Chapter 14

11 7 0
                                    

Kianna's POV

"what's up guys, I'm so excited kyaaahh!! 'cuz portodeys bidyow ililibot ko kayo sa wattpad world. Hindi sa mismong wattpad kundi sa isang bagong bukas na resto kung saan libre ang pagbabasa ng ibat-ibang genre habang kumakain, at ang sabi pa makikita mo daw dito yung ibang mga character na sikat sa wattpad, ang maganda pa sila daw yung mag s-serve ng foods na oorderin mo. So tara samahan nyo 'ko para alamin kung totoo nga, stay tune mga bebeluvs!" pinutol ko muna ang video para pumunta na sa restaurant na tinutukoy ko kanina. Ang bilis nya sumikat at talagang dinumog agad ng mga tao lalo na ng mga kabataan, siguro dahil isa rin silang katulad ko na wattpader hehe marami nakong nabasa pero may isang wattpad story pa'kong hindi nababasa, naririnig at laman lang sya ng newsfeed ko, R-18 sya kaya tsaka ko nalang babasahin dahil baka mawala agad ang pagiging inosente ko. Speaking of dinumog, kaylangan kona pala mag madali dahil baka maubusan ako ng seat wahhhh baka mag unsubscribe yung 52 followers ko sa youtube dahil baka ma-disappoint sila at isipin na fake ako huhuhu

Sa ngayon nandito nako sa tapat kaya agad nakong pumasok para mag hanap ng bakanteng mauupuan, ang lawak ng resto at ang dami ring mga tao. Nakahanap ako ng seat sa may bandang dulo nitong restaurant, bawat set ng table ay may devider wall na nakalagay kaya hindi mo makikita ang ibang tao na nakaupo sa kabilang table, napapalibutan ang buong paligid ng mga libro at sa harap at likod ko ay sandamakmak na wattpad ang nakapatong. Lumapit sakin ang isang waitress, maganda sya at wari ko'y si Maxpein Zin Del Valle ang role nya sa resto na ito.

"what's your order ma'am" Tanong nya pero parang bigla akong naestatwa sa itsura nya

I'm nervous huhuhu ang ganda nya bagay sa kanya maging si maxpein

"Hanggat nakikita mo akong naka tayo, hindi mo kailangang makaramdam ng takot" dagdag pa nya sabay ngiti sakin.

Waaahh! Parang bigla nag stop yung heart beat ko my gosh kaya d nako nag tataka kung bakit dinudumog ang lugar na to!!

"ah i-ito isang Tantanmen Ramen at isang Soda" agarang sagot ko, nakangiti lang sya sakin habang inililista yung order ko, hindi ko naman kaylangan umorder ng marami dahil ang purpose ko lang naman kaya ako pumunta dito ay dahil sa mga viewers ko.

Umalis na si maxpein kaya kinuha kona yung camera sa bag na dala ko at muling nag video

"Hi Guys, nandito nako ngayon sa loob at umorder narin ako para naman hindi ako maging display sa restaurant na to. So tingnan nyo guys kung gaano kaganda dito, look at the books behind me and front of me waahh mababaliw ako! At yung mga waiter at waitress ang gagwapo at ang gaganda nila, btw nakita ko kanina si maxpein at sya ang mag seserve ng food na inorder ko ngayon. Wait Parang nakita ko si levi at calix. Wohhhh ang gwapo nila!!" ang daming wattpad characters na nandito, ung ibang sikat na men character mga talagang lantaran yung abs nila gosh!

Sa kabilang table may babaeng dumugo yung ilong dahil sa isang waiter, ang pogi kasi talaga nakakalaglag panty.

"Shshsh kayo guys ha makikichismis tayo sa kabila, may babae daw kasi na dinudugo na ang ilong kilig na kilig parin" inangat ko yung camera sa taas ng devider para masilip ang nasa kabila, tawang tawa ang kaybigan ng babae dahil sa kinikilos ng kaybigan nya

"kahit isang libong magagandang babae pa yata ang tingnan ko, ikaw parin ang mahal ko, taguro" sabi ng waiter na ang role ay si deib lohr Enrile na umaacting na parang nasa wattpad sila.

Kilig na kilig ang ang babae na ngayon ay may tissue na sa ilong, nalimutan nya yata na kasama nya yung boyfriend nya

Hiwalay to mamaya AHHAHA

Pinakita ko sa video kung gaano kabaliw yung mga tao dito sa loob. Sa lahat ng restaurant na napuntahan ko dito lang talaga ako naingayan dahil karaniwan sa mga resto relaxing music ung pinapatugtog nila pero dito parang may party.

Dumating na si maxpein at nilapag yung order ko sa table

"guys look who's here, Maxpein say hi" sabi ko, hindi naman nya ako binigo at kumaway sya at nag pakilala pa. Nag papicture narin ako para naman may remembrance

"Thank you Maxpein" Nag lakad nasya palayo para kunin pa yung order ng iba kaya nag simula narin akong kumain.

Makalipas ang mga sandali, sa bandang likod ng restaurant may isa pang room na sound proof kaya hindi maririnig ang ingay mula sa dito sa unahan, pumasok ako at namangha ako dahil sa mga nakita ko.

Tila isang library ang malaking kwartong ito, maraming tao pero tahimik sa loob, may book river din at kung ano ano pa. Tagalang mamamangha ka sa bawat makikita mo, with caption pa ng every wattpaders dream ackkk

Pwede kang bumili ng libro dito sa murang halaga, sulit lahat mula sa design ng resto sa labas hanggang sa mga service crew at sa pinaka loob.

Sa wakas natapos kona rin ang pagpasyal sa mga viewers ko kaya ready nako lumabas sa resto, babalik ako dito sa susunod at isasama ko si alice dahil alam kong magugustuhan nya rin ito.

"So that's all for todays bidyow, don't forget to like share and subscribe. Thank you for watching bye!" mag eedit pako mamaya kaya uuwi nako.

Isinilid kona ang camera sa bag ko at nag lakad para mag abang ng masasakyan. May nakita akong isang babaena papunta ng coffee shop. Parang nakita kona sya pero saan?

Aha! Sya yung nakabungguan ni alice nung time na pumunta kami ng eastern. What if makipag friends ako sa kanya, wala naman sigurong masama hehhe.

Tumawid ako at sinundan ang babaeng papunta sa coffee shop, ang tangkad nya kumpara sa karaniwang babae. Siguro athlete sya or model

Naupo sya sa dulo ng shop kaya kunwaring wala akong nakikita at naupo rin sa tabi nya, pansin kong lumingon sya sakin kaya binaling ko ang tingin ko sa iba.

Lumipas ang ilan pang mga sandali may dumating na lalaki at naupo sa harapan namin, gwapo sya, matangkad at maputi siguro boyfriend nya

"You didn't tell me na may kasama ka pala, your friend?" tanong ng gwapong lalaki kaya bago pa makapag salita yung babaeng katabi ko ay inunahan kona

"ah yah, I'm kianna hehe" Sabi ko at kinamayan naman ako ng lalaki

"Nice meeting you, I'm Liam" pagpapakilala nya at binitawan na namin ang isat-isa

"So where did you guys meet?" tanong ni liam.

Mapapasabak na naman ako sa englishan na to wahhh

"w-wait I'm confuse, who are you again?" tanong naman ng babae sakin, tiningnan ko sya sabay ngiti

"she's really funny haha, your friend have amnesia. It's me kianna, your kumare" pagpapakilala ko, hiyang hiya nako sa loob ko palang. Hindi ko alam kung tama 'tong ginagawa ko o nasisiraan na ko ng ulo

"what? I---" bigla akong nag tawag ng waiter kaya hindi na nya tinuloy ang sasabihin nya. No choice oorder ako ng coffee kahit tanghaling tapat para lang makalusot sa mga tanong nya huhu.

I'm not a GAYWhere stories live. Discover now