwede ko bang malaman kung sino ang gusto mo?" Tanong niya kaya natigilan ako.

Bumuntong hininga ako dahil sa tanong niya, nung time kasi na nagsabi siya sakin na gusto niya ako ay iniwasan ko siya hindi dahil sa pag-amin niya sakin kundi dahil kay Frankie.

"Sasabihin ko sayo pag tamang oras na" Ngiti ko sa kanya at kumaway pa muna bago tumakbo paalis.

Pupuntahan ko si Frankie, gusto kong makita ang lagay niya.

Sumakay ako ng bus para makapunta sa hospital.

Yaman talaga nila Frankie eh,sa private hospital pa talaga siya at nasa private room din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon