Chapter 19: You're nice.

191K 6K 1.1K
                                    


Maaga ang lakad ni Ate Cass at siya ang maghahatid sa akin sa school kaya pati ako ay naobligang pumasok ng maaga. Keri na rin naman. Better na ang maging maaga kaysa malate.

Nang makarating ako sa school, tinext ko si Marga para sabihin na pumasok siya ng maaga. Kaya lang ang bruha, kakaligo palang pala. Thirty minutes pa naman ang byahe niya from school tapos kakain pa 'yun, mag-aayos, matratraffic and the list goes on. Solo flight na lang ulit ako.

Nagpunta ako sa likod ng school at tumambay. Umupo ako sa may damuhan at inilabas sa bag ko ang third book ng Percy Jackson series. Pang-ilang beses ko na ata binabasa ang kwento nila Percy pero hindi pa rin talaga ako nagsasawa. Ang cool lang kasi talaga. Sobrang adventure. Adventure kung adventure talaga. Isa pa, gusto ko ang loyalty at friendship nila Annabeth, Percy at Grover sa isa't isa.

Tapos na ako sa third chapter nang iceck ko ang wrist watch ko. Halos kalahating oras na rin akong nagbabasa at ilang minuto na rin lang ang natitira bago tumunog ang magwarning bell.

Ibinalik ko sa bag ang libro at paalis na sana nang may marinig akong umiiyak.

Oh. My. God.

Posible kayang may multo na akong kasama dito sa likod? Pero ang taas pa naman ng sikat ng araw. Nagpapakita ba sila kapag ganitong kaaga at ganitong kaliwanag?

Kahit natatakot ako, lumapit pa rin ako sa pinagmumulan ng tunog. Unti-unti akong sumilip sa likod ng isang puno. May nakaupo doon na babaeng maputi. Mahaba ang buhok at nakadukdok ang mukha sa tuhod.

Hindi ko na keri 'to. Natatakot na ako.

Dahan dahan akong naglakad palayo bago pa man humarap 'tong multo. Kaya lang may naapakan akong plastic cup kaya nakagawa ako ng ingay at napaangat ang ulo ng babae. Kung sino man ang nagtapon dito nitong cup, bwisit siya. Saka bawal magkalat sa campus ha. Kairita.

Tumingin ako sa may cup at saka ako tumingin sa babae na ngayon ay nakatingin sa akin. Si Aubrey.

Nanlaki ang mata niya at yumuko ulit.

"You?" tanong ko sa kaniya at lumapit ulit. "Thank goodness tao naman pala. Akala ko multo."

"What are you doing here? Go away," pagtataboy niya sa akin at suminghot singhot pa. Nakalimutan na niya ang poise niya. Buti naman at kaya pala niyang gawin 'yun.

 "Kung makapagpaalis ka feeling mo naman binili mo na 'yung lupang 'to. Feeling din."

Hinihintay kong sumagot siya kasi ayun ang paborito niyang gawin — ang kontrahin ang sinasabi ko. Kaya lang hindi siya nagsalita. Wala siyang sinabi. Nako, depress nga siguro 'to.

Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa tapat niya. Maybe she needs someone to talk to or someone who'll listen to her problem. Hindi kami close, ni hindi nga kami friend. Kaya lang hindi na rin naman masama na subukan siyang pakinggan.

"Bakit ka umii — "

"Alam mo, maswerte ka." Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita. Tumigil na siya sa pag-iyak pero nakayuko lang siya at pinaglalaruan ang dulo ng palda niya. "Nakita ko ang pagtrato sa 'yo ng mga kaibigan mo. Nakita ko kung gaano ka nila gustong protektahan at kung gaano kahalaga sa kanila na walang umaaway o nagmamaliit sa 'yo."

Tumawa siya ng mahina at nagpatuloy, "Kasi wala akong ganiyan e. Wala akong kaibigan. Siguro nga bossy ako. Siguro nga bitch ako. Kaya lang totoo naman ako sa mga nagiging kaibigan ko. Kahit binubully o nasasabihan ko sila ng hindi maganda minsan, totoo pa rin ako sa kanila. Kaya lang malas ako. Sobrang malas ko. Kasi 'yung mga taong akala ko totoo sa akin, niloloko lang naman pala ako. Akala ko kaibigan ko sila. Akala ko lang pala.

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon