FOURTY TWO

613 28 3
                                    

Anong pinagsasabi niya?

Nasinungaling lang naman ako. Chad is just a friend, he's gay, and I love him as a friend. He calls his every girl friend with that endearment. Jaydee and Jigs are also my friends too. They're kind to me. Sila ang nalalapitan ko madalas kapag kailangan ko ng tulong pero hanggang doon lang yon.

Sinabi ko lang naman yon para tumigil siya. Hindi naman yon totoo. Huwag mong sabihing pinaniwalaan niya yon? Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Ang papatol ako sa tatlong lalaki pa talaga at pagsasabayin sila? Pagkatapos ay sasabihan niya din akong iwan ang tatlo at piliin siya? Kung ganoon gusto niya akong iwan sila para sa kaniya kung totoo man ang mga sinabi ko?

Hindi ba may asawa siya? May anak na sila ni Patricia nang umalis ako! Gusto nanaman ba niya akong maging kabit?

"Duke, a-anong sinasabi m-mo?" Umiling ako. Hindi ko mabanggit na kasinungalingan lang naman ang sinabi ko kanina dahil lumilipad ang isip ko sa gusto niyang mangyari. "Hindi na ako magiging kabit mo ulit!"

Kumunot ang noo niya. Natahimik siya kaya naman ang akala ko ay tinanggap niya ang pasya, ngunit umiling siya at napabuntong hininga. "I don't want you to do that. I want clean slate now. I want us without hiding"

"D-Duke" inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at bahagyang umurong palayo sa kaniya. Nagugulat ako sa mga lumalabas sa kaniyang bibig at parang ang hirap magsink in ng lahat sa akin.

"We don't have to hide now. I will never do that to you again. I only have two mistakes in life that I regret a lot"

I couldn't speak. I don't want to hear him say that he regret meeting me and making me his secret partner. That he regrets our forbidden love.

"I regret hiding our relationship and I regret letting you go that day"

Nanuyo ang lalamunan ko sa kaniyang sinabi. Ang distansya sa pagitan naming dalawa ay muli niyang kinain. Muling dumampi ang kaniyang balat sa akin. Humawak ang kaniyang kamay sa aking kamay, ngayon ay nakayukong nakatingin sa akin, nagmamakaawa.

"Make me your boyfriend and I'll tell it to the whole world this time, Maurice"

Gulantang ako. "Duke, ayoko ng maging kabit mo! May asawa ka na at may anak na kayo ngayon. Ayokong makasira ng—"

"I'm not married anymore. We got divorced in Maldives last year. And Leehan is not my son. He's with his father and they are stayin in the same hotel I'm staying in. They are with Patricia. She couldn't attend the grand opening of this resort because of her morning sickness. She's pregnant now with her second baby and the father is not me, Maurice" lumamlam ang kaniyang mga mata. "I'm single now"

Tunog nagmamayabang ang huli niyang sinabi. Ako naman ay naiwang nakabuka ang labi. Hindi makapaniwala sa narinig. Hindi siya ang ama? Hindi siya ang ama nung batang dinadala ni Patricia noon?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa kaniyang couch doon. Tulala naman akong nagpadala sa kaniya. Hawak niya parin ang aking kamay. Hawak niya yon na para bang mawawala ako ano mang minuto. Malamlam na ulit ang mga mata niya sa akin.

"Pero...pero akala ko ikaw ang tatay nung bata kaya...kaya ako umalis noon" gulong-gulo ako. Divorced na sila? Hindi siya ang ama nung bata? Buntis ulit si Patricia at may ibabang lalaki na itong kinakasama? He was also here.

I waited for his explanation. Hindi naman ako pinagdamutan ni Duke doon at agad na nagsalita.

"We got divorced in Maldives. We had the process and it took longer than I thought. When she told me that she was pregnant, I know I wasn't the father, Maurice. We never...we never got intimately close. I never had that kind of relationship with her. We only got married because we both thought it could us both. We decided to push it through because we thought it will both save us

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now