Chapter 31

3 0 0
                                    

Nangmagising ako nararamdaman ko ang ackward na atmosphere nagtitinginan sila mama at ate, alam kong may kung anong bumabagabag sa kanila pero hindi ko naman iyon ma pinpoint

Napatingin ako sa kamay ko dahil nawawala ang bracelet na bigay ni Zen sa akin

"Ma? Te Kaila? nakita niyo ba yung bracelet na bigay ni Zen sa akin? suot suot ko yun ng mahimatay ako"

Tahimik lang silang dalawa na parang iniiisip kong ano ang isasagot sa sinabi ko, nagsalubong na ang kilay ko dahil sa hindi ko na talaga maintindihan ang mga kilos nila

"Sumasakit na ang ulo ko sa mga pinagkikilos niyong dalawa" hindi ko mapigilang sambit "Ano ba talagang tinatago niyo?" mahina kong sambit sa kanila

nagtinginan muna silang dalawa at tumango si mama kay ate na parang sinasabing sya na ang magsabi sa akin, hinihintay kong magsalita si ate sa akin

"Kaile, hindi namin alam kong papaano namin sasabihin sa iyon" panimula niya, naguguluhan parin ako sa sinasabi niya "Walang Zen, hindi namin  alam ko sino si Zen--"

"Ate hindi naman ata magandang biro yan, alam ko namang doubted ka sa kanya"

"Kaile, nagsasabi ako ng tutuo, under comatose ka for 3 months dahil sa pagkakahulog mo"

Biglang nagbalik ang mga alaala ko nong araw na iyon, kung saan ko tinulungan iyong bata pero parang panaginip lang naman iyon nong--

"Sabi ni Doc. posible talagang magkaroon ka ng fantasy dreams, habang nasa coma ka" nakatitig lang ako kay ate dahil hindi ko maprocess sa utak ang mga sinasabi niya "Kaile, this is the reality, walang Zen--"

"Hindi.. Hindi.. HINDI PWEDE"

Parang mababaliw ako ng biglang nagsipasukan ang  mga alaala ko nong araw na iyon, hindi ko kayang paniwalaan na ang mga bagay at pangyayari namin ni Zen ay parti lang ng panaginip ko habang nasa comatose

"Makakaya mo rin yan Kaile, darating din tayo sa--"

"ATE HINDI, TUTUO SI ZEN.. tutuo sya--" hindi ko na kinayang magsalita dahil pinipigilan ko ang pag iyak, bumabara na kasi ang lalamunan ko

Paulit ulit lang akong umiiling dahil hindi ko kayang  paniwalaan ang mga sinasabi niya, nagsisimula ng magsitulo ang luhang pinipigilan ko ng inaalala ko ang mga pangyayari naming dalawa ni Zen


Hundred DaysOnde histórias criam vida. Descubra agora