Day 96, Saturday

37 11 6
                                    

E A R L

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

E A R L

Galit na umingos si mommy sa akin. "Wala ka na talagang kadala-dala! Iniwan ka nga't lahat—"

"Ma, pabayaan na muna natin si kuya." My sister on the rescue.

"Para ano? Para magiging tanga? Alam na alam ninyo na ayaw kong nasasaktan kayo!" She stormed out the room na sinundan naman ng kapatid ko.

Nakatungo lang ako, guilty as charge. Then I heard someone cleared his throat.

"Son." Yes, my father. He tap my shoulder. "It's gonna be okay."

"I hope so, dad." Puno ng pait na saad ko.

Tama naman si mama. Nagiging tanga na ako. Alam na halos ng buong mundo kung gaano katanga ang isang kilalang business tycoon na si Earl Sebastian.

Bago pa nangyari ang aksidente ay iiwanan na dapat niya ako. Kasama niya si Dave, ang lalaking pinakilala niyang pinsan niya.

Iyon pala ay kalaguyo.

Kasamahan niya iyon sa trabaho.

Pero hanggang ngayon wala akong ideya kung bakit nagawa ni Ayami sa akin ang lahat ng ito.

Kasal kami, for God's sake.

Mali ang ginawa niya. Sa mata ng Diyos, sa mata ng mga tao at sa batas.

Kaya hindi ko masisisi kung bakit galit na galit si mommy sa kaniya.

× × ×

It was our second wedding anniversary kaya nagmamadali akong umuwi para ihanda ang surprise ko sa kaniya pero ako ang na-surprise pag-uwi ko dahil naabutan ko siya na may katawanan.

"Love."

"Hey!" Kita ko kung paano nabalutan ng takot ang mata nito nang tumayo ang lalaking kasama nito.

"Hi. You must be Earl, her husband? I'm Dave. Her cousin."

Cousin. Pero bakit iba ang kaba ko?

Iyon na pala ang simula.


+ + +

Geez! I'm super emotional while writing this part. Nasasaktan ako for Earl. Haha. Ano ba 'yan. Anyway, kumusta naman ang story para sa inyo?

I'm open to honest opinions and criticisms.

When The Sun SetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon