Chapter 6

29.3K 1.1K 282
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 6
Camellia

Agad kaming binalot ng katahimikan ni Mama. Doon ko naisip kung gaano ako masyadong nagpadalos-dalos sa tanong ko. I didn't even know how I came up with that in the first place.

I was about to take the question back when my mother answered my question after giving it a serious thought.

"Siguro, oo?" May halong pagdadalawang-isip ang kanyang sagot. Halatang pinag-isipan talaga. "Sino ba namang hindi gugustuhin na isang successful na lalaki ang mapapangasawa ng anak nila?"

Napaawang ang aking mga labi. Wala akong masabi agad dahil hindi ko 'yon inaasahan.

"Sa nakikita ko, mabait ang boss mo at matalino. Magaling sa pamamalakad ng kompanya, hindi lang sa paglulunsad ng mga projects kundi pati na rin sa pag-aalaga sa mga empleyado," pagpapatuloy niya. "Bonus na lang na talaga namang napakagandang lalaki."

Itinikom ko ang aking bibig at napanguso. Hindi ko maiwasang mapaisip na rin sa mga sinasabi niya.

"Pero kahit na gano'n, hindi ko alam kung talaga bang gugustuhin kong mapangasawa mo ang ganoong lalaki," pahabol niya.

Nanlaki ang mga mata ko. I didn't expect that her answer would take such a huge turn after raining him praises. "B-bakit naman po?" kuryoso kong tanong.

"Aba'y syempre! Napakayaman no'n!" sagot niya na para bang sapat na 'yong dahilan. "Magulo masyado ang pamilya ng mga mayayaman. Madaming alitan lalo na pagdating sa pera at negosyo. Posible ring hindi ka magustuhan ng mga magulang kaya huwag na lang."

My mother's reasons were very generalized and stereotypical. Sigurado akong napulot niya ang karamihan sa mga teleseryeng napapanood niya sa TV. I couldn't blame her though because such things do really exist in real life. Hindi ko nga lang alam kung ganoon din ba ang pamilya ni Xaiver.

I had known his parents since I started working at DVH. Mabait naman sila sa akin at marunong makisama. They were casual with me as Xaiver's secretary, but I didn't know what to expect beyond that.

Sa mga napapansin kong nirereto ni Mrs. Dela Vega kay Xaiver, all women came from elite families. Most were even heiresses of their family business gaya na lamang ni Zoe Bautista. Kung hindi naman ay shareholders sa isang kompanya o investors. Natatandaan kong may babaeng anak din ng isang national politician at saka sikat na artista rito sa bansa.

To be honest, I couldn't understand why Xaiver turned them all down. Ni hindi niya binigyan ng kahit pagkakataon.

"Teka nga lang!" Hinila ako ni Mama pabalik sa realidad nang muli siyang magsalita. "Bakit mo nga ba natanong, ah? Huwag mo sabihing nagkakagusto sa 'yo ang boss mo?"

My eyes widened, and I frantically shook my head. "H-hindi 'no, Ma!" kinakabahan kong pagtanggi. "Natanong ko lang kasi mukhang bilib na bilib ka sa kanya."

I tried not to recall how Xaiver acted weird yesterday and earlier today. Ayokong bigyan ng malisya ang mga bagay-bagay. Baka nasa good mood lang siya dahil sa malaking deal na nakuha noong pumunta kaming States.

Tinapos ko na roon ang usapan namin ni Mama tungkol kay Xaiver dahil ayoko na rin siyang pag-usapan. The rest of the week went by in a flash. Nakalimutan ko kung gaano ka-busy lagi ang schedule ni Xaiver tuwing galing kami sa mahabang business trip. Ni hindi ko man lang naisip 'yon kahit na ako ang gumagawa ng schedule niya. I was preoccupied with trivial things.

Since we got back from the States, the first day back to work in the office was like a vacation. The following days after that was hell. We had been swamped in meetings, paperwork, and other stuff that required Xaiver's attention. We would always get home at around nine in the evening as Xaiver wanted to finish all his backlogs within the week.

Play PretendWhere stories live. Discover now