EIGHT

1.2K 21 0
                                    

Hindi maalis-alis ang ngisi ko habang nakatingin ako kay Duke

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.


Hindi maalis-alis ang ngisi ko habang nakatingin ako kay Duke. Nasa may itaas na bahagi na kami ngayon ng yateng sinasakyan namin at nakapalibot na kaming lahat doon.

Madali lang maka-close ang mga kaibigan ni Havoc, maliban nga lang kay Seraphina na talagang kanina pa ako tinataasan ng kaliwang kilay.

Si Duke naman ay talagang kanina pa lantad na nakatingin sa akin. Basang-basa ko ang inis sa bawat tingin niya sa akin.

Ang kamay ni Havoc ay kanina pa nasa balikat ko at halata sa kaniyang pisngi na nakainom na siya. Medyo namumula na kasi ang kaniyang pisngi habang ako naman ay hindi pa ganoon kalasing, paano ba naman kasi ay inaagaw nga ni Havoc ang bawat baso na nakalaan para sa akin.

Siguro yun din ang dahilan kung bakit kanina pa masama ang tingin ni Seraphina sa akin.

Ngayon ay napagpasyahan nga nilang maglaro ng truth or dare. Si Jack ang naturo kanina ng ulo ng bote at dare ang pinili nito. Inutusan itong magdive at tumalon mismo sa kinalalagyan namin. Nang bumalik si Jack ay saka lang ulit inikot ang bote.

Si Clain naman ngayon ang naturo at hinihintay namin ang pipiliin niya.

Bumulong sa akin si Havoc habang nagpapasya pa si Clain sa pipiliin niya. Napansin ko ang pagsulypa muli si Duke sa aming dalawa dahil nga doon.

"You're so beautiful, Maurice" ilang beses na ba niyang ibinulong yun sa akin.

"I prefer truth, ayokong pahalikan niyo nanaman sa akin si Havoc"

Sabay sabay kaming natawa doon, kasabay naman ang pagngiwi ni Havoc. Na-imagine ko tuloy ang dalawa na magkadikit ang labi kaya mas lalo akong natawa.

Si Denise ang nakaisip ng itatanong sa lalaki. "We should really cut the truth to this game" suhestiyon pa nito. "Okay, here is my question. Do you really like that old woman fron before?"

Sabay-sabay na napapalatak ang mga kasama ko doon habang si Duke ay napatawa, hindi naman ako maka-relate hanggang sa bulungan ako ni Havoc.

"May nagustuhan siyang tutor niya dati, nang nasa junior high pa kami"

Bumulong naman ako pabalik sa kaniya. "Matanda yung babae?"

Dumikit na ang labi ni Havoc sa gilid ng aking tainga. "She's not that really old, pero baka ngayon ay matanda na yun at may asawa na. Clain was still so crazy about her that he really hired a private investigator just to find her"

Masyado akong abala sa pakikinig sa kwento ni Havoc nang bigla na lamang tumili si Denise. Ang sunod ko na lamang na nakita ay ang paghalik ni Clain sa babae.

Mukhang tuluyang tinakasan ng katinuan si Denise habang halik-halik parin ni Clain ang labi nito. Ang iba naman naming kasama doon ay todo cheer pa sa dalawa, kasama na rin ang katabi ko.

Napaiwas ako ng tingin dahil nga may naaalala ako hanggang sa kusang dumako ang aking mata sa lalaking nasa bahagyang tapat ko, kay Duke.

Naroon ang kaseryosohan sa kaniyang mga mata at parang wala siyang pakialam sa nangyayari ngayon sa mga kaibigan nito.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt