Chapter 2

34K 1.3K 354
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 2
Formalities

I was walking on eggshells while following him closely behind. Throughout the whole ride, we were accompanied by silence. Hindi ako nangahas na magsalita dahil biglang naging mukhang problemado si Xaiver.

I couldn't help but steal glances at him from time to time. Pinapakiramdaman at inaalam ko kung ano pa ang mga nagbago sa kanya. Nakatingin lamang siya sa labas habang nakakunot ang noo. His jaw would also clench at the same time the creases on his forehead moved. Kung ano man ang iniisip niya, mukhang ayon ang nagpapairita sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit siya problemado.

Kahit na gusto kong malaman kung mayroon ba akong maitutulong, mas pinili ko ang manahimik. I kept silent until we arrived at the company.

Once again, all eyes were on us. The same scenario happened every time we would come to the company. Mas bumilis nga lang ang paglalakad ni Xaiver. It didn't help that he had way longer legs than mine. Matangkad din naman ako, pero halos tumakbo na ako para lang maabutan siya.

"Chantal."

I snapped straight and turned my head to him. "Yes, Sir?"

"Please ask the cook to prepare two servings of lunch today."

"Noted, Sir."

"Thanks."

Tipid akong ngumiti. Nang bumukas ang elevator pagkarating namin sa tamang palapag ay agad na lumabas si Xaiver. I let out a sigh of relief before following him again.

Mukhang bumalik na siya sa pagiging masungit kaya naman nawala na ang aking pagkabalisa. Dire-diretso siyang pumasok sa kanyang opisina habang ako naman ay naupo na rin sa lamesa ko. Joseph was already there when we arrived. Lagi siyang mas nauuna sa aming dumating.

"Badtrip si Sir?" bungad niyang tanong nang napansin siguro ang pagkunot ng noo ni Xaiver. May himig ng takot ang tono ng kanyang boses.

Tipid akong ngumiti saka nagkibit-balikat. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung badtrip ba talaga si Xaiver, pero mas gusto ko nang makita siyang nagsusungit kaysa nakangiti at mukhang mabait. Pakiramdam ko'y hindi ako makakatulog nang maayos kung nagpatuloy pa 'yon.

Before checking my emails and organizing Xaiver's schedule that week, I sent a notice to the cafeteria regarding his lunch. Sinabi kong dalawa ang pinapahanda niyang serving ng lunch. I figured he must have a friend coming over, or it could also be his cousin na lagi ring bumibisita rito. Sigurado akong hindi tungkol sa trabaho 'yon dahil alam ko dapat kung ganoon.

Mabilis ang pagtakbo ng oras kay Joseph na mukhang madaming ginagawa habang ako naman ay pilit na naghahanap ng gagawin. I had already planned his lunch meals for the rest of the month. Mayroon ding optional dinner para kung sakaling mag-o-overtime siya ay may nakahanda na agad.

"Bababa ka na?" tanong ni Joseph nang makitang tumayo na ako para kuhanin ang lunch ni Xaiver sa cafeteria.

I nodded. "Sabay ka ba?"

"Mamaya na lang kapag bumaba ka na ulit. Tapusin ko lang 'to," sabi niya sabay nguso sa monitor. "Patingnan na lang muna kung ano mga ulam ngayon."

"Okay. Baba na ako."

Wala akong inaksayang oras at agad sumakay ng elevator. I was grateful that I could use his private elevator during lunch dahil madami ang umaakyat-baba nang ganoong oras. Some were having lunch at the cafeteria. Ang iba naman ay kung hindi may baon, bumibili lang sa cafeteria o sa labas pagkatapos ay sa office lounge kumakain.

One of the benefits as an employee at Dele Vega Holdings was our meal cards. Hindi mo na kailangang problemahin ang pagkain ng tanghalian dahil sagot na nila 'yon. Kaya nga lang, mas pinipili pa rin ng iba ang magbaon dahil pwede mong idagdag sa salary mo ang matitirang balance ng card every month. Sayang at nasa limang libo rin buwan-buwan kaya gano'n ang ginagawa ng mga nagtitipid.

Play PretendWhere stories live. Discover now