Thirteen

38 3 1
                                    


Frankie

Nginisian ko si Wayne nang makitang nakatitig siya sakin sa canteen.

Tsk, sinabi ko naman na hindi ako papayag na siya lang ang may alas.

Sumenyas siya gamit ang ulo niya kaya sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng canteen.

Muli kong binalikan ng tingin sila Enzo na seryoso ang tingin sakin... Inirapan ko na lang sila at nag-paalam kay Elize.

"Hey, wait may kukunin lang ako sa room" Paalam ko kay Elize.

Tipid lang siyang tumango at ngumiti sakin.

Sa gilid ng canteen ko kanina si Wayne na nakapamulsang nakasandal sa pader.

"Why?" Seryoso kong tanong sa kanya ng makalapit ako.

"Pano mo nalaman?" Seryoso din niyang tanong.

Tumingin ako sa paligid at maraming tao at may mga nakatingin din samin.

"Sigurado ka bang dito mo gustong pag-usapan?" Tanong ko kaya tumingin din siya sa paligid at tumingin sakin.

Nauna siyang maglakad kaya sumunod din ako hanggang sa makarating kami sa storage room.

Sumunod ako sa kanya ng pumasok siya sa loob ng storage room.

Nakatalikod siya sakin ng magsalita siya.

"Pano mo nalaman?" Tanong niya ulit.

"Ang alin?" Maang-maangan kong tanong.

"Tsk, Sabihin mo na nga lang!" Inis niyang singhal sakin ng makaharap siya.

Matunog akong natawa sa asta niya kaya masama siyang tumingin sakin.

"Bakit galit na galit ka eh, trabaho mo naman yun... Hindi nga lang disente" Sambit ko sa kanya at tinignan din siya ng seryoso.

"Paano ko nalaman?... Hmm.. simple lang ang sagot Wayne... Hindi ka nag-iingat kaya nalaman ko" Usal ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Tinignan ko siya ng may mapanghusgang tingin.

"Disgusting" Deritsa kong usal sa kanya.

Halatang nainis siya sa sinabi ko at malakas akong itinulak sa pader at hinila ang kwelyo ng damit ko.

"Wala kang alam" Madiin niyang usal.

Tinitigan ko siya sa mata at halata ang inis at galit sa titig niya.

"Nakakadiri" Pang-iinis ko pa sa kanya.

Lalo niyang hinigpitan ako hawak sa kwelyo ko at hindi na ako makahinga kaya malakas ko siyang itinulak.

"Psh, Anong feeling ng mapagtripan ngayon ha?" Inis kong tanong sa kanya.

"Sasabihin mong may gusto ka sakin? Haha kahit maging babae ako o kahit si Elize mandidiri sayo" Singhal ko sa kanya kaya natigilan siya.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveWhere stories live. Discover now