Ten

36 3 1
                                    


Wayne

Pasipol-sipol akong naglalakad papunta sa school.

Maganda kasi ang gising ko ngayon at mas lalo pang gumanda ng makita ko sa di kalayuan si Frankie na bumababa ng sasakyan.

Mabilis akong tumakbo para maabutan ko siya.

"Good morning, Milo" Nakangiti kong bati sa kanya.

Tinignan niya lang ako at inirapan.

"Bad mood ka ngayon,Milo?" Nakangiti kong tanong.

"Tsk, tigilan mo nga ako baka ibitin kita sa puno" Pikon niyang sabi sakin kaya natawa ako.

"Alam mo bang masaya ang gising ko ngayon?" Pangungulit ko sa kanya.

"Tsk, pake ko" Sagot niya.

Ang sungit sungit niya talaga kahit kailan, Hindi na naging mabait sakin eh.

"Hehehe, napanaginipan kasi kita, kinasal daw tayong dalawa" Kinikilig kong sabi at naalala ko pa boung detalye sa panaginip ako.

*BOINKK!!

"Argh! Ang sakit!" Reklamo ko ng malakas niya akong sapukin.

"AKO TIGIL TIGILAN MO WAYNE DAHIL BAKA HINDI KITA MATANTSA MAHATI KITA SA LIMA!!!"

Malakas niyang sigaw, natahimik ako ng marinig ang boses niyang pambabae.

Nakatingin samin ang ibang estudyante.

"ANO! TITINGIN KA—

Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ang bibig niya at hinila siya sa pataas ng building dahil nagpupumiglas siya.

"Arghh! Bi-hmm...  Bitawa—

"Wag kang sigaw ng sigaw, rinig na rinig yung tunay mong boses" Saway ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mata kaya natahimik siya.

"Tsk, eh ano naman" Inis niyang tanong at boses lalaki na ulit.

"Edi nabuking ka nila na may matres ka" Sagot ko kaya nakatanggap na naman ako ng suntok kaya napa-igik ako.

"Tsk, tigil-tigilan mo na kasi ako" Pikon niyang sabi at bumababa na at naiwan ako.

Psh, siya lang naman ang inaalala ko eh... Kahit naman crush ko siya at gusto kong maging babae siya eh nirerespeto ko pa din kung ano talaga ang gusto niya.

Pumasok ako ng room na kausap na niya si Elize. Bumusangot ako ng makita kung paano siya tumawa sa harapan ni Elize at kung paano niya titigan si Elize.

Tsk! Wag ko na kayang kaibiganin si Elize mukhang siya pa ang karibal ko kay Frankie eh.


"

Haha, aga-aga nakasimangot ka ah" Usal ni Diego.

Hindi ko siya pinansin dahil nawala ako sa mood dahil kay Frankie.

"Ikaw ba naman makita ang crush mo na masaya sa piling ng iba eh, Ewan ko na lang kung hindi ka pa magbigti HAHAHA" Malakas na tawa ni Enzo kaya lalo akong bumusangot.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