Seven

54 2 0
                                    


Frankie


"Frankie!"

Pasakay na ako sa kotse ng marinig ko ang tawag ni Elize kaya mabilis akong lumingon at ngumiti sa kanya.

"Ito yung notes sa oral com, nalimutan ko ng kunin... May long quiz tayo bukas eh baka hindi ka makapag review" Nakangiti niyang sabi at iniaabot sakin ang notes niya.

"Ha? Wag na may quiz pala tayo eh, baka ikaw ang hindi makapag review" Pagtanggi ko, kaya ko naman bumagsak eh.

"Hindi, may isa pa akong notes dito" Pagpupumilit niya kaya tinanggap ko na at ngumiti sa kanya.

Sobrang bait talaga ng babae na to, kaya lalo akong nahuhulog eh.

Dumungaw si Daddy sa may kotse.

"Dad, si Elize friend ko" Nakangiti kong pakilala.

"Hello po Tito" Nakangiti ding bati ni Elize kay Dad.

Yan ang future father in law mo hehehe.

"Hello ija, saan ka ba nakatira? Ihahatid ka na namin" Nakangiti na alok ni Daddy.

"Naku, wag na po... Malapit lang po ang bahay ko dito" Pagtanggi ni Elize.

Hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya at sa kamay niya.

"Una na ako, Tito mauuna na po ako" Paalam ni Elize at umalis na.

"You see Dad, ang bait niya diba?" Nakangiti kong tanong kay Daddy.

Simple lang siyang ngumiti sakin at tumango.

Pasakay na ulit ako sa kotse ng may humawak sa balikat ko.

"Tito!  Hahaha bat ikaw po nagsundo kay Frankie?" Feeling close na tanong ni Wayne kay Daddy kaya pasimple akong napa-irap.

"Walang available eh, musta ijo" Magiliw na tanong ni Daddy.

"Ayos lang po, ito gwapo pa din hehe" Biro niya.

Gusto kong sampalin ang mukha niya sa pag ka-inis ko.

"tsk, aalis na kami" Pairap kong saad sa kanya.

"Madaling madali Milo" Nakangisi niyang sabi kaya lalo akong napikon.

"Ingat po Tito," Nakangiti niyang paalam kay Daddy.

"Ingat ka din, pag may time ka punta ka ulit sa bahay para makapag kwentuhan pa tayo" Nakangiti na sabi ni Daddy kaya napailing na lang ako.

Dapat si Elize yung sinabihan niya ng ganon eh hindi itong bakulaw na ito.

Pagdating namin ay agad akong umakyat sa kwarto ko at isinara ang pinto.

Inalis ko kaagad ang uniform ko at nahiga sa kama, sobrang nakakapagod ngayon... Parang mauubusan ako ng lakas.

Napamulat ako ng pumasok ang nakangiting mukha ni Elize sa utak ko kaya napangiti ko, unti-unti ding nawala ang ngiti ko ng pumalit ang pagmumuka ni Wayne sa utak ko.

"Aish! Kelan mo ba ako titigilan!?" Gigil kong sigaw at sinabunutan ang sarili ko.

Bwesit talaga ang lalaking yun, Panira siya ng buhay ko.

Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Kuha ko kayo ng makakain ha"

Pumasok si Wayne na ngiting ngiti.

"Mom;?" What are you doing here?" Taka kong tanong.

"Attitude Frankie, Wayne said gagawa daw kayo ng project" Sabi ni Mommy at ngumiti sakin.

Project WAYNE: Make FRANKIE Fall InloveWhere stories live. Discover now