Eleven

33 1 0
                                    


Frankie

"Baby? Hindi ka pa din ba papasok?"

Dumapa ako at hindi pinansin ang tawag ni Mommy.

Tatlong araw na simula nung narinig ko ang usapan nila Wayne at Elize.

Yung araw din na yun aamin at mag tatapat na sana ako kay Elize kaso dahil pakielamero si Wayne nasira lahat ng plano ko.

Ayoko ng makita siya ulit, nagdidilim ang paningin ko pag naiisip ko siya at baka mapatay ko na siya pag nakita ko pa siya.

Nabuntong hininga ako ng sunod sunod na kumatok si Mommy.

"H-hi"

Natigilan ako ng si Elize ang makita ko pagbukas ng pinto. Mabilis kong isinara ang pinto at niligpit lahat ng kalat.

Nagpalit din ako ng damit at nagspray ng pabango.

Nang masiguro ko na wala ng kalat ay tyaka ko binuksan ang pinto.

"Sorry"

Kamot ulo kong sabi. Tipid siyang ngumiti at pumasok.

Nilibot niya ang tingin niya sa paligid at huminto ang tingin sa painting.

Lalapitan niya na sana yun ng mabilis akong humarang.

"Ehehe, what are you doing here?" Taka kong tanong.

Tumitig siya sakin at bumuntong hininga.

"Hindi ka kasi pumapasok kaya nag alaala na ako" Usal niya sakin.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Itinabi ko ang unfinished painting sa cabinet ko at umupo sa kama.

"Malelate ka na, pumasok ka na" Usal ko kaya tumingin siya sakin.

"Nag-aalala na din sayo si Wayne" Saad niya, tinignan ko siya ng seryoso at tumayo para buksan ang pinto.

"Malelate ka na Elize, Salamat sa pagpunta ayos lang ako" Seryoso kong saad.

Saglit pa siyang tumingin sakin at saka lumabas na din.

Inis kong ibinagsak ang katawan ko. Nawalan ako ng gana bigla.

"Tsk? Nag-alaala? Haha baka nga tuwang-tuwa pa ang baliw na yun" Inis kong usal sa sarili ko.





Lumipas ang isang linggo at lunes na ulit. Huminga ako ng malalim na sandaling tumapak ang paa ko sa bukana ng school.

Pakiramdam ko bumalik ako sa umpisa nung kakatransfer ko pa lang dito.


"F-f-frankie"

Napahinto ako ng marinig ang boses ng taong kinasusuklaman ko sa lahat lahat.

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.

"Hey! Good morning Wayne" Nakangiti kong bati sa kanya.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveWhere stories live. Discover now