chapter 8

16 6 0
                                    

"Hi miss, mag isa kalang ba?" Bigla akong nagulat ng biglang may malapad na kamay ang pumatong sa balikat ko.

Nilingon ko ito at muli kong nasilayan yung lalaking tumulong sakin nung muntik nakong madulas dahil sa katangahan ko

"Ahh ehh, Oo mag isa lang ako" tumabi sya sakin kaya medyo nakaramdam na naman ako ng hiya

"Ano ginagawa mo dto? Bakit mag isa ka lang?" Sunod sunod na tanong nya

"Wla naman gusto ko lang mapag isa sana" sagot ko naman

"Bakit may problema ba? Hindi bagay sa magandang katulad mo ang laging nag iisa" Pambobola nya, unti unti kong naramdaman na umiinit na naman yung mukha ko

"Uhm wala naman" humarap sya sakin sabay ngumiti.. hindi ko alam ang dahilan pero ang cute nya parang yung mga oppa na napapanood ko sa kdrama

"Ako nga pala si Oliver" pagpapakilala nya sabay abot ng kanyang kamay, hindi parin nawawala yung magandang ngiti, bagay na bagay sa kanya

"A-ako naman si Alice" nauutal na pagpapakilala ko naman at tinanggap ang kamay nya

Sa buong buhay ko si Bryle at Kianna palang ang nagiging kaibigan ko.. wala kasing ibang nag tatangka dahil wirdo daw ako at ayaw nilang matukso rin, pero ngayon eto may gwapong lalaking gusto makipag kaibigan sakin

"Ang ganda naman ng name mo, taga dyan lang pala ako sa kabilang kanto.. ikaw ba?

"Ahh dito lang sa Devor st."

"Malapit laang pala, pwede ba kitang sunduin sa inyo? Same university lang naman siguro tayo"

Bakit ganon? Ngayon kolang sya nakilala pero ang gaan na ng loob ko sa kanya

" Okay lang naman" tanging sagot ko, tumayo nako at nag simula mag unat, kinuha ko yung bolang hawak nya na para bang close na talaga kami.. hindi ko alam pero parang ganon yung pakiramdam ko walang halong pag aalinlangan

"Ano game?" hindi maipinta yung ngiti sa mga labi nya na para bang matagal na kaming magkakilala, minsan ko lang rin maramdaman yung ganito.

_______

Meet Oliver, a half mexican and half pinoy who lives near in Devor st.

Gwapo, matangkad na payat, maputi, matangos ang ilong pero nakasalamin, medyo malabo ang mata pero kaya makipag sabayan pag dating sa sports. Isa rin syang campus heartrub sa dating university na pinapasukan nya pero nag transfer sya dahil nadamay sya sa gulo na wala naman talaga syang kinalaman.

Matagal ng may gusto si oliver sa dalaga simula nung nag transfer sya sa university na pinapasukan nito, tila ba na-love at first sight sya sa pagiging simpleng babae ni Alice pero ang ipinagtataka lang ni Oliver ay bakit tampulin ito ng tukso kahit literal na maganda at matalino ito.. walang lakas ng loob si oliver na makipag kilala dahil bukod sa natatakot sya bigla naman dumarating si Bryle pag nag kakaroon na sya ng tsansang lumapit kay alice.
________________________

Masayang nag lalaro ng basketball si alice at Oliver, nawala kahit papaano yung problema ni alice tungkol sa stepsister nyang si Camille na walang ibang ginawa kundi ipahiya sya

"Nice shot Alice!" Sabi ni Oliver sabay palakpak ng pumasok ang bola sa ring

"Dinaig mopa ko mag basketball, dati ka bang player sa Liga?" Pambobolang tanong pa nito, napangiti naman si Alice dahil sa biro ng bago nyang kaibigan

"Bolero ka, nakakaisang points panga lang ako tapos tsamba pa hahaha" Sabi naman ni Alice sabay pinahid ang kanyang palad sa noo dahil sa pawis, agad namang kumuha si Oliver ng bimpo mula sa bag na dala nya at tubig na inumin, lumapit si Oliver para punasan ang pawis sa noo ni alice

"Kaya kona to, s-salamat" Nakaramdam sya ng hiya kaya nagkusa syang kunin ang bimpo at ipantuyo sa sarili nya, ngumiti naman si Oliver

Sa kabila ng mga kaganapang ito, natanaw ni Bryle ang mga nangyari, kung paano sila mag usap na masaya, kung paano idampi ni Oliver ang kanyang mga kamay kay alice, na hindi nya manlang magawa dito.

Nag madaling nag lakad si Bryle papunta sa court kung nasaan ang dalawa at bigla nyang hinila sa braso si alice dahilan para mabigla ito.

"Bryle ikaw pala, anong ginagawa mo dito?" May pagtatakang tanong ni Alice pero seryosong nakatingin lang si Bryle, nilingon nito si Alice na lalong ipinag taka naman nito

Hindi kasi ganon umasta si bryle, nag w-wild

"Ikaw ang dapat tinatanong ko ng ganyan, Anong ginagawa mo dito kasama ng lalaking yan?" Seryosong tanong ni Bryle

"Magkakilala kayo? Wait bitawan mo muna ako, nasasaktan nako bryle" daing ni alice dahil unti unti ng humihigpit ang kapit nito sa braso nya, agad namang lumapit si Oliver para sana tanggalin ang pagkakakapit ni Bryle sa braso ni Alice

"Bro, tama na yan, nasasaktan na sya" depensa ni Oliver pero tiningnan naman sya ng masama ni Bryle

"Ano bang pakielam mo dito? Sino ka ba?!" Galit na tanong nito

"Bryle ano rin bang problema mo?! Umalis kana lang kaya, please lang ayoko ng gulo" sabi naman ni alice

"Mas mabuti ngang umalis kana lang bro, tama na nasasaktan nanga sya oh!" Sabi naman ni Oliver at sinubukan nya ulit kalasin ang pagkaka-kapit nito sa braso ni Alice pero hindi nag patinag si Bryle kaya tinulak nya si Oliver

"Sabing wag kang mangialam!" Sabi ni Bryle

"Alice umuwi na tayo" dagdag pa nito,

"Sorry Oliver" sabi ni Alice bago sya hilahin ni Bryle hanggang sa makalayo sila kay Oliver, pinilit kalasin ni Alice ang higpit ng kapit ni Bryle sa braso nya dahil hindi na nya matiis yung sakit

"Ano bang problema mo Bryle? Wala namang ginagawa sayo yung tao bigla ka nagkakaganyan" galit na sabi ni Alice, hindi nya kasi alam kung anong tumatakbo sa isip ni Bryle at parang bigla nalang nawala sa sarili para magalit

"Hinanap kita kanina tapos makikita ko may kasama kang iba?! Sino ba sya sa akala nya para hawakan ka na wala manglang pagdadalawang isip?!" Nasigawan ni Bryle si Alice ng hindi sinasadya kaya sandaling binalot ng katahimikan ang paligid

"Ano naman sayo kung makita moko na kasama ang iba? Bakit ka ba nag kakaganyan eh mag kaibigan lang naman tayo hindi ba?! Wala naman masama kung makipag kaibigan ako diba? Tao parin naman ako" Sabi ni Alice sabay tumalikod para sana umuwi ng bahay, agad naman syang hinawakan ulit ni Bryle sa braso

"Sandali lang Alice" sabi ni Bryle kaya hinarap sya nito at nakita nya ang nanggigilid na luha sa mata ng dalaga.hindi alam ni Bryle ang gagawin ng makita nya si Alice na umiyak dahil sa kanya

"S-sorry" nauutal na pagkasabi ni Bryle at tsaka binitawan na ang kamay ni Alice

"Okay lang, mauna na'ko"

I'm not a GAYWhere stories live. Discover now