Chapter 20

6 3 0
                                    

Gusto ko lang namang e share sa kanya yun e, pabulong kong sambit habang naglalakad lakad sa labas

Naalala ko bigla ang usapan namin ni ate na biglang kinasakit ng puso ko parang malawattpad ang galawan kasi, alam niyo yung mga plot sa story ng mga tipikal na school love story

Napatigil ako ng maramdaman ang paghapdi ng tiyan ko hindi pa pala ako nakakakain kaya nagugutom ako, naramdaman ko na rin ang sakit ng init hindi kasi ako nagdala ng payong kaya dayriktang tumatama sa akin ang araw tanghaling tapat na rin kasi

Napalingon lingon ako sa paligid at sumilong muna sa lilim para mag isip ng makakainan "Sa resto na lang kaya?" bigla kong naisip dahil hindi pa ako nakakain dun na hindi ako costumer agad akong  napakaripas ng takbo dahil malapit lang naman iyon sa kinasisilungan ko

hingal pa akong huminto sa parking ng resto at tumakbo ulit para masumilong muna sa labas ng resto, sumilip ako sa loob at charan marama paring bumibili mukang hindi talaga nauubusan ng mga costumers

"Anong ginagawa mo jan?"

agad ako napalingon sa likod ng may magsalita si ignorist lang pala akala kong sino na "Nakasilip, di ba halata?" pagtataray ko dito na parang wala lang sa kanya

"Muka kang tanga" mahina niya lang sabi sa akin pero diin naman ang insulto niya sa akin

humawag ako sa dibdib ko para maging sarkastikong nasaktan ako "Thanks ahh napakagaan ng insulto mo" inismiran ko to at hindi niya lang pinansin at pumasok sumunod ako dito na hindi nag iisip

napatigil ako ng matantong bakit sa front door pumasok si ignorist e nagtatrabaho naman sya-- hindi sya nagtatrabaho ngayon? day off niya rin ba? nagtataka kong sambit sa isip ng makita syang hindi nakasuot ng uniform

"Stop following me" napahinto ako bigla sa sinabi niyang yun

"Hindi naman ang oa mo" napatigil ako ng bigyan niya ako ng tingin na parang hindi sya kumbinsido "Nandito ako para kumain hindi pa kasi ako kumakain.. ehh bat ako nag eexplain sayo jan ka na nga--"

"Hindi ka pa kumakain? alas tres na ng tanghali at hindi ka pa kumakain anong kalokohan yan"

napatinin ako sa may orasan sa resto at 3:24 na nga ng tanghali kaya pala sumasakit na ang tiyan ko dahil nalipasan na ako ng gutom, nagkaulcer na kasi ako dati kaya sumasakit na ang tiyan ko pagnalipasan ng gutom

"Kaya pala sumasakit na ang tiyan ko" mahina ko lang na sambit at tumingin kung may bakanting upuan pero nahihirapan akong  maghanap dahil maraming tao ang palakad lakad at maingay pa talaga

nakahawak na ako sa tiyan ko dahil sumasakit na ito para bang kinakain na ng sikmura ko ang sarili kong tiyan kaya iniipit ko na ito para maibsan naman, langya naman wala bang bakanting upuan ayaw ko ng maghanap sa taas

nagulat ako ng hilahin ako ni ignorist at dalhin sa private room kaya nanlalaki at nagtataka ang mata kong tiningnan sya, may halong judgement na rin dahil bakit niya ako dadalhin dito sa private room na kamilang dalawa

may balak ba syang gawin sa kain? gosh I can't--

"Kung ano man yang iniisip mo stop that" niliitan ko ng mata ito at mas nagduda pa lalo sa kanya "I said stop" naiirita na niyang sabi sa akin

Hundred DaysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang