Chapter 30

4 0 0
                                    

"Zen, curious lang sorry if makikialam ako" pag oopen ko ng nasa kotse na kaming dalawa "Bakit tita ang tawag mo sa mommy ninyo ni maam Zella?"

Tumingin sa akin si Zen at gulat ito balak ko na sanang sabihing wag na lang magshare kong hindi niya kaya pero kumalma naman ang muka nito

"She's not my mom, second wife sya ng daddy ko kaya naman hindi ko sya tinatawag na mommy"

"Ayy LQ kayo?" Hindi mapigil na comment ko dito na tinawanan naman niya

"Hindi naman simula dati tita na talaga ang tawag ko sa kanya, cause no one can replace my mom"

Napatahimik ako sa sinabi niyang yun dahil parang mali atang nagtatanong ako ackward na tuloy kami

"Nandito na naman tayo sa usapang to, then I will share my life to you" Zen said na kinasakit ng puso ko bigla

"Kung hindi mo trip magshare wag ka ng magshare"

"Of course not, magiging asawa na kita bukas kaya naman dapat alam mo to"

Pinandilatan ko to ng mata dahil sa pinagsasabi nito sa akin, natawa naman ito sa akin na gusto ko tuloy ito batukan

"Hindi minamadali ang kasal Zen" seryoso kong sabi dito na kinatigil niya sa pagtawa

"Of course I know, it just--"

"Just?"

"Nothing, I can't wait to marry you" simple niya lang na sabi sa akin na kinatahimik ko

Hindi ko alam kong bakit may bumabagabag sa akin hindi sa ayaw kong e kasal kay Zen agad agad pero may kung ano sa loob kong, sumasang ayon sa planong bukas ang kasal

"Sa condo tayo?" Napatingin ako kay Zen na nasa daan ang tingin "They said bawal maglalabas ang e kakasal at--"

"Mapapahamak? Naniniwala ka pala sa mga kasabihan?"

"Of course wala namang mawawala kong susundin natin, and besides ayoko rin namang may mangyaring masama sayo-- satin"

"Okay pero tatawag muna ako kay ate kanina pa ako wala sa amin at baka hanapin ako nun"

"Go on, take your time"

Nabibilisan ako sa mga ng yayari para bang forward ng forward tong buhay ko, ang bilis kasi ng mga pangyayari at andito na ako bigla sa condo ni Zen

Magkaharap kami at nagkukwentuhan patungol sa buhay buhay naming dalawa, getting to know kungbaga pero bukas ang kasal

"Ayon na nga, hindi ko rin alam kong bakit ko naisip na kunin yong perang pang nursing nga ate ko at magpakalayo layo" natatawa kong sambit "Kung hindi ko seguro kinuha yun di sana hindi ako umutang kay bossing at magkaproblema ng ganito"

"It's okay, nagkakamali naman talaga tayo why look at it in the bright side" inismidan ko to sa sinabi niyang yun

"Bright ka jan, ang dilim nga" sarkastiko kong sabi dito

"Kung hindi kaumutang hindi ka magtatrabaho sa resto ng ate ko and hindi tayo magkikita muli"

"Cringe pero may point" tumango tango ako dito "E ito? Bakit binigay mo sa akin to?" Bigla kong tanong at inangat ang braso para ipakita dito ang bracelet na binigay niya

"That? I always--"

Napatigil ako ng biglang nagfafade ang boses ni Zen, pinipilit kong marinig ang sinasabi niya pero pahina ng pahina ito parang nawawala ng dahan dahan

Hindi ko sya marinig

"Zen? hindi kita marinig" pagreklamo ko baka sinasadya niya lang na hinaan ang boses niya

Napatigil ako ulit ng ang mata ko na naman ang unti unting lumalabo, hindi ko alam kong ano ang nangyayari, lumalabo ang lahat natatakot ako bigla dahil may liwanag akong nakikita

Mamatay na ba ako? Lord wag muna ikakasal pa ako

Nawala ang ka ba ko ng biglang luminaw ang paningin ko, seguro dala lang to ng pagpupuyat ko kaya biglang nagkaganun ang katawan ko

Agad ding bumalik ang kaba ko ng makita ko ang puting kisami, mukang nasa ospital ata ako, nahimatay seguro ako kaya ako nandito pinakaba ko pa si Zen

"Anak?" nagitlag ako ng umiiyak si mama na tinitingnan ako, nanginginig pa ito hinahawakan ako "Kaila, tumawag ka ng doktor gising na ang kapatid mo, bilis" saktong sigaw ni mama kay ate na kinatigil niya sa pagtatype sa laptop niya

Napatanga ito sa akin at nangilid ang luha nito, nagtataka ko silang tiningnan dahil hindi ko alam kong bakit ganun ang reaksyon nila, kumaripas ng takpo si ate palabas agad napaupo naman si mama sa tabi ko

"May masakit ba sayo anak?" umiling lang ako dito dahil naguguluhan parin talaga ako

"8:50am the patient awake" agad na bungad ng doktor na kausap ang nurse nito "Hi, Miss Kaile any uncomfortable feeling?" umiling ako dito na tinangu naman niya "Naalala mo ba ang mga taong to pagtuturo niya kila mama at ate"

"Opo Doc, bakit?"

"Any last memory of yours?"

nagtataka akong napatingin kila mama wala lang silang imik kaya naman napatingin ako sa doktor, iniisip ko kong bakit nila ako tinatangong ng ganito parang e nahilo lang seguro ako--

Ahhh baka nabagok ako at inisip nila nagkamemory lost ako, talino mo Kaile

"Doc, maayos po yung memory ko wala pong mali" nakangiting sabi ko dito na nginitian niya rin lang "I remember so will Doc" proud kong sabi dito

"That's good, can you tell me you resent memory? Before the incident?" seryosong sabi nito sa akin na kinakaba ko dahil english

"Ahhhmm, Zen and I we're talking about something then biglang nagfafade yung boses ni Zen pagkatapos nun biglang lumabo yung paningin ko then andito na ako"

Napataka ako ng parang question mark ang mga muka nila parang iniisip yung sinasabi ko

"You didn't remember falling from a tree?" pagtatanong ni doc sa akin

"Puno? nasa kotse kami ni Zen nun pano ako mahuhulog sa-- awww" napatigil ako ng sumakit ang ulo ko

"Yan muna sa ngayon Misis pagpahingahin muna natin sya" sambit ng doktor nila mama at tinanguan lang din naman nila

"Ma? Ang weirdo ng mga tanong ng doktor" pagrereklamo ko sa kanila "Anong oras daw dadalaw si Zen Ma?"

Nagtinginan sila ni ate at umiling si ate dito kay naman ngumiti si mama "Magpahinga ka muna para may lakas ka mamaya" nagduda ako bigla sa mga kilos nila

"Kakagising mo lang Kaile, kaylangan mo pa ng rest para mamaya" nangingilid luhang sabi ni ate sa aki

Hindi na ako nakipagtalo sa kanila dahil baka guniguni ko lang tong nafefeel ko sa kanila, nadadala lang seguro ng pagtataka ko sa kanila, dinalaw na rin naman ako ng antok kaya napagdesisyonan kong matulog na lang

Hundred DaysOnde histórias criam vida. Descubra agora