Chapter 16

4 3 0
                                    

"Ate my extra highlighter ka ba?" agad kong bungad pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay "ATE? pahinging highlighter" sambit ko ng makapasok ako sa kwarto niya

"Kakarating mo lang wala ka ngang hi jan--"

"Hi, highlighter akin na" nilahad ko ang kamay para makahingi ng highlighter dito "Tas ballpen na rin isa" dagdag ko na kinapikon niya muntik pa akong tamaan ng unan na binato niya

"Aanhin mo ba to ha? hindi ka na mahilig magsulat" sambit dito habang naghahalongkat sa gamit niya

"Basta akin na.. tinago mo ba yan sa baol at di mo makita-- muntik na yun ahhh" pagreklamo ko ng itapon niya ang ballpen at highlighter sa muka ko buti nakailag ako ulit

"Manahimik ka, lumabas ka na nga lang" nakakunot na sambit nito na dinilaan ko lang para mas mainis ito sa akin

pagkatapos kong mapulot ang ballpen at highlighter sa sahig e agad akong pumasok sa kwarto nilapag ko lang ang mg gamit ko at hinanap ang notebook na hindi ko na nagagamit magiging inbistigador ako ngayon pagcoconnect ko kasi ang mga kwentong nasagap ko galing sa mga kwento

mga kwentong patungkol kay "Miss Bracelet" sa sobrang curious ko e gusto kong malaman kong bakit naudlot ang pagmamahlan nila ni ignorist "Kung hindi sya nawala baka hindi ako nagkagusto kay ignorist ganun" tumatawa ako habang nililista ang nalalaman ko

kung nakilala ni ignorist itong babae e senior high sya may malaking posibilidad na classmate sila tas nagkahiwalay lang sila dahil sa college "galing mo talaga Kaile-- wait sandali" napatigil ako ng maalalang sa park pala nagkakilala sila ignorist at hindi sa school

kaya maaring hindi sila magkaklase at baka same school lang "pero international school ang pinapasukang school ni ignorist non" kaya maliit lang ang chance na magkaschoolmate sila sobrang tadhana naman segurong makapareho sila ng school kong sa park sila nagkalilala malayo kasi ang park sa school ni ignorist noon

"Kaya maaring nagkita sila dun kasi--" napatigil ako ng maalala ko ang first encounter naming dalawa nagtanong ako ng direction dito "Imposible naman segurong mahulog agad ang loob ni ignorist dito kung yun lang sabi nila pangit ang ugali ni ignorist noon pa" kaya sure hindi yun ang dahilan hayst ang hirap naman alamin man sasagap na lang muna ako ng balita sa mga tawo sa resto

napatigin ako sa orasan at late na pala kaya pala nahihikab na ako dahil dapat na pala akong matulog, hindi ko na naisipang magpalit at humiga na agad ko sa kama para matulog

halos takbuhin ko na ang resto mapaaga lang ng rating dito para makapagtanong tanong ako sa mga tao doon at magkwentohan kami ni chief tungkol dun sa babaeng yun iwan ko ba at talagang nahahype akong malaman kung anong meron dun sa kanya parang hindi pa sapat ang mga nalalaman ko

alam ko namang hindi magandang makialam sa  buhay ng iba pero gusto ko kasi si ignorist at hindi ko alam kong gaano kalalim tung feelings ko sa kanya isa lang ang segurado ako malalim to dahil umaabot na ako sa ganitong punto ng kabaliwan ko

"Oyyy aga natin ahh"

"Oo nga ate Rose, balak kong makichismisan si chief" sambit ko dito at inaayos ang gamit ko sa locker "Kaso mukang wala pa sya" dagdag ko na hindi tumitingin dito

Nga pala si ate Rose e matagal ng worker dito mukang magkasingtagal sila ni chief kaya mukang may nalalaman din to, pero hindi ko alam kong papaano ko mapapakwento si ate na hindi nagmumukang nakakaduda

"Ano ba yang chismisan niyo at talagang mapapaaga ka ng dating dito"

Pineke ko ang pagtawa ko para hindi niya mahalata nagmumuka na akong baliw sa ginagawa ko "naudlot kasi yung usapan namin ni chief, tungkol kasi yun kay ignori-- I mean kay sir Zen tas mukang exciting kasi kaya na-curious ako" nauwi din na sinabi ko ang lahat kay ate

Nakatitig lang ako kay ate na hindi naman nagbigay ng reaksyon na parang nagdududa bagkos e tumawa ito at naupo sa tabi ko "yan lang ba?" Nakangiting sabi nito na hinatango ko "abay mas kilala ko yang si young master"

young master? So nagtatrabaho din sya sa pamilya nila ignorist bago napunta dito? "Young Master?"

