Niyaya ako nila Ate Ayu sa No Name since may gig sila ngayon. Sumama naman ako at sinama ko na rin si Phoenix at Aubrey para ipakilala sa kanilang lahat. Hindi pa kasi namimeet nila Kuya Ken 'tong dalawa.
Niyaya ko rin si Marga pati si Rocco para sumama and para na rin pagkitain sila at pag-usapin kaya lang ay naunahan na nila ang plano ko. Nireject nila ang invitation ko kasi nag-meet sila ngayon para pag-usapan ang tungkol sa kanila. Ang tagal na nilang cool-off. Siguro naman enough na ang oras na 'yon para makapag-isip-isip sila. Sana lang mag-end up pa rin sila together. Bihira kasi ang taong may connection and I could see that sa kanila. They have that connection na kahit anong mangyari, magkatuluyan man sila or hindi, never nang mabubura.
Tinext ko na rin si Jaydee bilang konsiderasyon. Siguro huminto na nga siyang maging kaibigan ko pero ako, hindi ako huminto maging kaibigan niya.
Nasaan ka?
Nagbattle pa ang thumb at utak ko kung pipindutin ko ba ang send button pero nanalo ang thumb ko at ayon, message sent.
Kinontra ko na ang utak ko at binabaan ko na ang pride ko pero hindi man lang siya nagreply. Anong klase 'yon?! Nakakairita na talaga siya.
"Ate Sab," tawag ko sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko.
"Yo, Ash."
"Pwedeng makitext?"
"Yeah, sure." Inabot niya ang phone niya sa akin at dinaldal na si Aubrey at Phoenix.
Where are youuuu?!
Ginawa ko pa ang text format ni Ate Sab na dinadamihan ang last letter. Siguro hindi naman 'to magdududa na ako ang nagtext.
Wala pang isang minuto nang magreply si Jaydee. Kumukulo ang dugo ko sa sobrang inis. So ako lang talaga ang hindi niya nirereplyan, ano? Wow, Jaydee. Really. Wow!
Now he reached the limit. I'm more than pissed.
Kukumprontahin ko na talaga siya. Hindi ko na maintindihan kung anong dinadrama nito sa buhay. Bwisit talaga siya.
Punta ka sa No Name. Pleaseeee?
Just seconds later, he replied, Fine.
Hindi ako mapakali sa inis. Panay tingin din ako sa may pinto at hinihintay kung darating na ba siya o ano. Parang ngayon, nakatitig ako sa pinto nang may kumalabit sa akin, "Are you okay?" tanong ni Phoenix.
"Yeah. Yeah. Bakit naman hindi magiging okay? Ikaw, okay ka lang?"
"Yeah. Ang bait nilang lahat."
"Well, mana sila sa akin. Ano pa nga ba?"
Inipit ako ni Phoenix sa braso niya at saka ginulo ng ginulo ang buhok ko. Pinalo palo ko siya kaya lang no match ang lakas ko sa lakas niya. Binitawan din naman niya ako shortly after that.
"Kuha lang kita ng juice. Ubos na 'yang sa 'yo," offer niya at kinuha ang baso ko.
"Thank you," I smiled at him.
Ang nice talaga nitong si Phoenix. Sobrang swerte ko to have him as my friend.
Friend..
Oh. Yeah. Suitor ko nga pala siya. Magulo. Ewan ko.
"Uy! Jaydee!" sigaw ni Aubrey at tinanguan 'yong nasa likod ko. "Good to see you again. I thought never ka na magpapakita, ha."
"I'm just pretty busy lately."
"With what?"
"With.. things? Sige, puntahan ko lang si Sab."
Nilagpasan niya lang ako kaya napatingin sa akin si Aubrey at nagtaas ng kilay. Alam ko na 'yong tingin na 'yon. Para siyang nagtatanong kung anong problema ni Jaydee, anong problema ko, anong problema namin.
Nagkibit balikat ako bilang sagot kasi hindi ko alam kung ano ang problema ni Jaydee, wala akong problema at wala kaming problemang dalawa. Siya lang talaga ang may diperensya.
"Drake!" Masayang bati ni Ate Sab kay Jaydee at saka 'yon niyakap.
"Bakit mo ko pinapunta dito?"
"Ha? Sinasabi mo?"
"You texted me. You asked me to – "
"Hindi kaya. Asa pa 'to."
"You did. I have proof, you know."
Inilabas ni Jaydee ang phone niya at bago niya 'yon mapakita kay Ate Sab ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinila si Jaydee sa collar ng polo shirt niya na nagpagulat sa kaniya kaya hindi na siya nakapalag.
Nang makalabas na kami at mabitawan ko na siya at lumingon siya sa akin at halatang iritang irita.
"What the hell is your problem?"
"Ko? Problema ko? Anong problema mo?! Kasi ako wala akong problema. Ikaw halatang meron! Tell me, Jaydee. Iniiwasan mo ba ako?" Hindi siya sumagot kaya napailing ako, "Why would you state the obvious nga naman? O sige, ganito na lang, bakit mo ako iniiwasan?"
Same reaction. Hindi niya ako sinagot. Hindi siya nagsalita.
Sa sobrang frustration ay napaupo na lang ako sa may bato.
"Do you remember this place?" Napatingala at napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. Finally! Finally nagsalita siya. "This is the exact place where you asked Phoenix to be your boyfriend months ago. Funny, isn't it? Seems like time flies. And time does some tricks which turn things the other way around."
Ano? Anong sinasabi nito? Hindi ko na naiintindihan.
"Time favors you, Ash. You're lucky, huh. Ayan na. Nakuha mo na ang hinihingi mo simula pa lang. Natagalan lang at nagpaikot-ikot pero nakuha mo pa rin. You want him to be your boyfriend, right? There! He's asking you to be his girl. He's courting you and he's doing everything just to hear your 'yes'. That's what the both of you want so why don't you just give it to him? Ngayon ka pa ba mahihirapan? After all this time? Nagpapakipot ka pa ba?"
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta bigla ko na lang siyang sinampal. Ewan ko. Gulong gulo ako. Wala na akong maintindihan noon mas pinagulo pa ngayon.
Nakakaoffend ang sinabi sa akin ni Jaydee. Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Susunggaban kung sino ang nasa harapan? Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin? Siguro kung dati maiintindihan ko pa. Oo, gano'n ako. Dati. Dati na 'yon. Nagbago na ako ngayon pero hindi ko alam na sa mata pala niya, I'm still the same Ashley. I'm still the easy Ashley.
Umatras siya at lumayo ng kaunti sa akin. Napayuko siya at sinipa palayo ang maliit na bato na nasa harap niya. "Shit. Shit. Shit."
Nakatingin lang ako sa kaniya at nang tumingin siya sa akin ay naramdaman ko na naman na parang may nag-vibrate na phone. I don't know. Wala na talaga akong alam.
"This is scaring the shit out of me," bulong niya more like sa sarili niya pero wala siyang pakialam kung marinig ko man o hindi.
"Sorry for all the things I've said." He said and left.
Jaydee.. ano ba kasing problema?
***
Four more chapter na lang tapos na ang story na 'to. Sorry, guys. Pinilit ko talagang ibalik ang feels ko sa story na 'to pero wala na talaga. Muntik ko na nga siyang idelete for good kaya lang may ibang readers na humiling na huwag daw kaya hindi ko matuloy. Sorry talaga.
YOU ARE READING
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...