Eight

51 1 0
                                    


Wayne

Panibagong araw, panibagong pag-iisip na naman kung paano ko guguluhin si Frankie my loves.

Asa garden kami ang paborito naming tambayan, break time ngayon syempre ano pa nga ba.

"Uy, uy patugtog tayo" Saad ni Enzo at naglabas ng cellphone.

"Nung ako ay 13,mukha akong 30" kanta ni Enzo with matching beat box pa.

"Nanagarap lang ako na tumira dun sa gilid ng estero sa Ayala Alabang" Sabat naman ni Jude.

At feel na feel niya ang pagiging rapper talsikan pa kinakain.

"Sampo ang aso namin, di ako nagyayabang" Mayabang kong kanta kaya tawanan kami.

"Di ako nangangagat, wag kang maiilang" Kanta ko pa.

Di niyo na maitatanong eh hidden talent ko ang pagkanta.

"Punta ka dito samin, mag-ingat ka pare" Sabay na kanta ni Jude at King.

"Paglakad mo sa kalye, may libre kang tae" Off beat na kanta ni Diego.

"WHAHAHAHAHA, ang bastos kumakain tayo eh" Malakas na tawa ni Enzo at dinagukan si Diego.

Nagkakasiyahan kami ng dumating si Frankie kasama niya si Elyze kaya nagsitigil kami sa pagkanta.

"Dito pala kayo" Saad ni Elyze at naupo sa tabi ko.

Pasimple kong tinignan si Frankie at ayon na naman yung pa-cool niyang personality.

"What are you looking at?" Bwesit niyang tanong.

"Sungit mo ah, may dalaw ka ba?" Pabiro kong tanong.

Halatang nainis siya sa tanong ko pero inirapan na lang ako.

"Elyze, mauna na ako sa room" Paalam niya kay Elyze.

"Eh? Kakadating lang natin dito eh" Pigil naman ni Elyze sa kanya.

Sure akong seryoso lang ang mukha niya pero deep inside nakangisi na ang malanding binabae na yan.

"Sus, yaan mo na Elyze baka wala siya sa mood... Alam mo naman yan allergy na allergy sakin" Pagpaparinig ko at humigop ng coke.

"Allergy eh kagabi lang andun ka sa kanila, medyo pansin ko nga parang close na kayo eh" Kunot noong usal ni Elyze at tumingin sakin at kay Frankie.

"Hindi kami close, for project lang yung pinunta niya" Seryoso na sagot ni Frankie at pasimple akong sinenyasan.

Tinignan ko siya ng, "Anong ipapalusot ko look"

"Tch, maiwan ko na nga kayo" Pikon niyang sabi at basta na lang kami tinalikuran.

Nang makaalis si Frankie ay medyo napaisip ako, Bakit iba kaya mood niya ngayon.

Siguro meron nga siya, bilis niyang maiinis eh.

"Nagchat sakin si Coach. May practice daw" Saad ko.

Nagsitinginan naman yung apat na kolokoy sa mga cellphone nila.

"Wala naman eh" Saad ni Jude at tumingin sakin.

"Tanga, sakin lang nagchat... Tara na....Elyze mauna na kami sayo" Paalam ko kay Elyze at nauna na.

"Uy, Wayne san ba punta natin?" Taka nilang tanong.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveWhere stories live. Discover now