Chapter 12

11 6 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at salamat sa diyos dahil maayos na si oliver, nakausap kona sya at ilang araw nalang ay pwede na syang makauwi.

Napalitan na ng pagiging kampante ang kaba na paulit ulit bumabalik tuwing nakikita ko si oliver na nakaratay sa higaan ng hospital.

Monday ngayon kaya araw na naman ng pagpasok, kay kianna ako sumabay dahil sabi ni bryle may aasikasuhin daw sya sa kanila, dumating na kasi yung father nya galing abroad.

"Bess may kaylangan kang malaman" sabi ko habang nag lalakad kami papunta sa school. Aamin nako sa kanya na boyfriend ko si Alex dahil hindi kona talaga kayang magtago lalo na sa kaybigan ko.

Matagal narin naman kasi at siguro ito na yung tamang pagkakataon para sabihin sa kanya

"Ano yon?" Tanong ni kianna, agad syang tumakbo papalapit sa pusang nakatambay sa sidewalk kaya sinundan ko sya.

Pano koba to aaminin sa kanya? Siguro mabibigla sya pag sinabi ko yung totoo. Kaya mo yan Alice

"Ano kasi, ahmm--" tumayo si kianna buhat ang pusa at hinarap ako.

"Ang cute naman ng pusang to, sino kaya may ari nito?" Tinaas nya yung pusa sabay niyakap at hinalikan "ano na Alice? Ano bang aaminin mo?" Tanong pa nya, biglang bumusangot ng mukha nya nung tiningnan ako.

Tutal matagal narin naman kaming magkaibigan ni kianna kaya wala nakong dapat itago sa kanya tulad ng ganito

"Boyfriend ko si alex," mabilis na pagkasabi ko. Napatalon ang pusa dahil sa naging reaksyon ni kianna kaya nabitawan nya ito

"Boyfriend ko si alex at ilang months na kami" dagdag ko pa. Lumapit sya sakin sabay dampi sa noo at leeg ko

"Haluhh bess may lagnat ka ba? Hyst sabi ko sayo wag mo nang putulin yung gamot eh ayan tuloy mukhang hindi tumalab-"

"Wala akong sakit bess, Totoo boyfriend ko si Alex" pagpupumilit ko sabay tabig ng kamay nya sa mukha ko

"Seryoso ka dyan?"

"Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Eh kasi naman, campus crush yon at alam kong crush mo rin sya, naku bess hindi uso satin mag elusyon hahaha"

"Ganon ba? Ngayon tingin mona sakin ay elusyonada? Ganon ba bess?" May halong inis na pagkasabi ko. Wala akong proweba na maipakita para lang mapaniwala sya.

Pero sabagay mahirap talagang paniwalaan.

"Hindi naman sa ganon bess." Aniya

"Papatunayan ko sayo na totoo ang sinasabi ko" hinila ko ang kamay nya at nag madaling mag lakad papunta sa school. Dumaan ang ilang minuto ay nakarating na rin kami

Pupuntahan ko sa room nya si alex at sya mismo ang papaaminin ko.

"Bess seryoso ka ba sa gusto mong gawin?" Tanong ni kianna kaya binitawan kona ang kamay nya. Nasa gate kami ngayon at napansin ko naman agad si alex na nag lalakad kasama ang grupo nya

"Oo seryoso ako, mag hintay ka lang dyan"

"Wag mo nalang kayang ituloy" hindi ko pinansin ang sinabi nya at agad akong nag lakad papalapit sa boyfriend ko. Ang tagal kong nag ipon ng lakas ng loob para lang aminin kay kianna pero mukhang ayaw nya kong paniwalaan kaya eto papatunayan ko mismo sa kanya at sa harap ng ibang tao.

Inabot ko ang kamay ni alex kaya naman napahinto ito sa paglalakad ganon din ang mga kasama nya. Nag simula narin mag tinginan ang mga tao sa paligid

Tumingin sya sakin kaya agad ko syang niyakap, nagulat ang mga tao dahil sa ginawa ko pero ayos lang atlis ngayon malalaman na nila na may relasyon kami ni alex at hindi na namin Kaylangan mag tago

I'm not a GAYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant