TWENTY TWO

385 11 0
                                    

I was left there again, alone. Another movie was playing in the screen and I was just laying there. May nangyari ulit sa amin ni Duke at ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang bigyan siya ng dahilan na huwag umalis at iwan ako. I was starting to feel that heaviness in my chest again.

I was looking for something to validate my feelings, that I have the right to feel that but I couldn't find anything. That was the slap of truth in my face. I hated the idea that I could not even find my own right and worth. I am just Duke's mistress and I was the one who brought myself into this.

Patuloy sa pagpeplay ang palabas sa screen ng TV ni Duke. Nasa kwarto niya parin ako hinayaan niya akong magstay doon. He also brought our foods here, nasa may center table, sa tapat mismo ng sofa bed. May pizza doon na pinadeliver namin at bagong hiwang mga prutas. Kinuhanan niya rin ako kanina ng maiinom ko.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yun. It was him, telling me that he already arrived in their house.

Napairap ako sa kawalan nang pinaalala niyang huwag akong tatawag muna. Oo na, alam ko naman na oras nilang mag-asawa yun.

I came to think of it, Duke didn't go home for days. Sanay na ba talaga ang asawa niyang ganoon ang lalaki? Na hindi ito umuuwi madalas?

Inabot ko ang isang slice ng pizza doon at kumain, walang pakialam sa pinanonood.

I scrolled in my phone, looking for Loli's account. Napaupo ako ng maayos nang makita ang green na bilog doon. She's online and she just confirmed my friend request. I created a new account so I still had to looked for her account and added it. I did not use my real name on it but I put my picture as my display photo. Maybe that's the reason why she accepted me quickly. It was a selfie of me in my own room here at Duke's.

Bubuksan ko naman sana ang messenger account ko nang biglang magpop na ang video call doon. Si Loli. Nahinto muna ako at saka humanap ng plain na pader kahit na mahirap gawin 'yon dito dahil halatang mayayaman ang mga muwebles niya dito. Nang makita ang mga libro ni Duke ay doon ako nagtungo pagkatapos kong i-mute ang pinanonood ko.

I swiped it to answer the call. Agad na bumungad sa akin ang umiiyak na mukha ng aking ina.

"Ma!"

"Maurice! Walanghiya kang bata ka! Ilang araw na kaming nag-aalala sayo! Bakit ngayon mo lang naisipang tumawag! Ang sabi mo sa sulat ay tatawag ka! Nakailang police station na ako!" Suminghot ito. Dinig ko din ang alalang tono sa boses niya. Loli was also there, trying to see me. I smiled sadly. Malaki ang pagkakamali ko sa nagawa ko kina Mama. I didn't even say it personally. Hindi rin naman nila ako papayagan. Ayokong mawala ang nag-iisang tsansa ko noon dahil pinalagpas ko. Isa pa ay kilala ko si mama, hindi nababali ang desisyon niya. Masyado rin siyang takot pagdating sa pagitake ng risk.

Napansin ko ang malalim na mga mata ni mama, napansin ko din na halatang problemado talaga siya. Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang aking pag-iyak pero sawi ako. Sunod-sunod na kumawala ang mga luha sa aking mata at nakaramdam ng awa sa kanila.

I was so selfish and I know that. Aminado akong walang kwentang anak at sarili ko lang ang inisip ko nang sumama ako kay Duke sa Manila. Hindi ko naisip na mag-aalala sila sa akin. Isa pa ay masyado akong nasabik sa karangyaan na tinatamasa ko ngayon at nawala sila sa isipan ko. But it is not going to happen again. I won't forget about them and I will make it up t them.

"Sorry, Ma. Sorry talaga. Natanggap na ako sa school at magsisimula na sa pasukan. S-Sorry, Ma! Sorry k-kasi masyadong matigas ang ulo ko at sinunod ko lang ang gusto ko kahit na alam kong mag-aalala kayo sa akin" suminghot ako. "Sorry, M-ma. Babawii ako sa inyo. Huwag kayong mag-alala dahil maganda ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Mabait...Mabait ang mga taong tumutulong sa akin. Maganda ang eskwelahan na papasukan ko at sila ang bahala sa tuition fee. Alam niyo ba yung sinabi ko sa inyo na scholarship? Ganoon ang meron sa school na papasukan ko. May monthly allowance din ako na matatanggap at isa pa, may maganda akong tutluyan dito at...at magtatrabaho ako paa makapagbigay sa inyo''

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now