Chapter 20

27.7K 1.1K 146
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 20
All In

He's coming back.

Xaiver didn't hesitate to come back an hour after he dropped me home. Wala akong ideya kung nasaang lugar na siya o kung nakauwi na ba, but as soon as I informed him na sinabi ko na kay Mama na ikakasal kami ay agad niya akong tinawagan para sabihing pabalik na siya.

To: Xaiver
Sinabi ko na kay Mama na ikakasal na tayo.

While waiting outside our house, I glanced at my phone and reread my message for him. Ilang beses ko na 'yong binasa habang hinihintay ang pagdating niya. Iniisip ko kung tama bang pinaalam ko sa kanya, but I couldn't just keep it to myself. Kailangan ko ring sabihin dahil hindi lang ako ang magpapakasal kundi kaming dalawa. Alam kong magagalit siya kapag hindi ko 'yon ginawa.

Ang totoo rin niyan ay gusto na siyang makausap ni Mama. I tried my best to make her understand during our small conversation earlier, but she refused to listen. Si Xaiver ang gusto niyang makausap, hindi ako. Despite the amount of courage I gathered just to tell her the truth, she still wanted to hear it from him.

"Nababaliw ka na ba, Chantal?" Ang bungad na tanong ni Mama matapos kong umamin sa kanya. She looked at me ridiculously as if I was joking or playing a prank on her. "Akala ko naman talagang may problema ka."

"Ma..." I sighed in frustration. "Hindi po ako nagbibiro. Talagang ikakasal na po ako."

"Oh, sige. Ikakasal ka na. Pero kanino naman? Ni boyfriend nga wala ka tapos ikakasal ka pa?"

"Kay Xaiver po."

"At sino naman ang Xaiver—"

Nanlaki ang mga mata ni Mama nang mapagtanto ang binanggit kong pangalan. Agad nga lang din 'yon naningkit kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.

"Xaiver?" ulit niya. "Xaiver Dela Vega? Iyong boss mo ba dati ang tinutukoy mo?"

Dahan-dahan akong tumango. "Ikakasal na po kami sa susunod na buwan, Ma. Nagsisimula na po kami sa mga preparasyon na kailangan."

"Teka nga, Chantal! Sandali nga! Ikakasal ka talaga?" ulit niyang tanong, hindi pa rin naniniwala.

"Opo, Ma..." sagot ko. "Alam ko pong mahirap paniwalaan pero ikakasal na po kami—"

"At bakit naman kayo ikakasal? May relasyon ba kayo? Bakit hindi ko alam? Saka sa susunod na buwan na agad?" sunod-sunod niyang tanong, halatang gulong-gulo na sa mga nangyayari.

Bakit kami ikakasal?

Mariin kong kinuyom ang aking kamao. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. I couldn't tell the truth. Hindi pa namin napag-uusapan ni Xaiver kung ano ang sasabihin namin kay Mama. Masyado ata akong nagpadalos-dalos. Hindi ko na naman pinag-isipan nang mabuti ang gagawin ko.

"Hindi..." Umiling si Mama at bahagyang umatras. "Kailangan kong makausap ang boss mo. Saka na natin 'to pag-usapan kapag humarap na siya sa akin."

Muling bumalik si Mama sa kinauupuan kanina at nanahimik. Umakto siyang nanonood ulit ng teleserye, ngunit alam kong hindi niya na 'yon naiintindihan. Sinubukan kong kuhanin ulit ang atensyon niya at kausapin, pero hindi niya ako pinapansin.

Madiin kong kinagat ang labi saka pinatay ang screen ng cellphone. Nang mag-angat ng tingin sa daan ay nakita ko ang paparating na sasakyan ni Xaiver. Naningkit ang aking mga mata nang medyo nasilaw sa lakas ng ilaw ng headlights.

Mabilis ang patakbo ni Xaiver. His tires screeched when he abruptly stepped on the brake. Hindi pa maayos ang pagkakaparada niya sa harap ng aming bahay ay agad na siyang lumabas.

Play PretendWhere stories live. Discover now