Chapter 17

3 3 0
                                    

"Ano bang ginagawa mo dun salabas?" Agad niyang tanong ng makapasok kami sa resto umiling ako dito "Talaga ba?" Nagdududa niyang sambit na tinawanan ko

"Tumigil ka ignorist ano namang gagawin ko dun sa labas"

"IWAN KO, MALAY KO BA SAYO" malakas niyang sigaw sa kusina pumasok kasi ito sa kusina "Here warm water" napatitig ako sa tubig na  dala niya galing sa kusina

Agad akong napatingin kay Zen na nagtataka ang tingin sa akin, iwan ko ba sa lalaking to at binibigyan ako ng ganitong signals, mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya

"Nangangawit na ang kamay ko"

"Ayy sorry, thank you" sambit ko dito at naupo sa table "Bat mo ba ako binigyan nito?" Di mapigilang tanong ko dito dahil talagang hindi ko matiis tong signals na binibigay niya sa akin

"Para magwarm yang dugo mo, malamig kasi sa labas"

Nanghina ako sa kinauupuan ko ng sabihin niya yun talagang tinamaan ako sa sinabi niyang yun, tiningnan ko ng masama si ignorist na kinataka naman nito sa akin "Nagiging assuming ako bigla" mahina kung bulong

"Ano? I can't hear you"

"Wala parang timang to, maaga ka palang pumapasok" pag iiba ko ng usapan namin

Nakakita ako ng papel sa mesa kaya kinuha ko to nagfold fold ako dito para hindi ako magkaeye contact kay ignorist nahihiya kasi ako, lately nagiging assuming ako nasasaktan tas kung ano ano

"Yeah palagi naman, himalang maaga ka ngayon, mukang may nakain kang di maganda" tumawa ako sa sinabi nito pero hindi parin tumitigin dito nagfofold pa rin ako "Ano ba yan?" Napatigil ako ng tanungin niya ako

"Di ko rin alam, ginagawa ko lang bakit?" Tumigin ako dito pero nakatingin lang sya sa ginagawa ko "Wala namang special folding lang naman" dagdag ko pero tahimik lang si ignorist

Tumingin ako sa ginawa ko at napatakip ako ng bibig ng makitang heart origami ang ginawa ko, mabilis kong tiningnan si ignorist pero sa origami parin sya nakatingin

Hindi ko naman alam na marunong pala akong gunawa nong heart origami na yun, nagfofold lang ako para makaiwas sa tingin niya, anong gagawin ko ngayon

"Ahhmm okay ka lang?" We act na parang wala tayong alam "ignorist? Parang timang"

"Ahem, ohh it's nothing I have something to do" nakain ko ang sariling labi ng sabihin niya yun wala na akong nasagot dahil alam ko kung bakit niya yun sinabi

Naalala seguro niya yung babae sa park, dahil sa ginawa ko tanga tanga kasi ako hindi ko alam na marunong pala ako niyan sa dami ng origami na pwede kong gawin yun pa talaga, tumatag talaga sa utak ko at nagawa ko yun

Umakyat si Zen kaya tiningnan ko lang sya mukang ang sakit talaga ang ng yari sa kanya, tipong napapatahimik sya ang bobo ko talaga bat ko yun ginawa "Kasalanan mo talaga to Kaile" mahina kong bulong sa sarili

Gustohin ko mang sundan si Zen sa taas pero binigyan ko na lang sya ng sarili niyang oras, hindi ko na rin napansin iyon dahil madami na ring customers nung nagbukas na kami

"Good work everyone, I will go first"

agad akong napalingon kay Zen ng sambitin niya yun kaya naman mabilis akong napatakbo para maabutan ito sa parking

"Ahhm.. Ig-- I mean Zen?" Agaran kong lapit sa kanya na hindi man lang nag iisip ng kung anong unang sasabihin

Nakatitig lang si Zen sa akin na parang nabuburyo sa muka ko napakamot ako sa braso kahit hindi naman makati ito, ano bang uunahin kong sabihin?

Hundred DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon