Chapter 15

9 5 0
                                    

*BANG!





Isang malakas na putok ng baril kasabay ng pagtakbo ng isang bata patungo sakin, tila walang alinlangang pinansalag ang sarili para lang mailigtas ako.

Unti unting nag liwanag ang itsura nya sa paningin ko, isang batang babae, maikli ang buhok at naluluhang nakapako ang tingin sa akin

Nahulog sya sa mga bisig ko dahilan para matumba kami pareho.

Tumingin sya sakin at ngumiti
"Iligtas mo ang sarili mo" Sambit niya kasabay ng pag agos ng dugo mula sa kangang bibig.

"Lyn." Malinaw na sakin ang pangalan at itsura ng taong laging laman ng panaginip ko. paulit ulit na ganitong eksena, nakakatakot, nakaka trauma pakiramdam ko dinadalaw ako ng konsensya.

Unti unting lumalakas ang alingawngaw patungo sa kinaroroonan namin, wari ko'y paparating na ang tulong na mag liligtas samin mula sa nakakatakot na bangungot na ito.

Lyn konting tiis nalang makakauwi rin tayo. Sambit ko habang yakap ang kaybigang handa mag buwis ng buhay para sakin.

Dumating na ang mga pulis at ambulansya isinakay nila si Lyn, agad nilang nilagyan ng oxygen ang kaibigan ko at pinasakan ng swero sa braso pero sa hindi inaasahan na tila isang deretsong linya mula sa screen ang nag pabago ng lahat.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, unti unti narin akong nasasanay sa panaginip na to, wala narin naman akong magagawa dahil hindi ko naman kayang kontrolin ang panaginip na meron ako.

Tumayo nako sa pagkakahiga at sandaling nag unat. Alas dos palang nang madaling araw at nauuhaw ako kaya napag desisyunan kong bumaba para kumuha ng tubig na maiinom

binuksan ang pinto at dahan dahang bumaba ng hagdan. May naririnig akong tinig mula sa kusina kaya sinubukan kong lumapit at makinig

"Aunty It's for her own good naman, kung ibabalik mo sya sa tunay nyang mga magulang I'm sure magiging maayos ang kalagayan nya" Sabi ni Camille na may mataray na tono.

Anong ibig nyang sabihin? Sinong tinutukoy nya?

"Hindi, Sakin lang si Alice dahil anak ko sya!" Sabi naman ni mama, alam kong umiiyak na sya dahil sa tono ng pananalita nya.

"Honey, diba napag usapan na natin to noon? Pag dumating na sa tamang edad si Alice aaminin mo sa kanya ang totoo" unti unti akong naguluhan sa mga narinig ko hanggang sa hindi ko napansin na tuluyan na palang umagos ang luha mula sa mga mata ko. Tuloy parin ako sa pakikinig kahit apektado na yung nararamdaman ko.

"kung ayaw mo aunty ako nalang ang mag sasabi sa kanya na ampon sya" Sabi ni camille, hindi kona tinapos ang usapan nila at dahan dahan nakong umakyat sa taas at bumalik sa kwarto ko. Nag impake ako ng gamit habang umiiyak. Hindi ako makapaniwalang nangyayari lahat ng 'to sakin

Ano bang kasalanan ko??

pinag dugtong dugtong na kumot at itinali ito sa bintana. Hindi ako pwedeng dumaan sa likod dahil matagal ng sinaraduhan yon, kung sa unahan naman ako lalabas ay agad naman nila akong mapapansin dahil sa ingay pag bubuksan ito.

Nakababa nako mula sa bintana at agad nag lakad papalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at ayoko rin naman duneretso sa bahay ni Bryle o Kianna dahil agad malalaman ni mama kung nasaan ako.

Pumunta nalang ako sa fav resto bar ko, medyo malayo layo ito sa bahay kaya siguradong hindi nila ako masusundan dito.

Walang gaanong tao sa loob kaya matatahimik ako dito kahit papaano, sandali akong tumayo at lumapit sa bar tender para kumuha ng maiinom, pinili ko yung inumin na kaya tanggalin pansamantala ang mga problema ko.

Lumipas pa ang mga sandali, papalabas nako ng bar ng bigla kong naramdaman na may matilos na bagay na nakadiin sa tagiliran ko. Nasa likuran ko sya at amoy ko ang amoy alak nyang bibig

"hi miss beautiful" Isang malaking boses ng lalaki ang nag salita sa tenga ko.

"A-anong k-kaylangan mo?" nauutal na tanong ko. Rinig ko ang dagundong mula sa dibdib ko, isang maling galaw tapos nako

"Alam mona yon, paligayahin mo naman ako kahit isang gabi lang" Sabi nya na mas ikinatakot ko, isinubsob nya ang muka sa leeg ko. Nag simula nakong umiyak dahil sa takot at hindi ko alam kung pano ako makakawala sa manyak na lalaking ito.

"Please maawa ka itigil mo yan" pag mamakaawa ko habang umiiyak pero tuloy parin sya sa ginagawa nyang paghalik sa leeg ko at unti unti rin mas dumidiin ang patalim na nakatusok saking tagiliran

"Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng tamang asal?" may isang matapang na boses ng babae ang lumitaw sa likuran kaya natigil ang lalaki sa ginagawa nya sakin.

"At sino ka naman? Nandito ka ba para-- sa bagay ang ganda rin ng katawan mo hehe-" Nakakatakot ang boses ng lalaki kaya naestatwa ako dahil sa nangyayari

"wag kang lilingon Alice" Sabi ng babae na ipinag taka ko naman. Pano nya ko nakilala?

Lumipas ang mga sandali nabalot ng katahimikan ang paligid kaya lumingon na ako, unang bumungad sakin ang babaeng naka yuko at naka itim na cap, naka mask rin syang itim, naka blazer na black at may ternong  white tube, sa lapag ay isang lalaking nakahandusay sa sahig at ang patalim na kanina lang ay nakadiin sa akin. Wala na kaya syang buhay?

"don't stay in this kind of place if you can't fight for yourself, Umuwi kana" Seryosong pagkasabi ng babae, ngayon hindi ko parin sya nakikilala kung sino sya

"W-wala akong uuwian. Nag layas ako samin" Yumuko ako at tinago ang sarilo kong mukha, ayokong makita nya kong ganito

Lumapit sakin ang babae at hinawakan ako sa braso

"Sumama ka sakin" Utos nya kaya sumunod lang ako dahil wala rin naman akong ibang pupuntahan. Dinala nya ako sa parking lot ng Resto bar at agad pinasakay sa Kotse nyang kulay itim , naupo na sya sa driver seat at isa isang tinanggal ang cap at facemask na suot nya


Bumungad sakin ang isang magandang mukha ng babae, matangos ang ilong at maputi. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko kung sino sya

"Namumukhaan kita, d-diba ikaw y-yung babaeng muntik ko ng madag-anan?" Nauutal na tanong ko, kinuha ko yung cap na hinagis nya sa backseat at agad ipinangtakip sa mukha ko, nag babakasakali lang na sabihin nyang hindi sya yun dahil nakakahiya talaga

"Maybe, what a coincident" Sabi nya kaya mas lalong binalot ako ng hiya.

"Pasensya na" paumanhin ko. Dahan dahan kong ibinaba ang cap na nakatakip sa Mukha ko hanggang sa napansin ko na dahan dahan nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang nag slow-mo na naman ang paligid at tanging sya lang ang nakikita ko
Dahan dahan ako napapaatras hanggang sa macorner nya ako sa upuan, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil biglang umapaw ang init na dumadaloy sa buong pagkatao ko

"A-anong ginagawa mo" Ibinaba nya ang tingin sa dibdib ko dahilan para mataranta ako. Muli nyang inangat ang tingin sa akin

"Anong sa tingin mo?" tanong nya sabay ngisi. Napapikit nalang ako na para bang handa ibigay ang first kiss sa taong hindi ko pa gaanong kilala at nakakasama.

"Done" Sabi nya kaya iminulat ko ang isang mata ko at nakita ko na nakakabit na sakin ang sitbelt ng sasakyan, ngayon ko lang napansin na nakanguso na pala ako.


"let's go?" Nginisian nya lang ako at binaling ang tingin sa unahan. So tuluyan nanga akong binalot ng kahihiyan.


Anong nangyayari sayo Alice?!! wahhh!!

I'm not a GAYWhere stories live. Discover now