Day 7, Monday

214 17 8
                                    

A Y A M I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A Y A M I

4:06 o'clock in the afternoon. And the room is in its orange like light as usual.

Hindi ba naulan?

O baka naman ganiyan lang talaga ang kulay ng ilaw sa labas? But the clock says otherwise. Ngayon bumangon ako at binuksan ang bintana pero hindi ko talaga magawa.

So I have to go outside to meet Cali. Marami pa akong tanong.

Paglabas ko ay nasa bench siya katabi lang ng room ko. Wala itong ginawa maliban sa pagmasdan ang mga taong paroo't parito sa hall.

"Hey. Anong oras kadalasan sila dadating?" Tanong ko agad nang makaupo ako sa tabi nito na hindi tumitingin sa kaniya.

"5."

"Bakit mo nasabing hindi ito tao?"

"I actually had a glimpse of it." Napabaling ako sa kaniya. "Ewan ko kung totoo o hindi." She sigh. "Ganito rin iyon. I think. 1 week na akong pagising-gising noon. Maraming tao pero bigla na lang nawala tapos parang may maitim na malaki ang biglang sumugod mula sa hall na iyon," sabay turo kanang bahagi ko. "Napatakbo agad ako at hindi na ako nagpaabot pa ng alas-singko dito sa labas."

"Ah. May nararamdaman ka bang kakaiba sa kwarto mo?"

"Wala naman. Ang boring nga, eh. Bakit, ikaw ba?"

"Hindi ko rin kasi alam kung maniniwala ka kasi ako, I don't really believe in such pero bigla nalang kasing may papasok sa cr kapag pasukin ko naman, walang tao.

Minsan nag-o-on bigla ang TV."

"Sana all. May TV."

"Sira! Hindi naman sa atin iyon. Saka anong silbi, hindi naman nagana."

"Seriously. We need to do something. Lalo na at dalawa na tayo."

"Pero paano nga? Ni hindi tayo nagising maliban kada alas-kwatro."

Natahimik ito at napatango. "Balik na tayo. It's almost 5 in the afternoon."

"Sige-"

"Ano ba! Bakit hindi ninyo ako pinapansin?! Shit kayo!"

"Another company." Pakantang saad ni Cali bago hinila ang nasabing lalaki papunta sa kwarto niya, kasama ako.

+ + +

What do you think of this chapter? Share your thoughts. Votes and comments are highly appreciated. ü

When The Sun SetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon