Chapter 20

10 6 9
                                    

"Nandyan kana pala Ruoxi, kumain kana ba? Nag luto na pala ako ng tanghalian naisip ko kasi na ba'ka hindi ka pa kumakain" Nakangiting saad ko, seryoso parin ang itsura nya katulad ng pinakita nya sakin nung umpisa, kakarating lang kasi ni Ruoxi galing sa appointment kaya siguro napagod lang.

Inihain kona sa lamesa ang niluto ko kaya naupo nasya habang tinatanggal ang coat nya.

"What do you call this type of dish? I've never seen this before" Pinagmamasdan nya ang bawat parte ng niluto ko, hindi ko alam kung magugustuhan nya lalo na hindi naman ako gaanong nag luluto sa bahay kaya hindi ako nasasanay

"Ah T-that's called m-menudo, yan lang kasi yung mga nakita ko sa fridge kaya menudo nalang ang naisip kong lutuin, h-hindi mo ba nagustuhan? P-pasensya na" Napayuko ako dahil sa hiya, naalala ko galing nga pala sya sa mayamang pamilya kaya mas sanay sya sa masasarap at mamahaling pagkain na makikita sa restaurant.

"Papalitan ko nalang Ruoxi" Sabi ko pa, dadamputin kona sana ang pagkain pero agad naman nyang inangat at nilayo sakin.

"Wait, I haven't taste it yet." seryosong aura na pagkasabi nya, Kumuha sya ng tinidor at tumusok ng isang slice ng Pork sa menudo at tinikman ito.

Halos mapalunok nalang ako dahil sa pag nguya nya at dahil narin sa kaba na baka pangit ang lasa ng niluto ko huhuhu sana naman hindi sya kasing ugali ng chief Ramcy na sobrang suplado.

Tahimik ko lang pinag mamasdan si Ruoxi habang ngumunguya, Dahan dahan syang lumingon sakin kaya napayuko nalang ako at mariin na pumikit.

Ilang santo ba ang kailangan kong tawagin para hilingin na pumasa sa panlasa nya ang putaheng niluto ko huhuhu

"You have a great cooking skills, this is nice. I'll rate this uhmm Nine over ten" Minulat ko ang isa kong mata dahil sa sinabi nya, hindi ko inaasahan na magugustuhan nya yung niluto ko kahit nine lang yung ratings nya kyaaahhh!

"T-thank you, first time ko lang kasi makapag luto ng ganyan kaya akala ko hindi mo magugustuhan"

"Good improvement para sa firstimer na katulad mo. Did you eat na ba?" Tanong ni Ruoxi kaya napailing nalang ako

"Maupo kana rin at sabayan mo'ko" Sabi pa nya, kaya sinunod ko naman.

Napapangiti nalang ako habang pinag mamasdan sya na kumakain ng niluto ko.

Ang perfect naman ng babaeng 'to. Maganda na mabait pa. Siguro marami syang manliligaw na binasted dahil hindi pumasa sa kanya.

Kung ako ang magiging girlfriend nya, palagi ko syang lulutuan ng mga gusto nya.

W-wait, what? Magiging girlfriend nya? Waaahhh! Alice ano na naman papasok sa isip mo??!!! Hindi ka TIBO!!

"Why aren't you eating? Is there a problem?" Tanong ni Ruoxi ng mapansin akong nakatitig lang sa kanya, agad akong sumubo ng pagkain dahil sa taranta at hiya.

"hehehe W-wala naman" Sagot ko habang puno ang bibig huhu gagi nakakakaba

"don't talk when your mouth is full" natahimik ako dahil sa sinabi nya, nakakatakot kasi pag seryoso syang tumitingin sakin.

Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago ako tuluyang nag salita.

"S-sorry" Sabi ko, Napansin ko nalang na parang dahan dahan nyang inilalapit ang kamay nya sa akin at hindi ko inaasahang ilalapat nya ang daliri nya sa gilid ng labi ko.


Hindi kona napigilan ang pamumula ng mukha ko, hindi ko alam kung nahahalata nya, basta ang nararamdaman ko lang ay parang sobrang init na dumadaloy sa katawan at mukha ko!

