Chapter 10

9 7 0
                                    

*school*

:Nakikita nyo ba ang nakikita ko?
:Totoo ba to? Dalawang gwapong lalaki nakabuntot kay Alice?
:Haha kalokohan. Baka magkasama lang yung dalawang lalaki tapos nagkataon lang na nasa unahan nila si Alice.
:Sana all!
:Alice pano ka nakabingwit ng dalawang oppa? Bigay mo naman sakin yung isa
:Gayuma reveal!

Samot saring bulungan nila, nasa likuran ko kasi si Bryle at Oliver at hindi manlang ako nilulubayan simula pa kanina hanggang pagpasok dito sa school. Binabalot ako ng hiya hindi ko alam kung pano aalisin sa kanila ang masamang tingin sa akin.

Nag deredretso nalang ako sa paglalakad habang naka yuko at tinatakpan ng buhok ang buong mukha.

Buti nalang nakita ko agad si Kianna na nasa tapat ng corridor ng room building namin kaya tumakbo nako at nag madali.

Ramdam kong tumakbo rin yung dalawa at patuloy parin sa pagsunod sakin huhuhu

"Good morning Bess" bati ni kianna sabay beso sa akin.

"bess tulong, ayaw akong lubayan ng dalawang to" Bulong ko, napatingin si kianna sa likod  ko at nakita nya si Bryle at Oliver, dalawang gwapo at matangkad na lalaki.

"Keri kona to bess, I got you. Mauna kana sa loob" Bulong sakin ni kianna kaya dahan dahan akong pumasok sa loob ng room at iniwan si kianna sa dalawang tukmol na yon.

Natatanaw ko si kianna na hinaharangan yung dalawa na gustong pumasok dito sa loob Hyyst ano bang problema nila? Hindi naman sila ganyan eh

"Ganda mo ha" Biglang may sumulpot na boses sa tabi ko.

"Dalawang gwapong lalaki pinag aagawan ka, anong sikreto mo? May gayuma ka bang dala? Ishare mo naman sakin hehe" Sabi ni Zandra, isa sa mga nambubully sakin. Nasa likuran ko sya at naka patong naman ang baba nya sa balikat ko.

"W-wala akong ginamit na g-gayuma. Mga k-kaibigan ko lang sila." Nauutal na paliwanag ko, nakakatakot kasi ang babaeng ito. Kung hindi nya ko aasarin bigla nalang nyang hihigitin ang buhok ko.

Ewan ko ba sobrang saya nila kapag napapahiya at nasasaktan ako.

"Hindi ako naniniwala, Siguro hindi ka lang basta nerd." Sabi nya at lumakad sa harapan ko at hinawi ang buhok na tumatakip sa buong mukha ko

"Mangmukulam!" Bulyaw pa nya at umambang sasampalin ako kaya naisipan ko ng iharang ang mga braso ko kung sakaling ituloy nya.

"Anong sa tingin mong ginagawa mo!?" mataray na tanong ni kianna, napatingin ako sa kanila at pansin kong hawak na ni kianna ang braso ni Zandra na muntikan ng umigkas sa akin, buti nalang dumating sya

"Anong problema mo? Bitawan mo nga ako hindi naman ikaw yung may atraso sakin tsk!"  Galit na sabi naman ni Zandra, seryosong lumingon naman sakin si kianna

"bess anong atraso mo sa kanya?" Nagtatakang tanong nito

"W-wala naman" Sagot ko, muli nyang binaling ang tingin kay zandra na halatang namimilipit na sa sakit ng braso nya

"Sinungaling ka! You're a witch! Ginayuma mo lang naman sila kaya biglang nabaliw sayo! Nerd! Weirdo!" Galit na sabi ni Zandra, tumatalsik pa ang laway nya sakin.

I'm not a GAYWhere stories live. Discover now