Chapter 25

2 0 0
                                    

"Salamat sa paghatid, ingat ka"

"As always, Good night" simpleng sambi niya, kumaway muna ito bago umalis nakatunganga muna ako doon bago ako tuluyang pumasok

Nalulutang ako habang naglalakad sa inuupahang kwarto namin, hindi ko na napansin na nakabihis na pala ako sa kalutangan ko

"Ang bilis naman ng pangyayari" mahina kong bulong at pumunta sa kusina para uminom ng tubig

Napalinga ako sa paligid ng hindi ko mahagilap ang presensya ni Ate Kaila, ni kahit anino nito e hindi ko makita napagpasyahan kong pumunta sa kwarto niya at baka may ginagawa nakalimutan ko kasing sabihin nakauwi na ako

"Nakauwi ka na pala" saktong pagpasok ni ate sa main door ang syang pagpapalapit ko sa kwarto niya "Kumain ka na ba? Bumili lang ako ng ready made na ulam" dagdag nito at inaalis sa plastik ang binili niya

"Ayy tapos nako salamat"

"Nagkasya yung 500 sa buong araw mong paggagala?"

"FYI ate hindi naman ako gastador kaya nagkasya yun" hindi nakatingin na sabi dito at naupo sa sofa, bigla akong tinamaan ng pagud at tumayo para mapunta sa kwarto "Matutulog na ata ako, kaya hindi na kita masasabayan sa pagkain, bye good night"

"Sige, good night" rinig kong pabahabol ni ate ng papasok na ako sa kwarto ko

Agad naman akong sumalampak sa kama at parang na lowbat ang katawan ko ng nakadapa akong nahiga sa kama, wala naman akong masyadong pinagpupunta at napagud ako ng ganun

Sino ba naman ang hindi mapapagud pagganun mga pangyayari ang mangyari sayo?

Bigla ako natahimik dahil sa sibat ng utak ko ng maalala ang napaka bilis na pagyayari kanina, sinong mag aakalang dahil sa simpleng pagkain ng tanghalian namin ni Zen e mauuwi sa biglaang halik at paghatid niya

"Ahhhh iwan ko matutulog na lang ako kaysa mabaliw ako sa kakaisip" panggugulo ko sa buhok ko at umayos ng higa dahil may trabaho pa pala ako bukas

Hindi ko agad na alalang magiging busy kami bukas dahil bukas na gaganapin yung event na pinaano sa resto kaya kaylangan productive kami ngayon

"You my kiss the bride" - Praise

Ring ring ring ring*

"Ano ba yan ang aga naman"

Ring ring*

Kinapa ko ang cellphone ko sa taasan ng unan, papikit pikit pa akong sinagot ito walang basa basa na ng pangalan at sinagot agad ito

"WHERE THE HELL ARE YOU?"

"AYY HELL"

Agad kong nilayo ang cellphone sa tinga at tiningnan ang tunatawa si ignorist pala ang tumatawag sa akin

"Do you know how busy we are right now?" Matutunugan mong nagagalit sya dahil sa diin na pagkakasabi niya "Asan ka ba at wala ka pa dito?"

Hindi ako makasalita dahil kakagising ko pa lang baka mas lalong tumaas ang init ng ulo niya pagnalaman niyang kakagising ko lang at kasalanan niya naman iyon

"Ahh-- pa--pa--papunta na"

"Papunta-- wait, kakagising mo lang ba Kaile?" Napasapo ako ng bibig ng sabihin niya yun agad ako bumangon at nagsimulang magtoothbrush "Abay may plano ka bang pumasok at ng malaman ko, sinasayang mo ang oras Kaile"

"Sorry sorry papunta na"

"You better be or mawawalan ka ng trabaho Kaile" napalaki ang mata ko at nilapag ang cellphone para makapagbihis

Hundred DaysWhere stories live. Discover now