Chapter 21

1 0 0
                                    

"Nothing"

tumango ako sa sinabi niyang yun at pasimpleng kumain kunyare hindi ako tumingin sa kanya, napatingin ako sa bintana dahil naging ackward kaming dalawa, napatingin ako sa reflection ni Zen sa bintana hindi ganun kalinaw ang imahe niya dahil may liwalanag pa sa labas pero makikita mo pa rin naman sya

Ang galing mo talaga Kaile nakakahanap ka talaga ng paraan para makanakaw ng tingin

"You like it?"

Napalingon ako agad ng tanungin niya yun napatitig ako sa kinakain ko na hindi ko naman alam kung anong nginunguya ko

"Ye--yes masarap" ackward na ngiti ko dito "Ikaw ayo--" napatigil ako ng hawakan niya ang buhok ko

"May kanin sa buhok mo" he said at inayos ang buhok ko "Pano na punta yun dun?" Rinig kong bulong niya kaya natawa ako

"Iwan ko sayo ignorist kung ano anong nakikita mo"

"What? I just wondering" parang batang sabi niya dahil nakabusangot ito "Hindi ko rin kasi alam kong paano napunta sa buhok mo yung kanin"

Inilingan ko to at binigyan sya ng tubig na hindi ko alam kong bakit ko binigay sa kanya

"Sasakit lang ang ulo mo, pag inisip mo pa, nabobothered ka lang sa ganyan jusme"

Nagpatuloy na kami sa pagkain at minsan ay nagtataka ako sa biglang pagiging maingay ni ignorist pero kinatutuwa ko naman, minsan kasi ay may part na nag eexplain sya at talagang gustong gusto ko yun dahil parang naiinlove ako sa kanya

Gusto ko ngang tumunganga lang sa harap niya pero buti na lang at napipigilan ko pa at baka mahalata talagang may gusto ako sa kanya

"Magkanong hati ko?" Tanong ko kay ignorist ng makatapos kaming kumain "Ayy ito 500 sayo na yan lang yung pera ko yan lang maambag ko okay?"

Inismidan ako nito na kinagulat ko "aba attitude ka pa bigla, ikaw humila sa akin dito tas nagsusungitan mo ko" di mapigilan kong sambit dito na kinatawa niya

Nasisiraan na seguro, dahil biglang naging libre niya

"Hindi, ako na magbabayad nun yung ambag mo na lang e yung sinabayan mo kung kumain" he said at pinat ang ulo ko

Kinagulat ko ang biglang pagpat ni ignorist sa ulo ko at kinatigil ko iyon, nag mabalik ako sa sarili e nagbabayad na si ignorist at nakatingin ito sa akin

"May gagawin ka pa?" He ask na bigla kong umiling na reflex lang ng katawan ko "Then let's go"

Sumunod lang din ako kay ignorist dahil nalulutang lang ako, bigla kasing nalulutang ang utak ko at kusa lang na gumagalaw ang mga binti ko namalayan ko na lang na nasa parking lot na pala kami ng resto

"Sandali" bigla kung awat ng pinagbuksan niya ako ng pinto "Saan tayo?" Pagtataray ko didto at napamiwang pa talaga

"Gagala tayo"

"At saan?"

"Somewhere"

"Abay kidnapping yan ahh"

"Wala namang force na nagaganap Eli at isa pa bakit kidnapping e hindi ka naman kid"

"Abay pilosopo pa talaga"

Tumawa ito at tinatampal ko ang braso niya dahil sa mga sagot niyang yun sa akin tumigil ito sa kakatawa na pinatatarayan ko na naman

"Sakay na, nangangawit na ako ohh" pagpapakyut niya sa akin

"Mahirap lang ako ignorist wala kang makukuha sa akin" pagsasabi ko habang pumapasok sa sasakyan niya

Umiling ito at tumawa pa talaga, the audacity my gosh "Pero willing namang pumasok" rinig kong sambit niya bago sinara ang pinto

Malamang papasok ako nagkakaparo paro na yung tiyan ko kakatingin mo sa--

Napatigil ako sa pagsasalita ng nakaikot na itong si ignorist at nakaupo na sa driver's seat

"Bakit ba palagi mong nalilimutang magseat belt" pagsesermon nito sa akin at humarap sa akin at inabot abg seat belt na nasa kaliwang gilid ko

Dios ko napakalapit naman ng muka nitong lalaking to sa akin, mukang sasabog na tong puso ko sa lapit niya

"Next time--" tumigil ito sa sasabihin niya at umayos ng upo sya naman ang nagseat belt na kinatitig ko sa kanya

"Anong next time?"

"Wala ako na lang palang gagawa"

Tumango ako kahit hindi ko naman yun nagets di ko kasi alam kung anong tinutukoy niya, mahirap ng pilitin may mood swing pa sa akin tong si ignorist

hindi rin naman ganun kalayo ang tinakbo namin around the area lang naman ang pinuntahan namin, napakunot ang noo ko ng matanto kong nasa Park kami, yung park kung saan nagkaligaw ligaw ako at nagkita kami

"Anong ginagawa natin dito?" I ask him pero heto na naman itong si ignorist at nagsisimula na naman akong hindi pansinin "Hoyy ano? hindi mo na naman ako papansin? trip mo ba talaga yan ahh o pinagtitripan mo lang ako--" napahinto ako sa sinasabi ko ng umupo ito sa isang lilim

"Ikaw?" tumingin ako dito at umupo naman na ako sa tabi niya "Trip mo lang bang mag ingay o sakit mo na talaga yan-- Aray HAHAHAHA" nahampas ko ito sa sinabi niyang yun

natigilan ako ng tumawa ito, ngayon naisip ko tuloy na we change hindi na kami tulad nong una naming pagkikita naging mas close na kami hindi ko nga alam kong talagang close na kami pero nagkakaroon na kami ng mga ganitong bagay dalawa, na kami lang dalawa ang magkasama na hindi na kami ackward tulad ng dati na parang mas lalo akong nahuhulog

wait teka pano napunta sa ganun ang iniisip ko? I admint na gusto ko sya pero--

"Ba--bakit?" taka kong tanong nang mahuli ko syang nakatitig sa akin bigla tuloy akong kinabahan lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa titig niyang yun "Ano ba yun ignorist?" kunyari na iinis kong sabi dito pero talagang kinakabahan na ako sa tingin niya sa akin

"Wala, nagtataka lang ako sayo"

"Bakit?"

"You're my Luna"

napatanga ako sa sinabi niyang yun dahil hindi ko alam kong anong sasabihin at kung bakit niya yun sinabi sa akin, pinipilit kong may magproseso sa utak ko pero natatakpan ito ng kabog ng puso

"Ha?" naisambit ko na lamang dahil sa bilis ng tibok puso ko pareho kaming nakatitig lang sa isa't isa inaantay na may sabihin sya kinabahan ako bigla ng bumaksak ang emosyon ng muka niya

"Nothing, akala ko alam mo yun" mas naguluhan ako sa mga pinagsasabi niya "It's a book title, You're my Luna.. sikat yun dati so I thought alam mo yun" simpleng explain niya sa akin na kinalamya ng katawaan ko

"Ahhh, hindi ko pa ata na basa yun"

Iwan ko ba kung bakit parang biglang nawalan ako ng gana, hindi kasi ata yun ang sagot na gusto kung marinig kay ignorist, dahil sa sinabi niyang yun e biglang humupa ang puso kong nagwawala kanina

Biglang tumahimik kaming dalawa pagkatapos nung sinabi ko, nakatingin lang kami pareho sa magandang tanwin sa park nato, kaya naging dahilan iyon para magmasin ako sa paligid upang maibsan ang kaba sa puso ko at hindi ituon ang pansin kay ignorist

Napansin kong nakapwesto pala kami sa parte ng park na madalas kong tambayan noong bata pa ako may iilang parte na nag iba pero maaalala ko parin ang lugar dahil sa mga hindi naiibang bagay, napangiti ako bigla ng malala kong nagcucutting ako para tumambay lang dito

"I thought you remember"

Agad akong napalingon kay ignorist ng bumulong sya nun pero narinig ko naman dahil magkatabi lang naman kami, nakatingin ako dito at nakatitig lang din sya sa akin

Hundred DaysHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin