TWELVE

1.2K 22 1
                                    

Basang-basa ako nang ulan pagkababa ko ng motorsiklo na sinakyan ko kanina patungo nga dito sa may lupang binili ni Duke

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Basang-basa ako nang ulan pagkababa ko ng motorsiklo na sinakyan ko kanina patungo nga dito sa may lupang binili ni Duke. Yung lugar kung saan naroon ang lawa at yung lugar kung saan kami gumawa ng makamundong bagay sa sasakyan niya.

"Sigurado akong wala siya dito" nanginginig kong sabi, hawak ko sa loob ng aking tiyan ang cellphone ko para hindi yun mabasa.

Nanakbo ako patungo sa bahay doon. Bigla akong binalot ng takot nang makita ang lumang-lumang bahay na yun. Naalala ko tuloy yung mga bahay na ginagamit nila sa mga horror movies, ganoon na ganoon ang bahay.

Umulan lalo ng malakas at ramdam ko na ngayon ang ginaw. Umihip pa ang hangin at mas lalo akong nanginig sa lamig. Kahit na takot ay mas pinili ko na lamang na pumasok nalang sa bahay.

Malaki ang loob nito, may mga gamit na natatakluban pa ng puting tela. May dalawang mahabang hagdan sa magkabilang gilid ng malawak na espayong yun ng bahay. Sa gitna naman ay naroon ang isang estatwa ng babaeng walang damit, kalahating parte nun ay natatakpan din ng puting tela pero kitang-kita ko ang magandang hubog ng kaniyang dibdib. Parang yung akin lang.

Mahilig ba si Duke sa mga ganoong dibdib? Napaisip tuloy ako.

Tiningnan ko ang cellphone ko na malapit nang mamatay. Mabilis ko yung iniligay sa Instagram at muli kong hinanap ang account ni Duke. Naroon parin yun at agad akong nag-type ng mensahe sa kaniya, ipinaaalam ko sa kaniya na naroon nga ako sa kaniyang bahay nang mga oras na yun.

Ginawa ko din yun sa kaniyang Facebook account na ilang araw ko pang hinanap-hanap. Pati doon ay nagpadala din ako ng mensahe. Hindi ko alam ang email address niya at alam ko namang masyado na akong magaling kung nahanap ko pati yun.

"Ano ba, huwag kang mamamatay!" Napasigaw ako sa inis nang magblack out na talaga ang screen nun. Yung inis ko umabot talaga sa langit at talagang kumulog ng malakas na sinamahan pa ng kidlat.

Kung hindi lang talaga mahalaga sa akin ang cellphone na yun ay talagang ibinato ko na yun sa pader dahil sa inis.

Tumayo ako at napapayuko pa dahil sa malalakas na kidlat at kulog. Hinila ko yung puting tela na nakabalot sa estatwa at ipinagpag yun. Ang alikabok.

Wala na akong oras mag-inarte dahil hindi ko naman magagawang umakyat sa itaas dahil natatakot ako sa multo. Isa pa ay doon nalang ako mananatili dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin doon.

Naglakad ako ng kaunti at pumasok sa may maliit na kwarto doon. Puno yun ng malalaking shelves at may kaunti pang mga libro doon na nalipasan na ng panahon.

Napahiyaw ako sa tuwa nang makita ang upuang kutson doon. May balot din yun ng puting tela at hindi kaunting pagpag lang ay nawala na ang alikabok doon. Mukhang naaalagaan parin ang bahay kahit papaano.

Papadilim na at ilang oras na akong nakahiga doon habang yakap-yakap ang sarili. Hindi parin dumadating si Duke at mukhang hindi niya nabasa ang mga mensahe ko. Ni hindi nga ako sigurado kung siya ba ang nagmamay-ari ng mga accounts na yun.

FORBIDDEN LOVE SERIES: THE MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon