Chapter 18

3 3 0
                                    

"ANO BA KAILE, bat mo sinabi yun" nagwawalang sabi ko sa sarili habang nag elevator ako "bat mo sinabing lab u gago ka talaga"

Napakamot ako sa ulo kahit wala namang makati, nainis na nga si ignorist sa akin kanina naiwan ko pa yung gamit ko tas nag I love you pa ako kay ignorist "Not technically I love you pero-- NANDITO NA AKO-- sinabi ko parin yung love dun"

"Zone out ka na naman" napatingin ako kay ate na may bitbit na kape "Napapadalas na yang ganyan mo ahh"

"Ano naman at pagud lang yan no"

"Abay pagud baka kakaisip mo yan sa Jason na yun, sinasabi ko talaga sayo Kaile wala kang pag asa"

"Aray ko naman ganun ba ako ka unlovable ha ate?"

"Hindi ganun, basta hindi mo magegets baka masaktan ka lang basta ekis na si Jason okay?"

Inismidan ko to dahil hindi pa pala updated tong si ate na hindi na si Jason ang gusto ko si Zen na, pero nakakahiya rin naman kasing sabihin hate na hate kong kinuwento kay ate tas gusto ko na pala abay gaga

"Iwan ko sayo, kaya hindi ka nagkakajowa"

"BAKIT MERON KA?" Lumingon ako ng barahin niya ako ng ganun "Ohh bakit ka nakatingin?" Pagtataray nito sa akin na inismidan ko lang

"Wala, kaya tayo magkapatid kasi pareho tayong walang jowa, hee" huling sambit ko at pumasok

Hindi na nagwelga si ate dahil mukang may gagawin pa, okay na yun kaysa magbardagulan kaming dalawa dito nako talaga nakakaloka yun

Napatingin ako sa side table ko ng makita ko ang notes na pinagsusulat ko kagabi "Madami dami tayong lead ngayon pero" napatigil ako ng malala ko ang sinabi sa akin ni ate Rose

Yung tungkol sa mama ni ignorist, na bata pa lang sya ng iwan "Ulila sa ina si ignorist? Kaya ba sya ganun?" Dinampot ko ang notebook para isulat ito

Bata pa sya nong iwan ng mama niya hindi ko alam ang rason kung bakit pero mukang naging dahilan yun ng ugali ni ignorist "hindi naman na sya ganun ka lala pero-- minsan lumalabas talaga ang ugali niya" sambit ko sa hangin ng maalala ang minsanang pagiging pangit ng ugali niya

"Iwan ko sayo ignorist--" sambit ko at sumalampak sa kama, simula nong nalaman ko kung anong dahilan nitong bilang pagbilis ng pintig ng puso ko "mas lalo akong nahuhulog sayo" mahina kong sambit

Pagkatapos nun e nalaman kong marunong din palang mag heart origami yung babae, hindi ko naman alam na marunong din pala ako

Malakas kong na hampas ang sarili ng maalala ang ginawa kong katangahan nong nagzone out ako at kusang gumalaw ang kamay ko, pano ba kasi ako natutung mag origami ng ganun

Can I keep it? Bumalik bigla sa aking isip ang tanong na yun ni ignorist, nasasaktan ako na naaawa sa kanya dahil mukang talagang nafall din sya sa babaeng yun

Bat di ka maawa sa sarili mo Kaile? Ngayon na alam mo ng may gusto ka kay ignorist at alam mo ang ganitong bagay, bakit? Bakit parang balak mo na namang magparaya?

"Abay sinong mapaparaya? WALA walang magpaparaya" malakas kong sambit sa hangin dahil wala akong balak magparaya "Pero--" hindi ko alam kong paano ko ipapakita kay ignorist na gusto ko sya

Mukang nabulag na sa pagmamahal niya sa babaeng yun si ignorist kaya hindi na sya nakatingin sa ibang babae, hayys iwan ko ba kung bakit ko iniisip tong ganito

Kahit imposible kong mapakita kay ignorist, e hahayaan ko naman ang sarili kong kusang magpakita ng nararamdaman ko, bago pa ako tuluyang mawalan ng antok e tinigil ko na ang pag iisip baka kulangin ako sa tulog

Hundred DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon