Chapter 28: Soulmates

131K 5K 622
                                    


Remember noong sinabi ko na ibang story or case si Jaydee? I take it back. Hindi pala. Hindi ko alam kung anong milagro ang nangyari at nabalik na lang siya ulit sa grupo. Sumasabay na siya sa amin mag-lunch at minsan kapag dismissal din. Ang iba nga lang, hindi na niya ako iniinis. Hindi na kami masyadong nagpapansinan. It's fine with me. Kung saan siya masaya, then doon siya.

"Magkaaway ba kayo?" bulong sa akin ni Phoenix at saka tumango sa gawi ni Jaydee na ngayon ay nakikipagkwentuhan kay Aubrey.

"No?"

Sa pagkakatandan ko kasi wala naman akong ginawa para mag-away kami. Siya naman, bukod sa hindi na lang niya ako bigla pinansin at sinabihan niya ako ng kung anu-ano sa No Name, wala na rin siyang sinabi o ginawa.

"Kaya ba 'yan biglang nawala dati kasi magkaaway kayo?"

Kinurot ko siya sa tagiliran at napaaray siya pero tumatawa pa rin kaya tiningnan ko siya ng masama, "Hindi nga kasi sabi," bulong ko sa kaniya.

"Ano na ba talaga kayong dalawa?" Tatawa-tawang tanong ni Rocco.

"We're almost there," biro sa kaniya ni Phoenix at saka ako inakbayan.

Siniko ko naman siya pero hindi pa rin niya tinanggal ang pagkakaakbay sa akin.

"Kailan pa ba sila naging super close?"

"Si Aubrey at Jaydee ba? Saan nanggaling 'yang tanong mong 'yan?"

Bakit ba natanong tanong ko pa? As if it matters to me.

"Hindi ko rin alam pero nag-uusap naman sila dati pa, ha?"

"Ah."

"Selos," bulong ulit niya sa akin kaya agad akong napalingon sa kaniya dahilan para madikit 'yong bibig niya sa pisngi ko. Buti na lang sa pisngi lang.

"Hoy! Ano 'yan?! Bakit may nangyayaring kiss sa cheek?!" sigaw sa amin ni Marga kaya napatingin pati sila Rocco, Aubrey at Jaydee sa amin.

"Who? Who kissed who?" Gulat na tanong ni Aubrey.

"Itong si Phoenix kiniss si Ash sa pisngi."

"Aksidente lang naman 'yon!" depensa ko pero tawa lang ng tawa si Phoenix sa tabi ko. Hindi man lang ako tulungan ng isang 'to. "Hoy, ano ba. Mamaya mo na itawa 'yan."

"Hanep reaksyon ni Marga," halos hindi makahinga niyang sabi.

Napairap na lang ako at hinila siya palayo sa apat. I don't even know why I did that. Teka. Oo nga. Bakit ko ba hinila 'to kasama ko?

"Saan ba tayo pupunta?"

"Anong malay ko? Ikaw ang nanghihila sa akin. Hindi naman ako ang humihila sa 'yo."

Sa bandang huli ay bumagsak kaming dalawa sa kung saan kami unang nagkakilala. Sa may bleachers. Tulad din dati, walang masyadong tao dito pati na rin sa field since dismissal na.

"Memories."

"Yeah."

"Ash.."

"Hmm?"

"Siguro ikaw ang soulmate ko. Nagkakasundo tayo sa maraming bagay. Naiintindihan kita kahit minsan ayaw mong ipaintindi ang sarili mo. Nararamdaman ko 'yong gusto mong iparating kahit hindi ka man magsalita. Too bad hindi lahat ng soulmates nagkakatuluyan."

"Phoenix.."

"Pero alam mo kung ano ang maganda? 'Yon 'yong connection natin na kahit kailan hindi mabubura o maaagaw ng iba. Habambuhay ka ng kasama sa buhay ko, at ganoon din naman ako sa 'yo."

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon