Chapter 40

29K 1.3K 305
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 40
Jealousy

Charles was in complete shock. Tuluyan na siyang hindi makagalaw sa kinatatayuan. Ni hindi niya man lang natanggap ang kamay ni Knoa na inilahad sa kanya.

Even though I knew he wanted to present himself well in front of Xaiver, he couldn't do it. Nabigla siya sa mga nalaman at hindi ko siya masisisi. He was already in disbelief when I told him I'm already married. Ang malaman na kay Xaiver Dela Vega ako kinasal, alam kong mas matinding emosyon ang hatid no'n sa kanya.

Knoa laughed and reached for Charles' hand. When he shook his hand, doon lamang natauhan si Charles.

Nanlalaki ang kanyang mga mata nang inilipat kay Knoa. "I'm sorry, Mr. Laurente. It's nice meeting you."

"No problem." Muling tumawa si Knoa saka umatras. "Thank you for keeping my cousin's wife entertained habang busy siya. Mukhang napasaya mo naman siya."

Kinagat ko nang mariin ang labi. Gusto ko nang tapalan ng tape ang bibig ni Knoa. He was obviously trying to push Xavi's buttons. Gusto niya atang makitang galit ang pinsan, while I was trying my best not to have any casualties.

"I..." Hindi malaman ni Charles kung ano ang isasagot nya. Kita ko ang dumaang takot sa kanyang mga mata nang sinulyapan si Xaiver.

"We were just catching up, Knoa." Ako na ang sumalo sa kanya. Charles looked really intimidated by the two big bosses in front of him.

"I was just kidding," Humalakhak si Knoa. Ngiting tagumpay ang gago at lumapit sa akin upang bumulong. "Thanks for a great show, Chantal. I'm also very entertained to see my cousin jealous."

I clenched my fist. Baliw na nga rin talaga si Knoa.

"Hindi ba kailangan mo nang umalis?" malamig na sabi sa kanya ni Xaiver.

Agad lumayo si Knoa sa akin at saglit na sumeryoso. He sighed before showing another smile. Nilingon niya si Xaiver at tinapik ang balikat. "Mauna na ako. I'll call you kapag may mga bagong leads."

Walang kibong tumango si Xaiver sa pinsan. Kumindat sa akin si Knoa bilang paalam at agad ding umalis na aking ikinahinga nang maluwag.

Nabawasan ng isa ang problema ko. Akala ko ay mananatili siya para mang-inis pero mukhang nagmamadali rin siyang umalis. Now, I just have to deal with Xaiver.

"C-Chantal," nauutal na tawag ni Charles sa akin. Para bang gustong-gusto niya nang umalis.

"Sorry about that, Charles. Ganoon lang talaga si Knoa. Mapang-inis at palabiro," paghingi ko nang paumanhin.

Charles quickly shook his head. "No, it's okay. Wala 'yon sa akin."

Muli ay mabilis na sumulyap si Charles kay Xaiver. He was wary of his presence.

"Uh. Xavi... Siya 'yong nabanggit ko dati sa 'yo..." nag-aalangan kong pakilala kay Charles nang mas maayos. "He's a really good friend of mine."

I emphasized the word "friend."

"Friend, huh?" Nagtaas ng kilay si Xaiver kasabay nang pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi. "I heard you had a relationship with my wife before?"

Kagaya ni Knoa, naglahad ng kamay si Xaiver. My husband looked so cool and chill that it scared me more. I wanted him to show his true emotions rather than conceal them. Baka mamaya ay sumabog na lang siya bigla.

"Yes, Sir!" Agad na sinalo ni Charles ang kamay ni Xaiver. He also bowed his head a little while shaking hands with him.

"Good thing you two broke up," Xaiver said in a low, serious tone. Para bang sinisigurado niyang alam ko na hindi siya nagbibiro. He meant what he said.

Play PretendWhere stories live. Discover now