Day 9, Wednesday

118 14 15
                                    

A Y A M I

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A Y A M I

"We need to find something that can save us from that thing." I said habang narito kami ngayon sa room na tila ba laboratory. Maraming mga gamit dito. May nakita akong kutsilyo kaya kinuha ko na at inilagay sa leather bag, na naapakan ko kanina. Sila naman ay naghanap pa.

It felt surreal. Kahapon, hindi kami nakalabas sa kwarto ni Macky. Weird pero tila walang nangyari sa pintuan na siyang kinalampag ng unknown creature na iyon.

Walang bakas na nadaanan ang nasabing pintuan ng claws. Hindi rin kami nakatulog nang dumating na ang alas-syete which is the weirder part. Para bang hinintay kaming walo na magising at magkasama. Halos mag-uumaga na nga nang makatulog ako kakaisip.

Cali initiated that we should find a way out and so we did. Ayon sa orasan na nasa hall ay alas-nuebe na ng umaga.

"Pwede na itong dos por dos ano?" Macky kid.

"Sa sitwasyon nating ito. Lahat pwedeng gamitin." Caleb answered.

"Pero teka, alam mo ba ang daan palabas dito, Cali?" Xia asked with her eyebrow raised.

"Do you think nandito pa tayo ngayon if I knew? Commom sense naman, oh."

"Please! Huwag muna kayong magbayangan, pwede?" Saad ko bago pa sila umabot sa point na magsapakan.

Xia rolled her eyes at us while Cali thanked me.

"Aya's right. For the meantime, let us be professional muna sa isa't isa, okay?" Macky said kaya napatango kaming lahat.

"Guys! May canteen sa ibaba. Dali na muna kaya kayo? Nagugutom na ako, eh." Ani naman ni Caleb na hindi namin namalayan na lumabas pala.

Bitbit ang mga magsisilbing weapon namin, sumunod na kami kay Caleb patungo sa sinasabi nitong canteen.

Well, totoo naman at himalang walang tao halos dito. Hindi katulad noong nagdaang mga araw na tila may iba pang mga tao maliban sa amin.

"Isn't it weird? Nasaan ang mga staff at pasyente dito?" Cali noticed kaya napatigil kami.

"Kambal, mamaya na 'yan okay?" Caleb said. Kambal nga sila, madali silang nagkagaanan ng loob. "Besides, mas mapapapraning tayo kapag nananatili tayong gutom."

Pagdating namin sa ibaba, sumalubong sa amin ang sobrang tahimik na canteen.

"Dude! This is heaven!" Said Macky na lumuhod-luhod pa.

"Tumayo ka nga riyan, Mack! You looked like crazy!" Zara hissed at him without even looking. She just clung unto Hara's arm who chuckled in return.

Sa tingin ko, they become comfortable with one another. Well, except for Cali and Xia who looked like a cat and dog.

Ito pa ang isang napansin ko. Parang ako lang ang medyo matanda sa kanila. Because they looked like teens. Samantalang 26 na ako. Minus Cali and Caleb who are both 21.

May mga pagkaing nakahilera sa canteen na para bang bagong luto, pero talaga namang nakapagtataka na wala halos tao dito.

"Girls, upo nalang kayo. Kami na ang kukuha ng pagkain." JD offered along with Macky who frowned at the thought and Caleb who happily agreed.

Pinili namin ang mas malapit sa pagkain para hindi mahirapan ang tatlo.

Pagkatapos nilang mailapag ang mga pagkain, I initiated the prayer and we eat silently.

After 20 minutes of long silence and eating, I cleared my throat to get their attention.

"Wala ba talaga kayong naalala?"

"Honestly, wala pa rin." Cali said. "But I had a very gut feeling that I don't get along with Xia eversince, I don't know why."

"Same here, bitch!" Xia retorted.

"Uhm, I feel comfortable with you guys especially with Zara. Feeling ko bestfriends kami." Saad naman ni Hara.

"Me, too." Zara agreed.

"Normal naman sa lalaki to get along well." Macky said while eyeing JD who just did a thumbs up.

"Ikaw ba, ate Aya?" Caleb asked.

"I just have a hunch na magbarkada kayo. Ewan."

They just shrugged.

I was about to say something nang magbago bigla ang kulay ng paligid. Then Xia shouted.

"Fck this!" At nagsuka ito kung saan.

I looked at the table. WHAT THE HELL!

Ang kinakain namin ay mga bulate!

Kaya nagsusuka kaming lahat dito mismo sa kinatatayuan namin. Bigla nalang silang nagtumbahan and the next thing I know, nahilo ako.

+ + +

What do you think of this chapter? Share your thoughts. Votes and comments are highly appreciated. ü

When The Sun SetsWhere stories live. Discover now