"Ayy oo, nagtatrabaho kasi ako sa bahay nila noong dalaga pa ko bago ako nilipat dito sa resto"

"Talaga po? Wow seguro ang tagal niyo na dun"

Wow exaggerated masyado Kaile

"Mababait rin kasi ang mga Viniel kaya nagtagal ako dun, halos masaksihan ko na ngang lumaki yang si young master, tsk tsk kawawa talaga" napaseryuso ako ng muka ng sambitin niya iyon "Napakabata pa nga niyan ng iwan ng mama niya" mas napatahimik ako sa sinabing iyon ni ate "Kaya hindi masyadong pala kaibigan"

"Kaya pala ang pangit ng ugali, hindi ba sila close ni Chairman Viniel?" Nagtataka kong tanong dito na inilingan niya lang

"Hindi sila close ni chairman nasisikasi palagi iyang si young master noong bata kaya nag iba ng bahay yan nong tumuntong ng 20"

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman sa mga naririnig kong ito, nasasaktan ako na naawa kay Zen hindi ko alam na ganun pala ang childhood nitong mukong nato

"E ate I heard na may first love si Zen? Yun yung pag uusapan sana namin ni chief na udlot lang--"

"Ahhh yung babae sa park" naliwanagan ako ng marinig iyon mukang kay ate Rose ko makukuha ang mga kasagutan "Dalawang linggo lang naman sila nagkikita sa park" napaismid ako sa narinig kong iyon

Dalawang linggo lang pala makainlove naman tong ignorist sa babaeng yun e akala mo naman nakidlatan ng pag ibig

"Yun yung unang beses kung makitang ngumiti si Zen nun, nakangiti syang bumalik sa galing sa park madalas e nakabusangot o kaya walang reaksyon yan pero noong araw na yun nakangiti sya habang may hawak na papel"

"Papel po?" Kunot noo kong tanong "Ano naman yung papel? Love letter seguro--"

"Abay hindi heart origami yung bitbit ni young master may ganun nga sya 16, labing anim na origaming puso ang meron sya" nakatitig lang ako kay ate Rose habang sinasabi niya yun, parang naamaze syang alalahanin ang mga panahong yun "Bawat araw may pusong papel na bitbit si young master na nilalagay niya sa jar, balak seguro niyang gawing collection pero mukang di matutuloy"

"Bakit po?"

"E balita ko hindi na sila nagkita nong babae sa park ulit, nako nako naalala ko pa kung gaano nagwawala si young master nun panahong yun, kunting mali namin nasisigawa na kami" umiling pa ito habang sinasabi iyon "Magkacollege pa talaga si young master nun"

"Ganun ba nakakalungkot naman pala yun" sambit ko dito pero ang utak ko e lumilipad nakakalungkot rin naman isipin yung ganun pero nakakagago naman yung two weeks abay ang speed naman nun "Sige po, may kukunin pa pala ako sa labas thank you" agad akong lumabas wala naman talaga akong kukunin gusto ko lang talagang lumabas

Pasikat pa lang ang araw at malamig ang simoy ng hangin, sumasabay sa nalilito kong utak at puso "Hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman nun" mahina kong bulong habang nakatingin sa kalangitan "Ganun mo ba kagusto yung babae at talagang hindi ka makaget over?" Mahina kong sambit sa hangin naiiyak ako habang iniisip iyon

Hindi naman sa trip trip ko lang na maglungkot lungkotan pero may mabigat sa puso ko na gusto kong maiyak, bago pa naman tong nararamdaman ko sa kanya pero parang ang sakit na hindi pa nga nagbuwan ganito na agad

"Ku--" napatigil ako ng may naglagay ng jacket sa balikat ko agad kong napalingon dito

"Ano bang ginagawa mo dito?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Zen sa harapan ko "Are you crying?" Gulat na tanong nito sa akin na mas gusto ko tuloy maiyak ng makita ko ang muka niya

"Hindi no" sambit ko dito na pinipilit kong magtunog natural "Malamig kasi kaya" sambit ko at niyapos ang sarili sa jacket na nilagay niya sa akin ang bago talaga nito

"Malamig nga kaya hali ka na sa loob, baka magkasakit ka" napahinto ako ng hawakan niya ko para pumasok kami

Hundred DaysWhere stories live. Discover now