Five

74 3 0
                                    


Frankie

Nakasandal ako sa pader ngayon veranda namin at hawak ang gitara ay nagsimula akong mag strum.

"Take time to realize that your warmth is crashing down on me" nakapikit ako habang kumakanta.

Pag kumakanta ako ay lumalabas ang tunay kong boses kahit anong pagpapalaki ng boses ko ay hindi ko magawa.

"Take time to realize that I am on your side . Didn't I, didn't I tell you?"  Kanta ko at nagmulat ng mata.

"But I can't spell it out for you. No,its never gonna be that simple ,No I can't spell it out for you"  Kanta ko at napatingin sa baba.

Napakapit ako dahil muntik na akong mahulog sa gulat.

"Hi Celestial!" Masayang sigaw ni Wayne at tatalon talon pa.

"The heck!  Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong sa kanya.

"Power of stalking" Ngisi niya at kumindat pa sakin.

"Bumababa ka dito" Utos niya.

Tsk, sa takot na magsisigaw pa siya ay nagmamadali akong bumababa.

"Celestial , baka mahulog ka" Gulat na sabi ni Mommy at napatayo pa ganon din sila Kuya.

"u-uh, I'm okay....labas lang ako saglit" Pigil ang hiningang usal ko at nagmamadaling lumabas.

Mukha ni Wayne na nakaka-asar ang bumungad sakin.

Binuksan ko ang gate at inis siyang hinarap.

"Paano mo nalaman ang bahay ko? Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong sa kanya.

"Power of stalking nga, btw ganda ng boses mo... Chicks na chicks" Ngisi niya at iniharap sakin ang cellphone niya na naka video pala ako.

"A-an— 

Aagawin ko sana ang cellphone sa kanya ng mabilis niyang inilayo sakin.

"Hahaha, Kiss muna" Nang iinis niyang usal.

"Tsk, Umalis ka na nga, ano bang kailangan mo?" Inis kong tanong at patingin tingin sa loob ng bahay.

Baka kasi makita siya nila Mommy at kung anong isipin.

"Gusto lang kitang makita" Ngiting ngiti niyang sabi.

Naningkit ang mata ko at tinalikuran siya.

Kailangan kong kumalma, kailangan kong kulma.. Masama ang pumatay.

"Celestial, wag mo muna akong iwan—  ACCKKKK"

Asik niya ng sikmuraan ko siya ng very slight lang naman.

"You shit face! Kelan mo ba ako titigilan ha!" Malakas kong sigaw.

Hindi siya sumagot at nakayuko lang hawak ang sikmura niya.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang