Chapter 1

49 7 0
                                    

Dahan dahan akong bumaba ng hagdaan para sumilip sa kanila, agad ko namang natanaw si Bryle na nakaupo sa Sofa habang pinaglalaruan ang cellphone nya.

Ramdam ko parin ang init sa aking mukha at hiya na bumabalot sa buong katawan ko na para bang tinutunaw lava, pano ko sya haharapin ngayong halata sa mukha ko yung pamumula? Hindi to dahil kinilig ako, dahil to sa ginawa nyang pagpasok sa kwarto ko ng walang pasabi! Trespassing amp!

Naupo narin ako pero isang metro ang layo mula kay Bryle, kinuha ko ang paborito kong libro mula sa bag ko, tungkol ito sa dalawang magka-ibigan na nauwi sa ibigan, posible kaya mangyari to sa totoong buhay? Posible siguro pero sa sitwasyon namin ni Bryle Imposible yon dahil parang kuya na ang tingin ko sa kanya at siguro ganon rin naman sya. Buti pa sa libro may happy ending sana kami rin ni Alex hyyst.

Meet Alexis Benjamin Flores, my first ever boyfriend, matangkad, gwapo, mabango.. Isa syang campus crush sa school namin at halos lahat ng babae tinitilian sya kaya hindi ko maimagine kung paano naging kami, half in a yr na kaming mag on and sad to say palihim ang namumuong pagibig namin dahil ayaw nyang may makaalaam na kahit sino, Ewan ko rin kung bakit, siguro dahil crush sya ng lahat at nerd lang ako pero sa tingin ko okay lang yun so sumang-ayon nalang ako para sa relasyon namin ako naman ang pinili nya at hindi ang iba.

"Alice, anak.. kumain na kayo hangga't mainit pa," basag ni mama sa katahimikan, nasa kusina sya at nag p-prefer ng pagkain para samin Kaya itinabi kona ang gamit ko at tumayo na ganon din naman si Mokong.

Bryle's POV

Galit kaya si Alice sakin? I swear wala talaga akong nakita kahit ipatanggal kopa 'tong dalawang mata ko, pumunta lang naman ako sa kwarto nya dahil akala ko natutulog parin sya malay koba na ganon yung mangyayari

"Augh!," Inda ko nung biglang humampas sa mukha ko yung buhok nya

"Bakit!?," May halong inis at pagtatakang tanong ko habang nakahawak sa aking mukha, nakakunot noo syang tumingin sakin at inirapan ako

"Bakit moko sinusundan?," Iritang
tanong nya then cross her arms at the same time
*/ang tapang Minions naman

"Hindi kita sinusundan wag kang assuming, kakain na daw oh sabi ni tita," pagdadahilan ko

"Bakit ka dito kakain? Hindi ka ba kumain sa inyo bago ka pumunta dito?,"

"Kumain naman pero nag luto si Tita ng paborito ko kaya kakain ulit ako,"

"Anong paborito mo? Eh itlog at fried rice lang naman ang niluto ni mama," naiiritang pagkasabi nya kaya mas lalo naman nya akong sinimangutan

"Eh, p-paborito ko yung ano fried rice, Oo, d kalang nainform.. tabi kanga dyan," dahilan ko naman, lalakad na sana ako ng bigla nya iniharang sakin ang mga kamay nya na tila ba nag lalaro kami ng patintero

"Alice, tama na yan para kayong mga aso't-pusa lagi nalang kayo ganyan," Saway ni tita kaya napahinto si alice sa ginagawa nya

"Bryle, anak maupo na kayo dito masamang pinaghihintay ang pagkain," dagdag pa ni tita kaya binigyan ko si alice ng nang-aasar na ngiti, halata sa mukha nya ang pagka-dismaya kaya nagpatuloy nako sa paglakad dahil baka mabato na naman ako ng babaeng to

"Bleeee," sabi ko pa sabay tawa.

Nagkakilala kami ni alice nung mga bata palang kami, lagi syang tinutukso ng ibang mga bata noon at inaagaw ang laruan nya, madalas ko syang nakikita sa park na nag-iisa dala ang laruan nyang Teddy bear kaya nag lakas loob na kong lumapit para naman kahit minsan makalimutan nya na nag-iisa sya.

(Flashback<<<<)

"Hi, anong pangalan mo? Ako nga pala si Bryle," pagpapakilala ng batang lalaki sabay inilahad ang kanyang kamay ngunit tiningnan lang sya ng babae at nakita nya ang nanggigilid na luha mula sa mga mata nito

I'm not a GAYWhere stories live. Discover now