Day 22, Tuesday

41 11 19
                                    

A Y A M I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A Y A M I

Hindi ko mapigilan ang maawa para kina Cali at Caleb, lalo na at nalaman namin na silang pito pala ay magkabarkada kahit hindi nila maalala. Wala na ang lima kaya ang bigat sa pakiramdam.

Nasasaktan din ako at may nakatagong galit at hinanakit para sa sarili ko.

Ako ang nakakatanda! Dapat mas naalagaan ko sila, dapat napoprotektahan ko sila.

Pero wala! Wala akong nagawa kundi tingnan na lamang ang nangyayari sa kanila at hindi ko na ulit iyon hahayaan pang magyari kay Cali at Caleb.

At kay Dave na rin.

Kahapon nga ay nakita namin siya mula sa third floor. Narito pa rin kami ngayon sa kwarto niya. Paulit-ulit kong tinitingnan ang larawang nakita niya sa bulsa niya nang siya ay nagising.

Hindi ko naman nakikita ang aking mukha, dahil walang salamin rito pero ako raw talaga ang nasa larawan ayon naman sa dalawa.

"Macky!"

"Oh, God! May sugat ka sa likod."

Lalapit na sana ako nang maunahan ako ni Cali. At doon ay biglang sumuka ng dugo si Macky.

Saka ko lang napansin na may nakausling basag na salamin sa tiyan niya.

It all become a blur. Tila wala na akong naiintindihan. Ni hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Nahihirapan ako sa sitwasyon namin. Paano ba humantong sa ganito ang lahat? Kahit man lang sana ay may maalala ako kahit papaano.

Nakatiklop ang tuhod ko habang nakaupo sa sahig, inilagay ko rin dito ang mukha ko habang nakayapos ang mga kamay sa tuhod.

"Love. Bumalik ka na, please!"

Napalinga ako sa gawing kaliwa ko. Pero wala namang nagsasalita. I mean, walang may kaboses sa kanila, kahit na kay Dave.

"Matulog ka muna. Kagabi ka pa hindi natutulog. Kami na muna ni Caleb ang bahala." Ani Dave kaya tumayo ako at nahiga sa kama. Si Cali naman ay nakatulog sa kaiiyak.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at sa ilang segundo lang ay may napansin na akong kakaiba kaya nagmulat ako.

Narito na ako sa aking kwarto! Paano nangyari ito? Nagmamadali akong bumangon saka naman bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaki sa panaginip ko!

"Why are you screaming, love?"

Love? Tinawag niya akong love! What the hell is wrong with me?

"Hush, love. It's okay. It will be okay." Akmang yayakapin niya ako nang bigla nalang umatras ang katawan ko kaya natigilan ito.

Nakita ko kung paano ito nasaktan at nagtitimpi na hindi ako masaktan.

From a caring facade into a cold face, he then said, "Matulog ka na." Saka tumalikod at lumabas ng kwarto.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Wala talaga itong ipinagkaiba sa hindi ko alam kung alin sa dalawa, realidad at panaginip.

I happened to glanced at the side table when I see a photo album. Nilapitan ko ito at nanginginig na tinitingnan ang mga larawan.

Nabitiwan ko ito ng mapagtanto na isang wedding photo album ang nakita ko.

Ayami and Earl.

Ako at ng lalaking tinatawag akong "love".

Nanghihinang napaupo ako sa kama habang umiiyak. Ito ba ang totoo? Ang realidad? Pero bakit nahahawakan ko sina Cali? Bakit?

Sa larawan ay tila masaya ako. Pero bakit ganito? Bakit may Dave? Ako ba ang nangaliwa? Bakit ko iyon ginawa kay Earl? Bakit mas pinili ko si Dave?

"Ano ba talaga ang totoo?" Sambit ko habang umiiyak. Tila dalawa ang mundong ginagalawan ko, pero hindi ko mawari kung alin ang totoo sa hindi.

Kailangan kong alamin kay Earl ang totoo. And the only way is to confront him.

Hahawakan na sana ako nang biglang may humablot sa akin!

"What were you thinking, Aya?" Cali asked and rage is evident in her face.

"Whoa! Slow down, girly. Ni hindi alam ni Aya na naglakad siya. Nakita mo namang nakapikit ang mga mata niya, hindi ba?" Dave argued.

Natahimik si Cali at muling ini-lock ang pinto.

"Humiga ka muna, uli. Babantayan kita." Dave assured at iginiya ako nito sa kama.

So I am dreaming, again? Pero bakit ganoon ang panaginip ko? Teka!

Naalala ko na nasabi ni Earl sa akin na naaksidente ako, hindi kaya, ito ang panaginip ko? Because that unknown creature is not real!

Pero paano ang mga kasama ko dito? I have to do something. Pumikit ako muli, nagbabasakali akong makabalik sa mundo kung saan nandoon si Earl.

+ + +

Ohhh. Something's going on with our main character, Ayami.

How's the story so far? ü

When The Sun SetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon