Chapter 16

11 6 2
                                    

Huminto ang sakyan sa tapat ng isang Cabin, maliit lang sya pero maganda ang bungad mula sa labas. Nakikita ko lang sya sa news feed ko pero ngayon nakikita na mismo ng dawang mata ko. Napatingin ako sa babaeng katabi ko, eto na naman sya inilalapit ang sarili sakin

Wahh pigilan mo sarili mo Alice, tandaan mo babae sya at babae ka rin

Hindi ka tibo kagaya ng sinabi ni kianna okay?

Napahinto sya sa paglapit sakin ng itaas ko ang dalawang kamay ko hanggang sa dibdib ko

"hep, ako na, kaya kona to malaki na 'ko" Inunahan kona sya sa pagkalas ng sitbelt na suot ko dahil kinakabahan talaga ako pag lalapit sya sakin na katulad kanina

"see? Basic" Dagdag ko pa, nginitian ko lang sya at bumalik sa kung anong pwesto ko kanina

Bumaba nasya ng sasakyan kaya bumaba narin ako, sinundan ko sya hanggang sa makapasok kami sa loob

"Have a sit" aniya kaya naupo naman ako

"You want coffee? Tea? or Beer?" Pag aalok nya, nakakahiya man pero pinili ko yung beer dahil nabitin ako kanina dun sa bar

"Beer nalang hehe" sagot ko at agad naman syang kumuha ng dalawang beer sa maliit nyang refrigerator.

Naupo sya sa tabi ko at sabay hinubad ang blazer na suot nya, ngayon naka tube nalang sya at ngayon ko lang rin napansin na ang ganda pala ng hubog ng katawan nya, ang sexy nya, ang katawan nya ay maihahalintulad sa isang member sa sikat na Girl group sa korea na si Lalisa Manoban.

Bigla ako nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa nya. pakiramdam ko hindi na to normal gay panic naba ang tawag dito? No, hindi pwede mangyari to.

"w-wait lang ha mag papahangin lang muna ako saglit sa labas" paalam ko dahil pinag papawisan na talaga ako sa kaba. Lumakad nako at lumabas dala ang isang beer na binigay nya sakin, sinigurado kong nakasara ang pinto para hindi nya makita ang gagawin ko

"Alice makinig ka, Babae sya at babae ka okay? Yang nararamdaman mo normal lang yan dahil nagagandahan ka lang sa kanya.. Wag ka nang kabahan, inuulit ko normal lang yan" Paulit ulit na hikayat ko sa sarili ko para lang makumbisi na normal lang ang lahat ganon din ang nararamdaman ko sa kanya.

"Babae ako, babaeng babae ako" sabi ko pa habang nakapikit at nakatingala sa langit.

"May sinasabi ka ba?"
naramdaman ko nalang na biglang may mainit na hininga ang dumampit sa tenga ko dahilan para magitla ako at mataranta, seryosong nakatingin sakin ang babae kaya tumalikod ako dahil sa hiya

"ah w-wala naman, b-bakit ka lumabas m-may problema ba?" nauutal na tanong ko. Naramdaman ko nalang na may malambot at mainit na bagay ang pumatong sa likod ko

"Nothing, naisip ko lang na masyadong malamig dito sa labas and there's a chance na magkasakit ka, I'm just a little bit worried coz you know you're my first guess so I need to take care of you while you are here" nag aalalang sabi nya sabay yakap sakin mula sa likod, nakakahiya man pero hinayaan ko lang sya dahil pakiramdam ko komportable ako sa ginagawa nya, Weird pero yun ang totoo.

Lumipas ang ilang sandali ay hinarap kona sya kaya kumalas na sya sa pagkakayakap sakin
"ikaw ba hindi ka ba nilalamig sa suot mo" tanong ko dahil hindi manlang pala sya kumuha ng jacket para sa kanya, nakatingin lang sya sakin at ngumiti kaya niyakap ko rin sya para madama nya ang init mula sakin, nabigla naman sya dahil sa ginawa ko pero tulad kanina hinayaan lang rin nya ako na yakapin sya hanggat gusto ko.

I'm not a GAYNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