Day 95, Friday

36 11 9
                                    

E A R L

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

E A R L

I opened the door to see her still in bed, comatose. It's been three months already and there is no signs indicating that she'll be waking up soon.

Inilagay ko ang bugkos ng bulaklak na paborito niya sa vase saka ko inilapag sa side table ang notebook na dala ko.

Kanina bago ako pumunta rito ay dumaan muna ako sa isang flower shop para sa order kong fresh flowers nang may humawak sa kamay ko bigla.

Hindi ako pinalaking suwail at snob kind of a kid, kaya hindi ko magawang pandirihan ang gusgusing babae na siyang humawak sa akin. Bagkos ay naawa ako, kaya iginiya ko muna ito sa restaurant na katabi lamang ng nasabing flower shop.

"Sir—"

"It's okay. She is with me."

Nakikita ko na halos mandiri ang mga taong narito pero wala akong pakialam. I ordered food saka ngumingiting nakikisalo sa babae na tila ba ilang araw na hindi kumain.

Nauna akong matapos kaya pinanood ko na lamang ito.

"Anong pangalan niyo po?"

"Amy."

"Po?"

"Amy. Hijo, maraming salamat sa ginawa mong ito kaya naman ay may ibibigay ako sa iyo." Kinalkal nito ang tila bag na maraming gamit. Inilapag nito ang isang notebook at isang ballpen.

"Ito ang magiging daan ng iyong pakikipag-usap sa asawa mo."

"Pa-pa'no ninyo pong nalaman?"

"Alam ko lang. Oh siya, hijo. Ako'y aalis na." Nagmamadaling umalis ito dala ang bag nito.

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko, hindi ba?

Isa pa, sa sitwasyon ko ngayon, masasabi ko talaga na desperado na ako.

Napatingin ako sa kaniya na nanatiling nakahiga, hinawakan ko ang kamay nito at masuyong hinalikan. "I miss you, love."

× × ×

Three months ago, nakatanggap ako ng tawag na nagsasabing isinugod sa hospital ang asawa ko dahil sa isang car accident.

Si Caroline, my sister, ay isa sa mga unang nakakita sa nasabing insidente.

Sinabi rin nito kung sino ang kasama nito sa kotse pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Alam ko naman. But I prayed hard na sana, huwag naman.

Bago pa man ako umiyak, minabuti ko nalang na pumunta sa comfort room ng kwarto niya.

I wash my face and calm myself. I have to be strong for her.

Hindi pa man ako nakalabas ay tila ba may gustong pumasok dito. Pilit talaga nitong binuksan ang pintuan but I shrugged it off. Wala akong panahon na takutin ang sarili ko so I opened, wala namang ibang tao maliban sa kaniya na nakaratay sa hospital bed.

I turned the televesion on, saka hinanap ang music station kung saan paborito nito.

Umupo ako sa may gawing kanan niya. Lumapit ako sa mukha niya at binigyan siya ng isang magaan at puno ng pagmamahal na halik sa pisnge, "Love. Bumalik ka na, please."

+ + +

Kumusta kayo, meowshies? Sana okay lang kayo. Let's keep fighting this pandemic by staying in our home. Stay safe. ü

When The Sun SetsWhere stories live. Discover now