THIRTY EIGHT

461 22 5
                                    

Mabilis ang pagbaba ko ng aking sandals at pinilit kong isuot yon kahit na hirap na hirap akong maglakad patungo sa kanila. Gustuhin ko mang umakto na propesyonal sa trabaho ko, kahiya-hiya na ang unang impresyon nila sa akin.

Pinilit kong tatagan ang aking loob, iniiwas ko ang aking mga mata na muling dumapo sa lalaki. I can feel his deep stare at me. Parang gusto ko nalang tumakbo pauwi at magtago sa kwarto ko.

Tila nanlambot ang aking mga tuhod at nanginig. I was thankful that I still managed to walk towards them. Parang ilang hakbang nalang ay bibigay na ang mga tuhod ko.

I slightly lowered my head and greeted. Pasimple kong inayos ang aking buhok at piniling ngumiti sa tatlong naroon, ayaw dapuan ng tingin  ang lalaking nag-iisang nakaupo sa isang couch.

"Goodafternoon. Mr. De Leon is currently still in Manila right now. I'm here to assist you" hindi ko magawang magpatuloy sapagkat hindi naman ako sinabihan ni Jaydee ng sadya ni Duke dito! Why is he even here?! Dito pa talaga sa munisipyo?! Anong sadya niya?! Sht. Talaga bang totoo ang kasabihang small world?!

Nagwawala ang kalooban ko habang pinipilit ang sariling ngumiti sa kanila. Hindi ko nga magawang dapuan ng tingin ang lalaki.

"We're here for the grand opening of my resort. I want to invite Mr. De Leon for the grand opening. We also talked about the meeting about his land in Capas Tarlac, where the New Clark is located"

Si Duke ang nagsalita kaya wala akong nagawa kundi ang salubungin ang kaniyang tingin. He was still looking at me. Basang-basa ko ang kaseryosohan doon pero hindi tulad noon na hindi ako nakakaramdam ng kaba sa mga tingin niyang seryoso, ngayon ay nag-uumapaw ang takot ko. Hindi ko inasahan na maglalandas muli ang aming daan.

Tumango-tango ako. Mabilis kong iniwan muli ang aking tingin sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko na halos hindi na makita ng maayos ang naroon dahil sa basag basag na screen. Doon kasi nanonood ng cocomelon si Lili at lagi nalang nitong nahuhulog ang aparato.

"According to Jaydee, his other secretary. They're on their way here. Kanina ay sinabihan niya ako na palabas na sila ng Manila—"

Pinutol ako nung matandang lalaki na makapag pa yata ang buhok sa kamay keysa sa buhok sa ulo. "We went here because of the meeting. I even rescheduled my other meetings for today just for this. We can't wait here, Mr. Herrera"

Parang bolang crystal ang bumbunan niya.

I was about to say something when Duke spoke. "It's fine, Mr. Garcia. I was the one who went here and informing them late. Our supposedly meeting was scheduled next friday but I already went here"

I expected him to look at the man so I decided to look at him and study his features but to my surprise, he was looking at me. Parang ako yong kausap niya at sa akin siya nakatingin.

"We will wait" Duke told me, not breaking our eye contact.

Nag-iwas ako ng tingin at umubo, pilit inalis ang kabang namuo sa aking lalamunan. Hindi ko matagalan ng titig niya.

He's already married, right? Mayroon na din silang anak ni Patricia nang iwan ko sila noon. Three years had passed and their child is probably around two? Mukhang magkasing edad lang sila ng Lili ko.

Bakit ganito siya makatingin sa akin ngayon na parang inaakit ko parin siya. Dahil doon ay napatingin ako sa suot ko. Disente naman ang blusa ko, walang butones na naalis doon. Pantalon ang suot ko at hindi skirt. Ang sandals ko lang talaga ang problema na ngayon ay ipit na ipit parin ng paa ko para huwag lamang matanggal.

Nailang ako doon kaya naman umiwas nanaman ako ng tingin sa kaniya at napansin ang pananahimik ng tatlo.

Tila maamong tupa na din ang lalaking nagsalita kanina. Tila napakamakapangyarihan ng salita ni Duke. He's still the same man I met three years ago. Yong mayaman at kayang gawin ang lahat.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSWhere stories live. Discover now