THIRTY NINE

556 18 4
                                    

"Mr. Herrera, ano ba!" Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin nang marating namin ang parking lot, naroon nakaparada ang kaniyang mamahaling sasakyan na tila hindi pasok sa mga ibang sasakyan doon.

He opened the passenger seat for me.

"We will just talk. Get inside"

"Ayoko" matigas kong sinabi. Hindi ba ito hinahanap ng asawa nito?! Inis akong bumaling sa kaniya. "Wala tayong dapat pag-usapan, Mr. Herrera" saka ako lumingalinga, takot na may makakita sa amin.

Kailangan ko pang magtungo sa eskwelahan para magpasa ng mga activities ko. Ayoko na ulit mahuli sa pagpapasa kaya nga kailangan kong bumalik sa office ni Mayor upang magpaalam na. Bigla-bigla na lamang kasing nanghihila ang isang ito.

"Get inside, Maurice. Huwag mong hintaying kargahin pa kita para maipasok lang sa kotse ko. And don't fcking call me by my surname. That's now how you used to call me"

Ano bang gusto niya?! Tawagin ko siyang Duke na akala mo walang nangyari sa amin at hindi lumipas ang ilang taon?! I am not mad at him. Wala akong sakit ng loob sa kaniya dahil tinanggap ko na ang nangyari sa amin noon. Masaya pa nga ako sa kaniya na maayos na siya at wala ang malaking tukso sa buhay niya, ako.

Anong ginagawa niya ngayon? Ano pang pag-uusapan namin. Oo, I left him without even telling him how thankful I was for the things he have done but it is too late now to thank him!

"May pupuntahan pa ako" mahinahon kong sabi sa kaniya. Mabuti nalang talaga at humaba na ng pasensya ko ngayon kung hindi ay kanina ko pa siya nataboy ng malala.

He was still holding his car door.

"Ihahatid kita kung saan ka man pupunta"

"Mr—Duke, hindi na nga" pinigilan kong tawagin siya sa kaniyang apelyido nang tumingin siya sa akin nang nagbabanta. Binigay ko nalang ang gusto niya, ang tawagin siya sa pangalan niya. Pero hindi parin ako sasakay sa magara niyang kotse.

"Ayoko nga. Isa pa, kailangan ko munang magpaalam kay Mr. De Leon at sabihing aalis na ako. May naiwan akong trabaho, Duke, baka nakakalimutan mo"

"You can just call him or send a message"

Umiling ako. Sinamaan ko muna siya ng tingin para magbanta. "Hinatayin mo ako dito. Magpapaalam lang ako"

Ang totoo ay wala parin akong balak na sumakay sa sasakyan niya. Gusto ko lang siyang pumirmi doon at hintayin ako. Bahala siya. Sinabi ko na kasing ayoko. Isa pa'y baka may makakita pa sa amin at kung ano pa ang maisip. Ayoko na ulit sumira ng isang pamilya. May bata nang madadamay. Isa pa ay sinarado ko na ang sarili ko sa panlalandi.

"Hintayin mo nalang ako dito, babalik ako" I lied. I didn't have any intention of going back to him again after telling the Mayor that I will leave for school now. Bahala talaga siyang maghintay.

"Fine" pero seryoso siyang nakatingin sa akin. Tila binabasa ang mata ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at tumalikod na.

I went up to the Mayor's office again. Naroon na si Jaydee nang makarating ako at may pinag-uusapan silang dalawa ng Mayor tungkol sa pageant na darating. Ang alam ko ay sa susunod na buwan naman ay ang renovation ng palengke, yong malapit sa amin. Kailangan raw kasing palitan ng bricks ang sahig dahil marami na ang nadisgrasya sa madulas na sahig. Ang harapang parte naman ay kailangan ding ipaayos para gumanda.

"Aalis ka na?" Tanong sa akin ni Jaydee. Ito talaga, kung magtanong akala mo wala doon ang mayor, palibhasa tito nito ang matanda.

"May pasok ka pala, ija?" Si mayor na halata din sa mga mata ang pagod. May inaasikaso kasi sila ukol sa mga pampasadang jeep at modernong jeep. Madalas kasi ang pagwewelga ng mga jeepney driver sa pagphase out ng lumang jeepney.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now