Day 18, Friday

71 14 20
                                    

A Y A M I

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A Y A M I

I opened my eyes wearily. Sobrang bigat sa pakiramdam. Kahit hindi ko matandaan kung bakit hindi masyadong magaan ang pakiramdam ko kay Xia, nakapanlumo pa rin na maaga itong nawala.

At sa harap pa namin binawian ng buhay.

Tila ba ito lang ang hinintay ng unknown creature na kusang lumapit.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kahapon dahil nag-passed out na naman ako.

Ang sabi ni Cali, hinablot daw ng creature ang kamay nito letting Xia drop with a hole in her chest.

Wala na raw ang puso nito.

Hindi niya deserve-

"We have to move." Caleb stopped my thoughts. "Hindi na tayo safe dito. You see?" He said pointing to the door. "Ni hindi ito bumalik sa dati."

"Pero saan tayo pupunta?"

"In my room." Hara suggested.

"Tara."

"Teka- nasaan ang mga weapon natin?"

"Here you go."

Tinanggap ko naman ang kutsilyo na binigay ni Caleb.

"Tara."

Lumabas kami matapos naming i-pag-pray si Xia na ngayon ay may nakatabon ng kumot.

May kalayuan ang room ni Hara kaya medyo matagal kaming naglakad, nadadaanan pa namin ang mga laboratory na tila walang katao-tao.

Mahina lang kaming naglakad sa pangunguna ni Caleb, nasa hulihan naman si JD.

Napahinto kami ng bigla nalang marinig namin ang pagsigaw ni JD.

Napasinghap ako ng masaksihan ko ang isang mataas na shadowy form na may mahabang kamay at paa.

Para bang laruan lang na kinuha nito si JD at walang awang inihampas sa glass window ng laboratory.

Walang isa sa amin ang nakagalaw sa takot na kami ang mapagbalingan ng galit nito. Tila hindi rin kami nito nakita dahil umalis nalang ito basta.

Doon lang ako natauhan kaya dali-dali akong lumapit kay JD. He whimpered in pain dahil na-stuck ang ulo nito sa glass window. He said something pero hindi ko naman marinig kong ano.

Namalayan ko nalang na tinulungan na ako sa mga kasamahan ko. We tried breaking the glass pero huli na ang lahat.

Wala ng buhay si JD ng maihiga na namin ito.

+ + +

Hello sa'yo na nagbabasa nito. Salamat sa pagbigay ng oras. Stay safe! ü

When The Sun SetsWhere stories live. Discover now