Chapter 33

40.8K 1.5K 746
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 33
Make Love

Magkahawak-kamay kaming dalawa ni Xaiver na lumabas ng airport. I immediately saw the chauffeur waiting for us, holding a sign with our names written on it. Sa likod niya ay nakaparada ang isang limousine. It was long enough to fit at least eight passengers.

I bit my lip and moved closer to Xaiver. Napakapit din ako sa braso niya at mabilis na inikot ang tingin sa paligid. Locals and tourists were watching us like we were in a movie. The limousine was unusual and over-the-top. Hindi ko alam na ganoong klaseng sasakyan ang susundo sa amin.

"Mr. and Mrs. Dela Vega?" Lumapit ang nakangiting chauffeur. He was dressed in a suit to look formal. His thick accent was audible when he pronounced our name.

Xaiver simply nodded, and the chauffeur helped us with our luggage right away. Binuksan niya rin ang pintuan para sa amin.

Una akong pinapasok ni Xaiver. My lips parted in awe to see the interior of the limousine. It was like a small, private bar inside a car. May mga mood lights pa, which improved the ambiance. May pang dalawahan na upuan sa tapat ng pintuan at sa pinakaloob ay ang L-shaped na upuan.

The bar was right in front of the L-shaped seat. Nandoon ang bucket na lalagyanan ng yelo. May mga naka-display ring mga bote ng wine, champagne, at whiskey. Bukod pa roon ay mayroon ding fridge kung nasaan ang soft drinks at beers. It was really a moving bar.

"Grabe... Hindi mo sinabi sa aking magli-limo tayo..." manghang-mangha kong komento kay Xaiver.

Bahagyang natawa si Xaiver at saka umakbay. He pulled me to his side. Kahit na mahaba ang upuan, nagsisiksikan kaming dalawa.

"That should be expected already," mayabang na sabi ni Xaiver.

Humalukipkip ako at konting humarap sa kanya. "Paano ko i-e-expect 'yon kung sabi mo wala ka ng pera? You're broke, right?"

"Kasama ang honeymoon natin sa mga binayaran ko kaya ako naghirap," paglusot niya.

I raised my brow. Alam ko namang nagsisinungaling lang siya, pero natural na natural talaga ang pag-arte niya. He even wore a straight face while saying those lies.

Hinayaan ko na lang si Xaiver na paniwalain ang sarili niya. During the 30-minute ride to the city of Barcelona, we drank our chosen beverage available in the limo. Hindi kami uminom ng kahit anong alcohol. I had organic orange juice, while Xaiver chose a local carbonated drink.

I didn't get to see the city view while we were traveling inside the limo. Kaya naman nang bumaba kami ng sasakyan para maglakad sa isang makitid na daanan papuntang sa aming titirahan, I couldn't help but be filled with awe.

The buildings and houses around us reminded me of the old architecture in the Philippines — that's already given since we were colonized by the Spaniards. However, it still felt like I had time traveled to thousands of years ago.

I had been to Europe with Xaiver for his business trips, but we had never traveled to Spain until our honeymoon. Ayos na rin palang siya ang hinayaan kong magplano ng at hindi na ako nakialam. I would never think of coming here, if ever.

"Let's go. Our apartment is still a few blocks away," aya ni Xaiver nang mapansing napatulala na lang ako sa pagmamasid sa paligid.

Hila-hila niya ang dalawa naming malaking maleta. He led the way to our apartment. He decided that we should stay in Spain for a month. Susulitin na naming dalawa ang rest days ni Xaiver bago siya maging busy ulit sa trabaho. It was also the last time I'd get to travel freely dahil papasok na ulit ako sa DVH.

Play PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon