Chapter 26

3 0 0
                                    

"Do your best" napalingon ako sa nagsalita at si Zen pala iyon ngumiti ako dito at umalis din ito dahil may tumawag sa kanya

"Do your best" pag uulit ko sa sinabi niya na kinakilig ko naman "Abay gago may pa ganun, ano kayang nakain nun?" Bulong ko at pumuwesto na

Nakaupo na ang guest at napaka romantic kahit tanggaling tapat e maganda ang view dito kaya bagay na bagay talaga sila, panay ang take pictures ko dahil ang photogenic kasi nila

Mayaman nga naman, mayaman moments

"I said no need for this pero thank you" sambit ng babae kay sir guest

Maganda ang ngiti ni ma'am na pagnagkataong may gusto si Zen dito e talagang walang wala talaga ang isang tulad kong hindi man lang manalo kahit iligo ng ilang beses

"No, aalis ka na later kaya naman naisip kong dalhin ka dito"

Napatigil ako sa sinabing iyon ni sir, matutunugan mo bilang isang taong alam na may gusto si sir dito kay ma'am na malungkot ito pero nagbibigay pa rin ito ng matamis na ngiti

"I hope you enjoy" sir said habang nakangiti kay maam "Mamayang gabi sana tayo kakain para maganda yung city pero--" tumigil si sir sa pagsasalita at lumunok

Nagbabara ata ang lalamunan dahil mukang iiyak itong si sir, luminga ako sa paligid at ako lang pala ang nakakakita at nakakarinig nito, malayo naman ako kaya naman hindi sila maiilang

"Rafael, maganda naman kahit may liwanag pa" mahinhin na sambit ni maam kay sir "Alam ko namang mamimiss mo ko bestfriend" sambit ni maam at tumingin sa palikid

Nakain ko ang sariling labi ng sabihin ni maam iyon kay sir gusto kong magpagitna at itigil ang mga pangyayaring to pero baka malintikan naman ako

"Ahem.. of course" ngumiti ng pilit si sir at alam ko yun "Kaya sinusulit ko na tong araw nato, bakit ba kasi biglaan?" Mahinang sabi ni sir pero rinig ko naman bilang isang chismosa

"Late ko na nasabi sayo, pero matagal na talagang plano to"

Casual na nag uusap sila ulit kaya naman nabalik ako sa pagkuha ng picture para naman may mabigay ako kay ignorist paghiningan niya ako

"How's the food?" Sir Rafael ask ma'am ng matahimik silang dalawa

"Good, now I know why Viniel's Resto e maraming kumain" fancy na sabi ni maam na kinaproud ko naman bilang nagtatrabaho

Sana naman wag ng umamin si sir kay maam mukang ako ang masasaktan kay sir kapagnagkataon--

"Ohh my.. Rafael I need to go na, malapit na ang flight ko--"

"Later, Can you stay Sandra?"

Umatras ako ng maramdaman kong mukang nag iiba na ang awra ng paligid kaya naman umatras pa ako ng hindi talaga ako mapansin

"No Rafael, alam mo namang--"

"Pero--"

"Rafael? Pwede mo naman akong bisitahin sa New York"

Tumayo itong si sir at napatayo din itong si maam, kaya napatayo din ako sa kinauupuan ko, nadadala ako sa ng yayari jusme ganito pala kapagmayaman

"Sandra? You know I can't do that?"

"Why? Wala namang pumupigil sayo? We are friends kaya walang problema yun" naguguluhang sambit ni maam na kinailing ko "Right? Ano bang rason Rafael?"

Yung feelings niya ma'am yun yung pumipigil, pero baka magkahappy ending sila kapag umamin tong si sir Rafael parehong maganda at gwapo naman sila

Natahimik si sir at yumuko ito hinawak niya ang kamay ni maam at sya ring paghanda ko ng kamay ko kinunan ko ng litrato dahil this is it pansit

"Rafael? You're acting weird this days, ano bang problema?"

Tumingin si sir sa mata ni ma'am at naeexcite ako baka kapag umamin itong si sir e hindi na matuloy si maam sa New York

"Sandra?" Mahinang sambit ni sir pero sakto lang para marinig ni ma'am "Sana wag kang mabibigla?"

"Abay patrill pa tong si sir" mahina kong bulong at manay parin ang kuha ng litrato "Umamin ka na baka hindi pa yan matuloy si maam sa modeling niya dun" mahina kong bulong parin

"Rafael? Ayaw ko ng mga ganyang tuno mo" pagbabanta ni maam dito pero inilingan ito ni sir at may kunting pagtawa

"Please stay?" Tunog pagmamakaawa ito pero iwan ko ba kung bakit masakit itong pakinggan

"Rafael naman, I can't--"

"Why? Sandra I'm begging you"

"Rafael? What happen ba? May nangyari ba? Pwede kitang isama sa New York--"

"No, no no I don't wanna see--" tumigil itong si sir at hinawaka si maam sa balikat "Bakit ang manhid mo?" Mahinang sambit ni sir natatanaw kong namumuo ang luha nito "BAKIT ANG MANHID MO SANDRA? YOU'RE NOT BLIND YOU CAN SEE but why? WHY YOU CANNOT FEEL THAT-- that-- that I love you" nagbanggitin iyon ni sir ay sya ring pagtulo ng mga luha nito

Napatigil si maam Sandra at natulala lang sa harapan ni sir Rafael, ng mabalik ito sa sarili ay tinangal nito ang kamay ni sir sa balikat niya

"I know"

Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin iyon ni ma'am mukang happy ending nga to, maiiyak na rin sana ako kay sir buti na lang talaga alam ni ma'am

"You know--"

"Rafael? Hindi pwede alam mo yan, I know the fact that we're friends and I'm sorry" huling sabi ni maam at umalis ito

Naiwan si sir na nakatanga sa kawalan at ako na nakatitig kay maam na papaalis, nabalik ako kay sir at naglalakad ito papalapit sa dulo, naalarma ako bigla

"HALA SIR WAGGGGGG"

Mabilis ang pagkilos ko at hinila si sir papalayo doon, nagtataka itong tumingin sa akin

"Sandali naman sir pag usapan natin, alam kong masakit pero wag--"

"WHAT THE HELL" napalingon ako sa malakas na pagsigaw na yun, si Zen pala iyon "Kakaalis lang ni Sandra at nakapatong ka na agad Kaile?"

"Ha?" Napatingin ako kay sir na na sa ibaba ko pala "HALA, hindi yan yung naiisip mo Zen hinila ko si sir dahil tatalon sya sa--"

"Tatalon?" Sir Rafael ask ng makatayo na iyo "Akala mo tatalon ako?" Seryoso nitong sambit sa akin

Napalunok ako ng titigan ito "Opo" mahina kong sagot dito, para syang si ignorist kasi

magkaibigan nga buti na lang sanay ako kay ignorist

"I will not, titingnan ko lang sana si Sandra—Ngayon na udlot na tuloy"

Nakain ko ang mga labi dahin nag iba ang awra at attitude ni sir Rafael, kung kanina e lover boy na romantic ngayon e parang walang pake

"Rafael, Kaile's just concerned--"

"Mauna nako Zen.. Hmm isa pa" tumigil ito sa paglalakad at humarap kay Zen "Hindi mo naman ugaling makialam" nag iwan si sir ng nakakalokong ngiti kay Zen na di ko na gets

Naiwan kami ni ignorist at nagtataka parin ako sa mga ng yari kaya tumingain ako kay ignorist na nakatakip ng muka

"Hoyy!? Okay ka lang? Nong yari say--"

Pinigilan ni Zen ang kamay kong yumuyugyog sa braso niya, tumingin ito sa akin saglit at bigla itong naupo at nagtago, napaguhit ang taka sa utak ko ng gawin niya yun

"Hoyy anong problema mo? Nabaliw ka na ba?" Umiling ito na kinangiti ko para kasi itong bata nakatago sa dalawang tuhod niya, nasulyapan ko ang tinga nito at namumula ito "Nahihiya ka ba?" Nakangiti kong sambit dito

"NOOO" malakas nitong sigaw pero nakatago naman kaya natawa ako sa pinaggagawa niya

"Hindi raw pero nagtatago, iwan ko sayo ignorist"

Hundred DaysWhere stories live. Discover now