~Prologue~

62 8 0
                                    

*DISCLAIMER*

This is a work of fiction, names, characters, place and incident either a product of the authors imagination, and any resemblance to actual persons, living or dead, events is purely coincidential

Im not professional writer so typographical and grammatical error are inevitable

Note: Use your imagination to feel the story<3

***
Prologue~

"Wag kang mag-alala bata dahil konting pera lang naman ang hinihingi namin sa magulang mo tapos ibabalik kana rin namin," aniya ng lalaking may suot na bonet sa mukha, malaki ang katawan nya at medyo maitim, hindi ako sigurado kung totoo yung sinasabi nya na ibabalik rin ako dahil halata naman na masasamang tao sila at para bang walang awa kung pap*tay

"Boss, pwede ko ba 'tong pagsamantalahan? Ang kinis oh HAHA," aniya naman ng isa pang lalaki sabay dila na may halong pag nanasa habang idinadampi ang kanyang maruming kamay sa akin, dahilan para mag pupumiglas ako

"pakiusap tama na! pauwiin nyo na po ako huhuhu," sambit na pagmamakaawa ko habang humahagulgol na sa pag-iyak dahil alam kong yun lang ang tanging magagawa ko sa mga oras na ito

"Wag ka ng matakot, sandali lang naman tayo eh HAHAHAH," sabi pa nito na para bang nang-aasar, bigla naman syang binatukan ng kasamahan nya dahilan para tumigil ito

"G*go ka pala eh! Hindi mo ba nakikitang bata lang yan? Subukan mo syang galawin (*/kinasa ang baril) ipapakain ko sayo lahat ng bala na laman nito." Babala ng lalaking may bonet.

"biro lang naman eh, grabe 'to makabatok" Aniya ng lalaki habang nakahawak sa ulo nya at iniinda ang sakit ng pagkakasapok sa kanya ng kasama nya.

Itinali nila ng mahigpit ang mga braso at paa ko upang hindi ako makawala, pinatay nila ang ilaw at iniwan ako mag isa sa loob ng madilim at nakakatakot na kwartong ito. Pag-iyak nalamang ang tangi kong magagawa dahil isa lamang akong bata na walang sapat na lakas upang ipaglaban ang sarili sa masasamang tao na katulad nila.

Makalipas ang ilan pang mga sandali dahan dahang bumukas ang pinto at pumasok ang liwanag na nag mumula sa labas kasunod nito ang isang batang hindi ko naman kilala at mamukhaan kung lalaki o babae dahil sa ikli ng buhok nito, agad syang lumapit sakin para kalagan ako

"S-sino ka? Anong Ginagawa mo sa lugar na to? Isa ka ba sa masasamang tao na 'yon?," May halong panginginig na sabi ko habang pinag mamasdan syang kinakalas ang mga tali sa akin

"Sshhh~ kakalagan ba kita kung isa ako sa kanila? wag kang maingay baka marinig ka nila, pareho tayong mapapahamak," bulong naman nya kaya nanahimik ako hanggang sa matanggal nanya lahat ng nakatali

Nauna syang lumakad at nag palinga-linga sa paligid upang tingnan kung paparating na ang mga masasamang lalaki na kumidnap sakin, sunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa bakuran kung saan yata sya dumaan para iligtas ako, pero sa hindi inaasahang pangyayari nakita kami ng isa sa masasamang lalaki kaya nag madali na kaming tumakbo

"Bilis mauna kana!!," natatarantang pagkasabi ng batang kasama ko hanggang sa may isang malakas na putok ng baril ang tila ba mas lalong nag padilim ng lahat.

*/BANG!!!!





AHHHHHHHHHH!




Napabalikwas ako ng bangon at pawis na pawis kahit nakabukas naman ang aircon, dinig ko ang dagundong na nag mumula sa dibdib ko na para bang malaking tambol na patuloy hinahampas. Tumingin ako sa alarm clock na nasa side table ng kama ko at 4:30 palang ng madaling araw, ayoko na ituloy ang pagtulog dahil natatakot ako na baka maulit na naman ang bangungot na yon.

Bumangon nako para mag handa ng uniform na susuotin ko.

Nagtungo nako sa cr para maligo,naaalala ko parin yung panaginip ko at hanggang ngayon kinakabahan parin ako, gabi gabi kasi palaging ganon ang laman ng panaginip ko at hindi ko alam kung bakit, hindi ko rin kilala yung taong nakakasama ko.

Kasabay ng sunod sunod na pagpatak ng bawat butil ng tubig sa mukha ko kasabay nito ang pag agos ng luha na hindi ko alam kung paano pipigilan, pakiramdam ko nanghihina ako at nanghihinayang dahil sa buhay ng isang tao na nawala dahil sa katulad ko, alam kong panaginip lang yon pero natatakot parin ako tuwing sasagi sya sa isipan ko.

Bago ang lahat ako nga pala si Alice Trinidad, 18yrs of age mula Quezon City. Capricorn at 158cm naman yung height ko. Sapat ang talino ko upang makipag sabayan pagdating sa acads at iba pa, sabihin nalang nating marami akong kayang gawin at patunayan pero dahil nga sa mga taong kumukutya sakin bumaba sa Sixty percent ang self-confidence ko, tinaguriang nerdy princess at wirdo sa loob ng academy, hindi naman ako cold hearted sadyang tahimik lang ako lalo na kapag sumasagi sa isip ko yung nangyari sa panaginip, siguro dahil lang sa may mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko maipaliwanag o baka gawa gawa lang ng malikot kong imahinasyon.

Humarap nako sa salamin para mag ayos, wala yung blower ko sa side table ng kama kaya naman hinanap ko at agad ko naman itong natagpuan sa drawer ng computer ko, after ko magtuyo ng buhok inihanda kona ang uniform na susuotin ko pero pinag masdan ko muna ito saglit.

Para kasing ang bilis ng panahon parang kaylan lang elem student palang ako pero ngayon nasa kolehiyo na 'ko, thanks god sa patuloy na pagpapalakas ng loob kahit maraming may ayaw sa pagiging ako #feelingbless ^_^.

"GOOD MORNINGGGGG...!!!," biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Bryle dala ang laruang torotot. Bigla akong namula at nataranta ng biglang nahulog ang tuwalyang gamit ko na nagtatakip sa buong pagkatao ko, agad ko itong dinampot at tinakip sa sarili habang isa isang binabato sa kanya ang mga gamit na mahawakan ko.

"LUMAYAS KA!! BWISIT KA TALAGA BRYLE!!," Sigaw ko.
Natataranta syang lumabas at mabilis na isinara ang pinto

"WALA AKONG NAKITA ALICE PROMISE! SORRY!!," Pabalik na sigaw nya.

Namuo ang hiya sa buong katawan ko at pinag hahampas ang kama na wala namang kinalaman sa pangyayaring ito

Huhu nakita nya ba yung pagkababae ko? Pano na to!? mama!

I'm not a GAYWhere stories live. Discover now