Halos manlaki nalang ang mata ko ng dilaan nya yung daliring pinampahid nya sa kumalat na souse sa labi ko waaahhhhh!!!


Para akong duduguin ng ilong!!


"The souse is spreading in your mouth" Sabi nya. Napatakip nalang ako ng mukha sabay yuko ng dahil sa pagkataranta.


Biglang bumilis ang heartbeat ko, my gosh anong ibig sabihin nito alice??!!!!

Doc mukhang mapapaaga ang pagkamatay ko ihanda nyo na po yung kabaong huhuhu

Ruoxi why naman ganon masyado kang mabilis huhu


"Do you have anything to do after this?" Tanong ni Ruoxi, bumalik na sa seryoso ang usapan kaha umangat nako ng tingin sa kanya at unti unti narin nawawala ung init na nararamdaman ko kanina lang


"Uhm wala naman, b-bakit?" Maikling tugon ko, kinuha nya yung cellphone nya na nakalagay sa shoulder bag na dala nya

"I don't have any appointment later so, I just want to ask you if you wanna go out with me?" Sandali akong napatahimik habang subo² ang kutsaritang hawak ko. Ano bang ibig nyang sabihin sa go out with her?

With  benefits or just a simple gala lang ganon?

Eto na naman si alice nag aasume urghhh!

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko, tumingin lang sya sakin sabay ipinatong ang dalawang braso nya sa lamesa

"Anywhere" Agarang sagot nya

What if yayain ko sya sa motel charr

"Wag na Ruoxi nakakahiya naman, nakikituloy nanga lang ako sa bahay mo tapos may gana pa 'kong mag gala" Tinapos kona ang pagkain ko sabay tumayo para ligpitin ang pinag kainan namin.

"you don't have to worry, ako naman ang nag aaya sayo." Sabi naman nya at inabot ang kamay ko ng dadamputin kona ang huling plato sa lamesa

Ano ba yan, bawat dampi nya nakakaramdam ako ng hiya huhuu

"Hmm sige, ngayon na ba? Sandali lang Ruoxi ha mag huhugas lang ako ng plato" Natatarantang pagkasabi ko, ngumiti sya at binitawan ang kamay ko, hindi ko alam pero hindi na basta hiya itong nararamdaman ko kundi kilig waahhh!!

Nag tataka tuloy ako sa sarili ko kung  ano ba talagang gender role ko huhu

Babae ka ba alice? Siguro fifty² waaahhh


Kasalanan mo to kianna eh, hindi naman ako tibo huhuh


Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin mula sa likod habang nag huhugas ako ng plato.


Si Ruoxi nakayakap sa bewang ko waaahhh!!! Anong gagawin ko?!!!

"Thank you" Bulong nya sabay halik sa pisngi ko dahilan para mamula ang mukha ko dahil sa hiya






*Gay panic*






"P-para s'an yun R-ruoxi?" Natatarantang tanong ko ng hinarap ko sya at hinawakan sa parehong balikat nya, ngayon ay nakayakap parin sya sakin at nakasandal naman ako sa lababo waaaahhh!!!

"Nothing, I just want to thank you" Sagot nya sabay ngumiti.

Ang ganda ng ngiti nya nakakatunaw!!!!

ANO BANG NANGYAYARI SAKIN?! PIGILAN NYO KO HUHU!

Mas lalo akong nataranta ng bigla naman nya akong halikan sa labi like acckkkkk!! Kumakawala ang puso ko sa kaba waaahhhh!!!

Parang mga kabayong nag uunahan sa pagtakbo ang puso ko hindi ko alam kung paano sila pipigilan.

Sobrang lakas ng dagundong na nag mumula sa dibdib ko.

Napahawak nalang ako sa labi ko nung kumalas nasya at naglakad papalayo sa akin.

Umakyat sya sa taas kaya tsaka ko pinakawalan ang nararamdaman ko na kanina pa gustong sumabog sa kaba


Iniwan nya akong namumula at walang imik Accckkk!


She's stole my first kiss!! Waaaahhh!

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Oct 31, 2022 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

I'm not a GAYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें