SEVEN

1K 19 0
                                    

Sumakay kami sa isang jet ski

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sumakay kami sa isang jet ski. Havoc ang pangalan ng lalaki na nasa harapan ko. Talagang ayaw niyang humawak lang ako sa balikat niya at talagang pinilit niya akong humawak sa kaniyang beywang. Ramdam na ramdam ko tuloy ang magandang pangangatawan ni Havoc. Ang tigas-tigas ng kaniyang tiyan, parang yung kay Duke lang.

Kahit na may magandang katawan ang lalaki ay wala parin itong epekto katulad ng nararamdaman ko kay Duke sa tuwing nagdidikit ang balat naming dalawa.

Talagang may ibang dalang pakiramdam sa akin si Duke. Siguro ay yun din ang isa sa mga dahilan kung bakit malakas ang loob kong akit-akitin siya.

Tumatawa si Havoc sa akin dahil panay ang pagtili ko habang pilit tinataas ang isa kong kamay pero hindi ko talaga magawa yun dahil baka mahulog naman ako sa dagat.

"We're here" sabi sa akin ni Havoc nang huminto na ang jet ski. May grupo pa ng mga lalaki at tatlong babae doon.

Nang bumaba nga kami ni Havoc doon ay sa akin na agad nakapukol ang mapanghusga nilang mga mata. Alam ko naman ang mga tumatakbo sa utak nila sa mga tingin yun. Proud parin akong sumampa sa deck doon.

Kapag nakita lang ako ni mama ay paniguradong ilang sabunot nanaman ang magagawa niya sa akin dahil sa basta-basta ko na lamang na pagsama kay Havoc.

Mukha naman kasing hindi ako basta-basta nalang papainumin ng dr*ga ng lalaki. Hindi naman siguro ako mauuwi sa loob ng isang sako.

Masyado talaga akong nagtitiwala kapag pangmayamang bagay na ang pinag-uusapan.

Ang sabi nga ni mama sa akin ay madali raw akong mauto kapag nasisilaw na ako sa mamahaling bagay.

Lumibot ang tingin ko doon at may kalakihan ang yateng yun. May puting kama doon at yung mga sun lounger. Naroon nga ang mga iba pang kaibigan ni Havoc. Ang iba kasi ay nanatili pa sa isla samantalang nauna na nga kami ni Havoc sa yate.

"Ang ganda dito" bahagyang ginulo ni Havoc ang aking buhok nang marinig niya ang bulong kong yun.

"Who is she?" mataray na lapit sa amin ng isang babae. Samantalang ang iba naman doon ay kuryosong naghihintay sa sasabihin ni Havoc.

Umakbay ang kamay ni Havoc sa aking balikat saka niya pa ipinatong ang kaniyang kamay sa aking ulo. "She's Maurice, isn't sh pretty?"

Sumimangot ang mukha ng babae. "Women are all pretty for you, Havoc. Kahit yata nakapaldang poste ay papatulan mo" saka pa humagod ang kaniyang tingin sa aking kabuuan.

Lantaran ang panghuhusgang yun ng babae na otomatiko kong tinaasan ng kilay. Mukhang hindi naman yun inasahan ng babae.

"So, pinatulan ka na din niya?" diretsahan kong tanong sa kaniya.

Bumuka ang kaniyang labi sa sinabi ko. Mukhang mas hindi inasahan yun ng babae.

"How dare you—" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang akbayan ito ng isang lalaki.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now