Two

99 5 0
                                    


Wayne

"Psh, Diba sabi mo titigil ka na sa pambubully?" nakayuko lang ako habang pinapagalitan ako ni Elize.

Ipinaliwanag ko na kasi sa kanya na hindi ko naman binubully si Frankie may pinag uusapan lang kami.

"Elize kas—    "Isa ka pa! Tumahimik kayong dalawa!"

Napangisi ako ng palihim dahil pati si Frankie ay pagalitan niya.

Palihim kong tinitignan si Frankie kahit ang dibdib niya, naniningkit pa ang mata ko para makita kung bakat.

Hindi naman sa bastos o manyakis ako talagang hindi lang ako makapaniwala na babae siya.

Naka pixie cut ba naman tapos lalaking lalaki pumorma kahit boses niya, medyo lalaki na din.

"Ang laki laki niyo na nakuha niyo pang mag-away" Dagdag pa ni Elize, parehas lang kaming naka luhod ni Frankie at nakayuko.

Bestfriend ko na si Elize mula bata pa kami, siguro nga nung nasa tiyan pa lang kami ay nakatadhana na talagang maging magkaibigan kami,para ko na ding siyang kapatid kung ituring ko siya.

"Haha, Anong kalakohan na naman ang ginawa ni Wayne?" Tawa ni Diego kasama si Enzo, Jude at King.

"Tch, isa pa kayong apat na kolokoy kayo!" Sigaw ni Elize.

Natawa ako dahil pati sila nadamay eh kakadating lang naman nila dito sa science garden.

"Luh, bat kami nadamay?" Takang tanong ni King.

"HAHAHA" malakas kong tawa kasi priceless mga mukha nila ng batukan sila ni Elize isa-isa.

"Sige Wayne tawa pa!" masama ang tingin na usal ni Elize kaya natahimik ako.

"Uy, teka ikaw yung sa canteen diba?" tanong ni Jude kay Frankie.

Napangisi ako, ano kaya ang magiging reaksyon nila pag nalaman nilang babae si Frankie.

"Tsk, problema mo?" masungit na tanong ni Frankie.

"Ahahaha, gwapo ko pre" Sabat ni Enzo ,kaya mapangiwi si Frankie.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na ng malakas.

"AHAHAHAHA, alam niyo bang—  AACCCKKKK!!"

Yung atay ko nasira yata, nag buhol-buhol bigla yung bituka ko sa sakit.

Nakasubsob ako habang hawak ko ang sikmura ko.

Napa-angat na lang ako ng itayo ako ni Frankie.

"Excuse us, gusto ko pang makilala ng lubos si Wayne" Ngiti niya kila Diego na tulala.

"W-Wayne?" tawag nila sakin alinlangan akong ngumiti.

"U-usap l-lang kami" pilit ang ngiti na usal ko at tumango.

Hirap na hirap akong lumakad pakiramdam ko buhat buhat niya na lang ako.

Anong klaseng vitamins ba ang pinainom ng magulang neto sa babaeng to at sobrang tindi sumuntok.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveWhere stories live. Discover now